Wala Sa Piling Niya

31 2 2
                                    

Labing siyam na taong gulang pa lamang si Joy Castro ngunit may dalawa na siyang anak. May asawa siyang walang permanenteng trabaho, biyenan na hindi kasundo at anak na sakitin. Ang kita niya bilang isang labandera ay hindi sapat sa kanilang pang araw-araw na pangangailangan.

Labing siyam na taon gulang pa lamang si Joy ngunit baon na siya sa utang at hirap na sa buhay. Kaya naman nang alukin siya ng kanyang tiya Emilia na mangibang bansa at doon mamasukan bilang kasambahay ay pumayag siya kahit malayo siya sa kanyang pamilya. Batid niyang iyon na lamang ang tanging paraan para kahit paano'y maibsan ang kanilang paghihirap. Batid niyang ang salaping kanyang kikitain ay sasapat para mabuhay niya ang kanyang pamilya.

Nakipagsapalaran siyang mag-isa sa banyagang bansa na ang tanging dala ay katapangan at pangarap na makaahon sa kahirapan. Tiniis niyang mawalay sa kanyang mga anak at asawa para lamang mabigyan niya ang mga ito ng maginhawang buhay.

Sa kanyang pag-alis sa bansa, magbabago kaya ang pagtitinginan nilang mag-asawa kung wala sila sa piling ng isa't-isa? Mapapanatili ba nila ang kanilang pag-iibigan sa isa't-isa? Sino ang magbabago at matuksong maghanap ng iba? Magkakalamat kaya ang kanilang relasyon sa paglayo niya?

Tunghayaan ng kwento ng isang batang ina,ang kanyang pakikipagsapalaran sa ibang bansa at ang kanyang kwentong pag-ibig ngayong malayo na siya sa piling ng kanyang asawa.


Wala Sa Piling NiyaWhere stories live. Discover now