Ikatlong Kabanata

3 1 0
                                    




               


            "Hello? Nanay Sally?" Pagkukumpirmi ko sa narinig kong boses ng babae sa kabilang linya.

            "Joy! Ako nga ito! Kumusta ka na riyan sa Hongkong? Buti at napatawag ka. Kaytagal naming hinihintay dito ang pagtawag mo," sunod-sunod na saad ng aking biyenan.

            "Maayos naman po ako rito. Kakabili ko lang po kanina nitong gamit kong cellphone kaya itinawag ko na kaagad sa inyo riyan sa Pinas," pagbibigay alam ko sa kanya, "Si Simon po, Nay, nandiyan ba?"

             "Naku, wala siya rito. Maaga palang umalis na siya. Kasama niya si Precious at nagpunta sila sa kabilang bayan."

            Hindi ko mawari ngunit may kakaiba akong nadarama pagkarinig sa pangalang iyon.

Kapitbahay namin si Precious at halos kaedad ko lamang siya. Palaayos siyang babae at puno ng kolorete ang mukha. Noon pa mang bago pa akong nakatira kina Simon ay nahahalata ko ang kakaiba at panakaw na sulyap niya sa aking asawa.

            Nasabi ko no'n kay Simon na tila may pagtingin sa kanya ang dalaga ngunit tinawanan niya lamang ako't sinabi na gano'n lang daw ito sa kanya simula nang sila'y bata pa. At sa kadahilamang matagal silang hindi nagkita sapagkat sa Maynila ito lumaki, nasabik siya sa kanyang kaibigan kaya raw gano'n ito kalapit sa kanya.

            Ngunit, iba ang tingin ko sa pakikitungo niya sa asawa ko. Gayumpaman, hindi ko na muling binuksan ang paksang 'yon kay Simon.

            Pilit kong pinagsasawalang bahala noon ang mga napapansin ko sa pagitan ng aking asawa at ng aming kapitbahay. Karagdagang pagtatalo na naman iyon kasi sa aming mag-asawa.

Subalit ngayong nasa malayong lugar ako at wala sa piling ni Simon, umusbong na naman itong kutob ko sa maaring kasapitan ng relasyon nilang dalawa.

"Joy? Nariyan ka pa ba?" boses ni nanay ang nagpabalik sa aking diwa.

" Kayo po, kumusta?," natanong ko para maiwas sa kung ano po ang maisip ko. "Belated happy birthday pala nanay. Pasyensiya na po at ngayon lang ako nakabati."

            "Salamat iha! Salamat din pala ro'n sa cake na ipinabili mo kay Simon. Kahit iyon lang ang handa ko, ayos na."

            Kumunot ang noo ko sa sinabing iyon ni nanay. Ang sinabi sa akin ni Simon sa chat niya sa 'kin sa facebook ay maraming pagkain ang naihanda sa kaarawan ni nanay.

            Magtatanong pa sana ako muli ngunit naantala iyon nang marinig ko ang boses ni Junjun. Kaya naman kinausap ko na ang aking panganay.

            Nang gabing iyon ay naisipan kong hiramin ang laptop ni tiya Emilia para matawagan ko sa skype si Simon. Nasabi kasi sa akin kanina ni nanay na pinaiwan nila ang laptop ni ate Sofia – ang nakakatandang kapatid ni Simon, para gamitin iyon sa pakikipag-video call sa akin.

            "Tumawag ka raw kanina sabi ni nanay. Pasyensya na Darling, kakauwi ko lang ngayon at iniwan ko ang cellphone.  Maaga kasi akong namasada," aniya sa akin.  Nakahilig siya upuan,pagod ang anyo at tila wala siyang ganang kausapin ako.

            "Kukumustahin ko lang sana kung naibigay mo na kay ginang Espinola iyong panghuling bayad ko sa nautang ko noon sa kanya."

" Hindi pa. Nagpasama kasi si aling Judith sa akin sa kabilang bayan at ginabi na kami ng uwi."

            Gaisang-linya ang kilay ko sa winika niyang iyon. Taliwas ang sinabi ni nanay na kasama niya. Lalo tuloy akong naghinala.

            "Darling, may itinatago ka ba sa akin?" hindi ko napigilang tanungin siya. Nakita kong tumuwid siya ng upo mula sa kanyang pagkakasandal at kunot-noong inilapit ang mukha sa screen.

Wala Sa Piling NiyaWhere stories live. Discover now