TLL 9:

50.1K 1.4K 52
                                    

Sorry for the long wait
First sem is over! Party party na!

Ang totoo? Namiss ko mag update!

Lez get in on! As promise :)

....

9.

"Eunice." Nanlaki ang mga mata nito pagkakita sa kanya, naging halata ang pagkabalisa, hanggang ngayon, palaisipan pa rin sa kay Ren kung bakit ganito si Eunice. Hindi naman ito nalamayo sa kanya dati...pero ngayon, ultimo presensya ay kinaiilangan na nito. Malalim siyang nagbuntonghinga para pawiin ang pag-aalala nito.

"I'm not following you, nagkataon lang na nakita kita dito, so are you alone?"  Nasagot din naman ang kanyang tanong ng biglang lumitaw sa likuran nito si Dion. May hawak itong libro.

"Nakita ko na yung book-" natigil din ito sa pagsasalita ng makita siya sa harapan ni Eunice. Tumabi ito sa gilid ng girlfriend, humawak sa beywang nito. Sumunod ang mata ni Ren sa nilandas ng kamay nito, napakuyom ang kanyang kamao na nasa loob ng bulsa ng kanyang pantalo. He tried so hard to be calm. Talo na nga naman siya dahil ito ang pinili, kailangan pa bang ipamukha ng harap harapan?

"May kasama ka pala, I have to go." Tumingin si Ren sa relong pambisig bago tumalikod. Hindi niya na hinintay ang sasabihin ni Eunice kung meron man.
Pagkalabas niya sa kalsada, pumunta siya kung saan niya naiwan ang makulit na babae.
Napapalatak na lamang siya habang dinudukot sa bulsa ang kanyang phone. Papasundo na lamang siya.

"Matapos ilibre, basta na lang aalis, tss, kakaibang babae talaga."

...

"You wanted to talk to him?" Tanong ni Dion, napaalis ang paningin ni Eunice kay Ren, nakatalikod ito sa gawi nila, wala itong malay na nakatutok ang mata niya dito.

"Hindi." Pilit siyang ngumiti sa katabi, ang kamay nito na nasa kanyang beywang kanina habang kaharap si Ren ay inilagay nito sa kanyang ulo.

"Matigas ang ulo mo kaya pati yung puso mo, hinahawaan mo." Sagot nito, napakagat  na lamang siya ng labi. Alam naman nito ang sagot sa bagay na iyon, pero mapanukso talaga si Dion, paulit-ulit yung sinasabi at pinapaalala sa kanya.

"Dion,I will never be like her...i will never be like my mother."  Hindi talaga niya mapigil na magkaroon ng bikig sa kanyang lalamunan sa tuwing nauuwi sa ganito ang kanilang topic.

Masakit.

Masakit sobra.

Kung may isusulat siya ng bagay o tao na ayaw niyang maging, yun ay walang iba kund ang kanyang sariling ina.

Nagulat na lamang siya ng nakatikim ng kurot sa pisngi mula kay Dion.

"Baliw, hindi ka matutulad sa kanya... kung katulad mo siya, matagal mo ng sinunggaban ang bagay na gusto mo, pero dahil iba ka nga...heto ka at palaging nagpipigil."

"Dion," ayaw  na niya itong magsalita, dahil baka saan pa mapunta ang kanilang usapan. Mas okey na yung simple lang...yung cool lang na mga usap, ayaw niya ng ganito.

" Bayaran ko na nga ito." Umalis ito para magpunta sa counter, maswerte pa rin siya kahit paano dahil kasama niya si Dion. Wala na siyang masisikreto dito, iniisip niya pa lang, nasasabi na nito.

...

"Dude nagreview ka?" Tanong ni Josh pagkapasok nito. Nauna siya dito pati kay Dexter na kasunod halos nito. May long quiz sila ngayon, unti unti ng napupuno ang room.

"Hinihintay mo yung Darna mo?" Humagikgik si Josh sa kanyang likod, wala ngang tumabi sa kanya sa dalawa, iiling iling naman si Dex.

"Sasapakin kita." Banta niya dito matapos niyang pandilatan ng mata. Sinong nagsabing hinihintay niya ito, nagkataon lang na sa pinto siya nakatingin. Ilang minuto pa dumating na ang prof., nagpamigay ng test paper...pero wala pa rin si Candice.

The Law of Love (completed)Where stories live. Discover now