TLL 40:

49K 1.3K 86
                                    

#unedited

...

40

"Excuse me, Miss!" Agad napabaling si Candice sa matigas na tawag na iyon, pagbaling niya ay mabilis siyang nakaramdam ng kaba. Natatakot man ay pinilit niyang ngumiti habang papalapit dito.

"Yes mam?" Tanong niya sa mababang tono. Naka shades ito sa loob ng kanilang coffee shop pero sa kabila noon ramdam niya ang matalim titig nito.

"Hindi ito ang order ko!" Pertaining doon sa kape na sinerve niya dito. Sure naman siya na iyon ang kanyang narinig at inilista.

"Pero mam, sabi nyo po-"pinutol na ng matalim na salita nito ang kanyang paliwanag.

"Do not put the blame on me. Kasalanan ko ba na estupida ka at mahina ang pandinig.Gosh! Ganito pala dito." Tumayo na ito na lalong nagpakuha ng atensyon, marami ng customer ang nakatingin sa kanilang direksyon at nanonood sa nangyayari.

"Sorry po, papalitan ko na lang." She apologize, kahit na dapat niyang ipagtanggol ang kanyang sarili at karapatan. Hindi niya iyon kayang gawin sa kanyang boss.

"No need, nawalan na ako ng gana,"bumaling pa ito sa mga tao,"Everyone beware of this lady's stupidity, you'll never know na ano na ang nilalagay nila sa inumin natin," doon na siya pumalag. Hindi niya hahayaan na sirain nito ang kredibilidad ng kanyang pinagtatrabuhan.

"I'm sorry mam, pero mali naman po ang siraan niyo kami. Nagkamali po ako sa sinerve ko gaya ng sinabi niyo, pero hindi naman po dapat isisi sa pagkain na sineserve namin, paninira na po ang ginagawa nyo."

"And you have the guts to talked back." Tinanggal na ng babaw ang shades na suot, nakatitig siya sa mata nito na pawang pamilyar sa kanya. Pati ang mukha nito ay parang nakita niya na sa kung saan. Tinignan siya nito mula ulo hanggang paa. Para siyang specimen na ine examine nito.

"I'm sorry in my staff's behalf, Candice pumunta ka muna sa kitchen." Nabigla na lamang siya ng nasa tabi niya na ang kanyang boss. Para naman siyang nabuhusan ng tubig, tumango siya at nagtungo sa kitchen, agad siyang sinalubong ni Michelle para kumustahin. Sinabi niya dito ang detalye, walang mintis.

"Loka pala yung mukhang mangkukulam na iyon eh, napakadaling ayusin noon pero bakit kailangan niyang mag eskandalo?" Napapailing na lamang siya. Nakatapat siya ngayong araw.

Maya-maya pa ay pumasok ang kanyang boss. Hiyang hiya siya dito at agad nanghingi ng sorry.

"Sorry po boss, sinisiraan niya na po ang coffee shop sa pagkakamali ko. Okey lang naman po ang ma charge kaya lang po," may inilahad ito sa kanya. Papel kung saan niya inilista ang mga orders ng babae kanina.

"Looks like it's something personal and deep." Sabi ng kanyang boss.

Tama ang kanyang inilista at sinerve, pero wala siyang ideya kung bakit ganoon na lamang ang galit nito sa kanya.

...

"Ang lungkot mo yata mahal, may problema ba?" Malalim ang iniiisip nito na hindi namalayan na nakatayo na siya sa harap nito. Maghapon silang hindi nagkita dahil nasa kumpanya siya at nasa trabaho naman ito, ngayon ay yayayain niya sana ito na magpunta sa dinner cellebration ni Dexter,kasama nito ang babaeng nabuntis, si Ali, kung paano nangyari, malalaman nila mamaya.

"Wala."sinabayan pa nito ng iling, "Tara na." Tumayo na ito, hinawakan niya ang kamay pati ang noo nito, pero hindi naman mainit.

"Wala akong lagnat."

"Ang tahimik mo kasi, nakakapanibago. Nasaan pala kiss ko?" Tanong niya, titignan niya kung paano ito magrereact. Lumingon muna ito sa paligid bago muling tumingin sa kanya at hinalikan siya sa labi.

The Law of Love (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon