TLL 34:

52.6K 1.6K 172
                                    

#unedited

...

34.

Magkasiklop ang kanilang kamay ng umalis sa unit nito, nakasuot dito ang cap niya na bagay na bagay naman, pero sa kanya kanina parang hindi. Ewan, sinuot niya rin yun para walang makakilala sa kanya habang papunta dito, pero mukhang ngayong araw, hindi maiiwasan iyon. Hindi niya rin alam kung saan sila pupunta.

"Saan tayo pupunta?" Tanong niya dito ng bumukas ang elevator, nakababa na sila at nakangiting sinalubong ng mga empleyado doon. Ginantihan naman ni Ren iyon ng ngiti at tango, hindi naman pala suplado ang mayabang na lalaki. Siguro sa kanya oo, o iyon lamang talaga ang personalidad nito na natanim sa isip niya.

"Saan mo ba gusto?" He smile at her habang pinagbubuksan siya nito. She feels like a princess, kahit hindi naman pang prinsesa ang drama ng kanyang buhay.

"Di ko alam." Sagot niya ng nakasakay na ito, nakapag seatbelt na rin siya. Natatawang umiling ito at bumulong.Dapat talaga sa bahay na lamang tayo...mas marami tayong magagawa doon.

She rolled her eyes, basang basa niya ang kamanyakan sa utak nito.

"Lunch muna tayo?"

"Okey." Huminto ito sa isang restaurant, napangiwi siya sa tanyag na pangalan noon.

"Dyan tayo kakain?"

"Oo bakit, we own it, kaya tara na." Lumabas na sila ng kotse pero hindi niya maihakbang ang paa, hindi siya kumportable. Ayaw niyang puro paggastos nito ang mangyari sa unang date nila.

"Pwede sa iba na lang?"

"You don't want here? Saan mo gusto?" Muli na naman siyang pagbubuksan nito ng makaisip siya, actually kanina pa iyon, gusto niya yung simpleng date lang...commoner style, walang magarang sasakyan na nakakaakit sa mga mata ng mga mapagsamantala.

"Pwedeng iwan mo na na lang kotse mo?Mag commute na lang tayo ." she suggested. Sandali itong nag-isip bago ngumiti ng malapad.

"Okey, ikaw masusunod ngayon, basta ako next time para alternate!" Napangiti si Candice doon,next time. Mauulit ang araw na ito, dito mismo galing. Hindi siya dinadaya ng kanyang pandinig.

"Basta mag eenjoy tayo doon at mabubusog ng sobra!" Excited na siyang pumara ng jeep, nakahawak pa rin si Ren sa kanyang kamay, akala niya maiilang ito pero hindi niya makitaan ng pagkailang ang pagsakay nito sa loob ng jeep. Para sa isang mayaman? Nawala lamang siya sa pag -iisip ng marinig niya ang lihim na pagtili ng mga nasa paligid, nakita niya agad ang bilang ng mga kababaihan na kinikilig sa kanyang katabi. Palihim na tumitingin ang mga ito kay Ren na walang pakialam, kinuha niyo ang pitaka sa bulsa at dudukot sana.

"Ako na,"pigil niya dito, dahil baka puro buo ang laman ng pitaka nito. Marami naman siyang barya sa loob ng kanyang sling bag.

"Darna, pinapahiya mo naman ako." Nanunuksong wika nito, kailangan ba talaga siyang tawagin na Darna maging sa loob ng Jeep? Si Darna na bra at panty lang ang suot...samantalang siya na si Darna na balot na balot. Hinayaan niya na lamang ito dahil baka humaba pa ang usapan. May 100 peso bill itong nilabas..."saan ba tayo?" Sinabi niya ang lugar at magalang naman itong nakisuyo para ipaabot. Dalawang babae ang nag angat ng kamay, di nakatakas kay Candice ang malalagkit na tingin ng mga ito. Napailing na lamang siya. Bahala na si Ren doon. Hindi naman sila kaya wala siyang karapatan para tumutol, saka kahit sila na, na lihim niyang ikinangingiti habang naiisip... hindi naman niya mahahadlangan ang iba na hangaan si Ren, kahit naman siguro papangarapin ang magkaroon ng isang Ren sa buhay, lalo na at nakikita niya ang tunay na ugali nito. Sweet at mapagmahal, bagay na noon pa niya pangarap na maramdaman.

The Law of Love (completed)Where stories live. Discover now