TLL 67:

44.2K 1.2K 99
                                    


4/23

#unedited

67.

Ren rejoice as he sees Candice attention diverted to Benjo.
Kay Benjo na sobrang kulit at pilyo, at least hindi kay Attorney na alam naman niyang pilit lamang ang ngiti at pakikitungo.

Nakasunod naman sila ni Portugal sa mga ito, si Benjo kasi ang nasusunod kung saan silang lugar papasyal.

"Boss mukha silang masayang pamilya ,may nanay at tatay tapos anak..." Sinamaan niya ng tingin ang masamang komento ni Portugal, kahit kailan talaga ang assistant niyang ito.

"Gusto mong huling araw mo na ito?"

"Pero syempre boss mas masaya kung ikaw yung tatay doon, mas gwapo ka kaya kay attorney." Hindi na lamang niya ito pinansin, nilampasan niya ito para hindi mawala sa paningin si Candice.

Nagyaya si Benjo sa isang restaurant dahil gutom na gutom na raw ito. Nagtalo pa sila ni Greg kung sino ang magbayayad ng kanilang kinain. Iyon din ang nagtulak kay Candice para kausapin siya.

"Stop following us, you can go on your own, ako na ang bahala kay Benjo." Naka halukipkip si Candice sa kanyang harapan, mamula mula ang mukha nito dahil sa init ng panahon...pero hindi dahil sa sinabi nito ang dahilan ng pagkainis niya.



"Kailan ka pa nahilig sa lipstick na kulay pula?"

Mas lalong uminit ang ulo nito sa kanyang sinabi.

"Please Mister, don't change the topic."

"I'll change the color then," hinapit niya ito sa beywang at hinalikan sa labi, nagpupumiglas ito pero hindi pa rin siya tumitigil. He dislike the color red in her lips lalo na kapag kasama ang attorney na iyon.

He misses the taste of her  at alam niyang hindi lang siya makukuntento dito, mas nilalapit niya pa ang sarili sa umuusok na dragon.

Malakas na tulak nito ang nagpahiwalay sa kanya, kasunod noon ay ang malakas na sampal na tumama sa kanyang pisngi.

"Bastos ka talaga!" Sigaw nito, pinapahid ang labi na parang diring diri sa kanya,  kasunod noon ang paglabas ni Greg.

"What happened?" Hinawakan nito si Candice at itinago sa likod. Si Ren naman ay hawak ang kanyang labi na may bakas ng lipstick, nakita iyon ni Greg, ngumisi siya na lalong ikinagalit nito.  Sumugod ito sa kanya , itnulak siya nito sa dibdib.

He made the attorney's mad.

"Tapos na kayo, live with it!" Diin nito sa kanya, he can see his frustration, wala pa iyon sa kalahati ng kanyang nararamdaman. Wala itong karapatan na sabihin iyon sa kanya, hindi naman ito spokeperson ni Candice.

"Who are you to tell me that?" Amok niya dito, walang sinuman ang magdidikta ng kung ano, magulang niya nga ay hindi nakekealam kung sino ang gusto niyang makatuluyan, ito pa kaya? Natahimik naman ito sa kanyang sinabi, he caught him there, napapangiti siya sa reaksyon nito.

"See? Speechless are we?"

"May karapatan siya." Napawi ang kanyang ngiti sa sinabi ni Candice, tumabi ito at hinawakan ang kamay ni Greg, magkadaop ang palad at sabay na tumingin sa kanya."I'm sure you know what I mean, kaya tigilan mo na ako Ren, tapos na tayo."she said it with finality bago tumalikod kasama si Greg, naiwan si Ren na durog ang puso at pag-asa.

"Boss okey ka lang?"

"Lumayo ka muna, baka masaktan kita." Hindi ito kumikilos kaya siya na ang umalis. He can't see them now, hindi niya alam kung ano ang maari niyang gawin sa sobrang sakit.


...

"Nakatulog din yung alaga natin." Tukoy nito kay Benjo na nakahiga na sa kama niya, sobrang hyper nito buong araw kaya naman noong nahiga sa kama ay mabilis na nakatulog. Tinawagan niya na rin ang pamilya nito para sabihin na nasa kanila si Benjo, mukhang mapapaaga ang kanilang pag-uwi.

"Oo nga." Pilit siyang ngumiti dito, nagpunta na silang dalawa sa living room ng villa. Maganda sa Las Casas para kang nasa panahon ng mga Kastila, yung mga bahay at mga gamit...kailan nga lang at dito idinaos ang meeting ng mga bansa. Ang lugar ay pagmamay ari ng sikat na pamilya sa probinsya.

"Sorry kanina." Hingi niya ng paumanhin, buong hapon ay iniwasan nila ang nangyari kaninang komprontasyon nawala na rin ang presensya ni Ren sa paligid. Nagpapasalamat siya at tumigil na ito, pero bakit nandoon ang kirot? Bagay na hindi naman niya dapat maramdaman dahil paulit ulit niyang ipinamukha dito na wala na at tapos na.

"It was okey, sobrang kulit pala talaga ng ex mo."  Napatango lamang siya doon. He has no idea. Bakit hindi na lamang kasi ito makuntento sa unang choice na pinili, bakit kailangan pa siyang guluhin.

"Sorry ulit." Umiling ito sa kanya.

"Don't say it. Ako nga dapat ang manghingi ng sorry," lumipat ito ng pwesto , nagulat siya ng lumuhod ito sa kanyang harapan. Napalunok siya ng paulit ulit. "I want us to become real and official...alam mo naman na mahal kita."

"Greg."

"Patapusin mo na muna ako..."huminga muna ito ng malakim bago muling nagpatuloy,"I am really threaten with your ex, paano kung maisipan mo na tanggapin siya ulit? What will happen to me? What will happen to us?"

"Greg."  Hinawakan ni Candice ang mukha ni Greg, she adore his sincerity...bago siya pumunta dito, nakabuo siya ng desisyon na piliin si Greg, bigyan ito ng pagkakataon na mahalin siya, ganoon din siya para dito. He is indeed special at konti na lang doon na rin siya papunta.

Kailangan lamang talaga mawala muna ng taong umuokupa sa kanyang puso.

"I love you Candice, please give me a chance." Nilapit nito ang mukha sa kanya, another kiss from another man. Hindi niya alam kung ano ang gagawin, ipinikit niya na lamang ang kanyang mga mata at hinayaan ang pagkakataon. Dumapi na ang labi ni Greg , banayad lamang iyon sa una hanggang sa mag umpisang gumalaw.

Image of Ren enters her mind kaya natakluban nito ang kagustuhan niya na gantihan ang halik ni Greg, kung galit ang naramdaman niya kanina sa halik ni Ren, ngayon kay Greg, wala siyang maipangalan.


"Kiss ako din!" Nagulat silang dalawa ng makita si Benjo na nakaupo sa kanilang gilid. Mabilis silang naghiwalay ni Greg.

"Benjo, natutulog ka dapat." Sumimangot ang mukha nito sa narinig mula kay Greg.

"Bakit nagising ka na?" Palingon lingon lamang ito at hindi sinagot ang kanyang tanong.

"Nasaan si pare?"

Hindi niya alam kung nasaan si Ren, halata naman na ginagamit lamang ni Ren si Benjo para guluhin sila...Wala naman talaga iyong intensyon na alagaan si Benjo, sa init ng ulo at kayabangan ng isang iyon? Nagdududa siya.

"Umalis na siya, kami na lang ni Greg ang maghahatid sa'yo." Ngumiti siya ganoon din si Greg. Awkward.

"Sinungaling sinta, hindi ako iiwan ni Pare!" Tumayo ito, sumunod sila dahil lalabas ito ng pinto.

Kung nagulat si Benjo ay ganoon din siya, paanong hindi niya inaasahan na nakasandal sa tabi ng pinto si Ren.

"Pare!" Excited na bati ni Benjo dito, seryoso lamang ito na tumingin sa kanya maging kay Greg na nasa kanyang tabi. Sandali na nakakapasong tingin bago muling tumingin kay Benjo.

"Buti nagising ka na, uwi na tayo." Tumalikod na ito..sumunod naman si Benjo na kaway ng kaway sa  kanya habang nagpapa alam. Hindi lumingon si Ren kahit nakapako ang mata niya sa likod nito.

Hindi ito lumingon hanggang sa makasakay sa sasakyan na nakaabang.

...















The Law of Love (completed)Where stories live. Discover now