Chapter 20 - DANGER

8.5K 136 8
                                    

Chapter 20

[Marjorie's POV]

Sabado ngayon at gaya nga ng sabi ko eh simula na ng preparations namin para sa foundation week.

Ang sabi ni kuya Dan eh seven tables ang gagamitin para sa mga pupunta sa booth. Tapos ang prize daw, depende sa mabubunot ng mananalo. Hmmm, ako eh kinakabahan sa mga prize na nakasulat dahil isa si Bryan sa nagpresinta na gumawa nung mga bubunutin na prize. Paniguradong puro kalokohan lang yan. Idagdag nyo pa yung iba naming kagrupo na puro maloloko din.

Kami eh naassign naman sa mga prizes na ang mabubunot eh souvenir. Ang corny ng booth namin no? Maipilit lang na may booth kaming TTC, hahaha ^___^v

Matapos naming kunin yung budget kay Luke, treasurer namin, umalis na kami at pumunta sa mall. Buti nga ang kasama ko eh si Jade, Megan at iba pa naming kamember na babae.

Syempre bukod sa pinapabili samin, nag shopping din kami, ano pa ba ang ineexpect nyo eh puro kami babae. ^__^v

Kung ano anong ekek lang ang binili namin. Key chains, bracelets, at ang pinaka gusto ko eh yung stamp na lips ang shape. Umaygulay. Kahit ito lang John, solve na ko hahaha.

Kaso hindi naman yata pwedeng sumali ang mga member ng TTC, haay, kalungkot naman...

Nabili na namin lahat ng kailangan sa booth at pati na din ang sarili naming pangangailangan. Kung pwede lang bilhin si John, ginawa ko na :D

Bumalik na kami sa TTC at hindi naman sila busy. Yung iba naglalaro lang, ang busy lang eh yung Brandon ni Jade na seryosong seryoso sa pagbabasa ng libro. Whoa, parang alam ko na kung bakit to nagustuhan ni Jade. Parehas silang bookworm eh.

Bukod sa kanya eh busy din yung ibang officers at ibang kamember namin na naassign sa bunutan. Hmmm, ano kayang mga pinaglalagay nila dun?

Nahagip ng mata ko si Bryan at parang kakaiba yung ngiti nya. Naku po, mukhang kalokohan na naman ang iniisip nyan.

Pero nilibot ko yung mata ko dito sa TTC eh wala si John, nasan kaya sya???

Lumabas na lang ako para hanapin sya, kaso wala talaga ni anino nya dito. Kaya nagpunta na lang ako sa locker para kunin yung mga libro ko para sa homeworks namin.

Nasa hallway na ako papunta sa locker eh parang may nakita akong babae na bigla ding nawala nung papalapit na ko.

T-teka... Naiisip nyo ba ang naiisip ko???

UWAAAAHHH, minumulto na yata ako >____<

Pero hindi, di ako aatras. Atapang atao yata ako.

*BLAG!!!*

"UWAAAAAAHH!!!!" napasigaw ako dahil may parang mabigat na bagay ang nalaglag dun sa isang room. Aatras na sana ako kaso kailangan ko talagang kunin yung libro ko.

Tumakbo na ako papunta sa locker ko at ang nadatnan ko ay...

"EH??!!" anak ng tokwa! sira na naman yung lock ng locker ko!

Bakit Hindi Ako Crush Ng Crush Ko? [COMPLETED]Where stories live. Discover now