Chapter 39 - BODYGUARD?

7.8K 131 8
                                    

Chapter 39

[Marjorie's POV]

Morning! >___<

Haaay, namimiss ko ng isigaw ang "HI HELLO HI! GOOD MORNING PHILIPPINES!" na may kasamang malaking ngiti sa aking mga labi. Tss, nagagawa ko lang kasi yan pag inspired ako noon dahil kay John. Pag masaya ako sa tuwing nakikita ko sya. Kapag napapanaginipan ko sya, pero ngayon, wala na. Ni sa panaginip, wala na sya.

Pero onga pala, speaking of John. Aish, pano ko sasabihin sa kanya na kakausapin sya ni Papa?? Pano ko sya lalapitan kung iniiwasan ko nga sya? Pano ko sya tatanungin kung pilit ko ngang kinakalimutan ang nararamdaman ko para sa kanya? Ayyy, ano laslas na ba? >_<"

Naligo na lang ako at nagbihis na. Siguro bahala na lang mamaya, pag nakasalubong ko sya, sasabihin ko na ng dire-diretso na dito sya magdinner bukas. Aissssh!!!

Eh kung sabihin ko na lang kaya kay Papa na hindi sya pwede? Tsk, edi magsisinungaling na naman ako? HANOBAAA!!!

"JOREEEEEENG!!!"

"Ay anak ng Joreng!! Aish!!!" nagulat ko dun sa sumigaw at napakalakas kung kumatok sa pinto kaya lumampas na yung lip gloss ko. Hanggang sa pisngi may lip gloss ako =____=

Eh sino pa ba yang ang aga-aga kung mambulabog? At sino ba ang tatawag sakin ng Joreng?

"Hoy PAENG! Ang aga-aga mong mambwisit ah?!" sigaw ko habang pinupunasan ko yung lampas na lip gloss.

"Labas ka na dyan! Breakfast is ready my dear~!" err, ayan na naman si 'my dear nya'. Ang sakit sa bangs kahit wala akong bangs >.<

Hindi na lang ako sumagot at nagmadali ng lumabas dala yung bag ko.

"Tsk, grabe ka. Ano ito, aaraw-arawin mo ang pambubulabog?? Grabe ka naman."

"Hehe, inutusan lang ako ni tita. Ay oo nga pala, si Maymay din. Wait lang ha." akmang pupunta na sya sa kwarto ni Macey eh pinigilan ko sya.

Eh alam ko na labas nyan eh, sungitan at sigawan na naman. Pero buti nga hindi pinapatulan ni Raffy ang kasungitan ni Macey.

"Oh bakit?"

"Wag mo ng tawagin yun, susunod na yun. Hindi ka naman alarm clock dito diba? Eto..." inabot ko sa kanya yung bag ko. Hehe, para naman kahit papano eh makaganti ako sa pambubulabog nya kanina. Ang hirap tanggalin nung lip gloss sa pisngi ah, malagkit >.<

"Pabuhat na lang ng bag ko ^_^v"

"Eyy, hehe. Sure my dear ;)" eh? My dear na naman? Tsk, ang inaasahan ko eh magrereklamo, natuwa pa.

Hindi ko na lang pinansin at bumaba na kami papunta sa dining para mag-agahan.

Bakit Hindi Ako Crush Ng Crush Ko? [COMPLETED]Where stories live. Discover now