Chapter 42 - GWIYOMI

7.9K 144 22
                                    

Chapter 42

[Raffy's POV]

"Are you courting my daughter?" diretsong tanong ni tito.

"E-eh?"

Ano daw? O_O

"Narinig ko ang pag-uusap nyo kagabi. Nililigawan mo talaga ang anak ko?"

Hala ka. Patay kang bata ka. Anong sasabihin ko???

"Ah eh... Ano po---"

"Oo o hindi lang ang sagot Raffy." aish, nakakatakot si tito. Ano na sasabihin ko??

"Ah o---"

 

 

"Haaaay! Grabe ang lakas ng ulan!!!" natigil ako sa pagsasalita nung biglang bumukas ang pinto at bumungad samin si Marj na basang-basa. Tss, adik talaga tong isang to. Sumugod daw ba sa ulan??

"Anak! Anong nangyari sayo??" tanong sa kanya ni tito at napatayo sa kinauupuan nya at lumapit kay Marj.

"Eh kasi Pa, wala akong payong eh kaya po yan, sumugod na ko sa ulan. Tsaka gustong-gusto ko na po umuwi."

 

 

"Ahh, tsk tsk. Sige maligo ka na at magpalit ka na ng damit. Baka magkasakit ka pa sa pinaggagagawa mo."

 

 

"Opo." tumalikod na si Marj pero tumingin sya sakin na para bang nag-aalangan yung itsura nya.

Tapos eh bigla na lang syang umiwas at tumuloy na sa paglalakad.

"So... Oo o hindi? Nililigawan mo ba talaga ang anak ko, Raffy?" nabalik ako sa diwa ko nung nagsalita si tito. Tss, ano bang isasagot ko? Oo? Edi nawalan ako ng tutuluyan ngayon? Hindi? Edi nagsinungaling naman ako at parang binali ko na din yung tiwala sakin ni tito?

"Hindi po!" napalingon ako sa nagsalita na si Marj. Malamang narinig nya yung tanong ni tito. Pero teka... Hindi daw?? Hindi daw ako nanliligaw??

"Pa naman, bakit naman po ako liligawan ni Raffy?" patuloy ni Marj at bigla akong inakbayan. Aish, para kong nakuryente sa ginawa nya.

"Pero..." magsasalita pa sana ko kaso bigla namang nagsalita si tito.

Bakit Hindi Ako Crush Ng Crush Ko? [COMPLETED]Where stories live. Discover now