Chapter 24 - I LIKE YOU? NO, I LOVE YOU

8.3K 144 6
                                    

Chapter 24

[Bryan's POV]

"May kailangan akong sabihin sayo..."

Kailangan ko ng gawin to. I'll take the risk. Winner takes it all. Kahit iwasan nya pa ko, gagawa at gagawa ako ng paraan mapalapit lang sa kanya.

"Pwede bukas na lang? Napapagod na kasi ako eh, gusto ko ng magpahinga ng diretso. Uwi na ko ah." grabe ang sakit ha? Bakit parang wala man lang syang pake sa sasabihin ko? Eh kung si John ako? Baka hindi pa tapos magsalita yun, 'oo' na agad sagot nito T____T

"Ah hindi pwede, ngayon na dapat." seryosong sabi ko at tinignan ko sya diretso sa mata nya.

"Eyyy, seryoso kunyari oh. Tsk di bagay pre. Sige na uwi na ko, bukas na lang." sabi nya at nagsimula ng maglakad palabas pero pinigilan ko sya.

"I'm serious Marj. I'm dead serious this time." sabi ko at umiwas ako ng tingin sa kanya. Hooo! Nag-iipon pa ako ng lakas ng loob.

"Eh? Bakit ba? Ano ba yung sasabihin mo?" sabi nya at sumeryoso na din sya.

"Magpromise ka munang hindi ka magagalit?"

"Nye? Hindi ko naman alam kung anong sasabihin mo kaya pano ako magpa-promise? Ayokong mangako kung mapapako lang din."

"..." okaaayyy, aish tama ba ginagawa ko? Tingin nyo? Atras na ba? O laban pa? =____=

"Huy! Ano na sasabihin mo? Uuwi na lang ako ah?"

"Ah sandali sandali! Eto na... Haaa...." huminga muna ako ng malalim at tsaka ako nagsalita.

"Uhm kasi ano... Ah Marj ano..." nauutal-utal kong sabi habang nakatitig sa mga mata nya.

"Ano?"

"Marj..."

"Oww??" sabi nya at parang naiinip na sya.

"I... I like you." 

Bakit Hindi Ako Crush Ng Crush Ko? [COMPLETED]Where stories live. Discover now