The 7th Thing. [03 - You're insecure]

88.2K 1.8K 186
                                    

3. You're insecure

"Bes. Dalian mo naman mag-pulbos dyan, hinihintay ka na sa Booth natin!" 

"Oo na. Teka lang. Mauna ka na." Umalis naman siya kaagad at iniwan ako sa classroom.

Oo nga pala, Foundation Day namin ngayon. Ambilis ng panahon. October na kaagad. Anyways, Marriage Booth pala kami. Kaya ako pinapabilis ni Trish dahil turn ko na para magbantay e. 

Pagkarating ko sa booth, si Elsie at Jason yung kasama kong magbantay. Natatawa nga kami kapag may mga nasa Marriage Booth e. Tipong pinagtitripan lang talaga sila ng mga kaibigan nila, meron nga, pinapunta sa Marriage Booth, magkapatid e! HAHAHA. Mga utak talaga ng mga schoolmates namin.

"Uy Ash. Break ka muna. 30 minutes lang. Balik ka mamaya ha." Um-oo naman ako. Hinanap ko si Trish kaso ayun, kasama si Troy. Oo, nagkakamabutihan na sila. Akalain mo yun? Bibigay rin pala yung manhid na yun. 

Nagulat ako kasi biglang may humawak sa kamay ko. Pagkatingin ko, si Ethan lang pala.

"Oh, bakit Ethan?"

"Ikot-ikot tayo? Boring." Um-oo na lang ako pero binitawan naman niya yung kamay ko.

Alam niyo kasi, naging close na talaga kami. Sa totoo nga lang, parang bestfriend ko na siya e. Madaldal na siya. Tapos, magaan na rin loob ko sa kanya. Masaya rin siya kasama e. Atsaka, si Stephen kasi e. 

Teka, bakit napasok ang pangalan ni Stephen dito?

Kinalimutan ko na lang si Stephen sa isip ko at hinatak si Ethan papuntang Street Food Booth. Nagugutom na rin kasi ako e.

"Libre mo ako. Ge naaaaaaaa~" Nagpout pa ako sa kanya, hindi naman niya matitiis bestfriend niya e. Ang sama ko.

Bumili naman siya. Ang dami ngae! 10 pieces ng fishball, 5 kikiam, tapos may kasama pang Shawarma! "Oh, kainin mo lahat yan." Tapos may gulaman pa siyang binigay sakin. Nagsmile naman ako sa kanya at nagthank-you.

Hindi naman masyadong makapal ang mukha ko? Patay gutom lang talaga ako.

"Teka, okay na ba kayo ni Stephen?" Bigla akong nasamid sa narinig ko. Pinaalala niya pa kasi.

"Malay ko dun. Bahala siya." Ano ba kasi yung nangyari?

Ganito yun, last week, Tuesday ata yun. Niyaya niya akong pumunta sa Mall. Wala lang daw, magfofood-trip. AS FRIENDS. Um-oo naman ako, kasi syempre, gusto ko rin siya makabonding minsan. Crush ko siya e. Papalampasin ko pa ba yung pagkakataon? 

So ayun, nagbihis talaga ako. Naglip-gloss pa nga ako e. First time. Di naman kasi ako palaayos.

Nauna akong pumunta sa Mall. Mga 3PM daw kami magkita. Nag-ikot ikot muna ako. Isang oras na ang nakakalipas, wala pa rin siya. Di niya pa rin ako tinetext. Nangyari dun?

Tinry ko siyang tawagan, hindi niya sinasagot. Tinry ko siyang itext, di siya nagrereply. Seriously, kinakabahan talaga ako. Ano bang nangyayari sa kanya? Baka mamaya, may nangyari sa kanyang masama. Di ko maiwasang mag-alala.

Pagkalipas ng dalawang oras, wala pa rin siya. Nagdecide na lang ako na umuwi. Pero bago ako umuwi, dumaan muna ako sa bahay nila. Malay mo, hindi na pala siya pinayagan ni Tita Selle, yung Mama niya, na gumala. Pagkarating ko dun sa bahay nila, pinapasok ako ni Tita Selle, nasa may sala daw si Stephen, may kasamang kaibigan. Ang laki pala talaga ng bahay nila Stephen. Ang yaman pala talaga ng mga Yu.

Pero sana, hindi na lang ako pumunta dun. Kung yun lang ang makikita ko.

Si Angela, nakayakap kay Stephen. As in, yakap na yakap. 

The 7th ThingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon