The 7th Thing. [11 - Happy Ending]

76.9K 1.7K 124
                                    

11. Happy ending

Stephen's POV

Ngayon na ang flight ko. Kahit 3 days lang ako dito, okay lang rin. Nakasama ko rin ang barkada ko e. 

Isa pa, nakita ko rinsi Ash kahit isang beses lang. Nakasama ko pa magmall.

Alam niyo bang, ako talaga ang may pakana ng "date" namin sa ATC? Tinulungan lang ako ng barkada. 

At least, kahit sa isang araw, nakasama ko ang taong mahal ko.

Kahit isang araw lang.

"Hey bro, ready ka na sa flight mo?" Tanong ni Evo, andito ang 3 kumag sa bahay ko dahil hahatid daw nila ako sa airport. Hindi naman kailangan, kaso, ang kukulit e. 

"Oo. 8AM na. Lika na, baka malate tayo Guys!" Sumakay na kami sa kotse ni Cleo at pumunta na sa airport.

Makikita ko pa ba siya?

Pero sabi nga nila, kung kami talaga sa huli, kami talaga.

Ambading ko talaga mag-isip. Sorry, in love e.

"Mamimiss ka talaga namin, dude. Sobra." Ang drama naman ni Troy.

"Dude, that's so not you!" Humagalpak lang kaming 3 sa tawa. Namiss ko rin 'tong mga kumag na 'to e.

"Pero, seriously, hindi ka ba magpapaalam kay Ash?"

"Suko na ako. Alam ko namang, she'll never love me back."

"Sus. Alam mo, in-denial kasi yun. O baka nahihiya lang." Sana nga, ganun lang.

Nahihiya lang sana siya. 

After ilang minuto, andito na kami sa airport. Binaba ko na yung bag ko, tinulungan din naman ako nung 3 kaya okay lang kung medyo mabigat.

Pagkapasok namin, gulat na gulat ako.

Marami akong nakitang tarpaulin sa loob ng airport, Puro "I love you, Stephen."

"Ang astig naman. Sino kaya yung Stephen na yun. Swerte masyado." Imposible namang ako yang Stephen na yan. May gagawa ba ng ganyan sakin?

"Baka ikaw, dude."

"Hindi. Walang gagawa ng ganyan para sakin."

"Mali ka ng inaakala, dude. Tignan mo sa kanan mo." Napatingin ako sa kanan ko.

 Andun si Ash. May hawak na gitara. 

"A-ash?" Pagkalingon ko sa tabi niya, si Ethan at Trish, pati na rin si Lizelle, lahat sila nakangiti. Napatingin ako sa ibang tao at wow, ang daming nakikiusyoso. Nakakagulat naman kasi na surprise 'to e.

Nilapitan ako ni Ash at kiniss sa pisngi. "Wag ka masurprise ha?" Nasurprise mo na nga ako e. Kakaiba ka talaga. Ang daming naghiyawan. Naisip ko tuloy, paano kaya niya nagawa ang lahat ng 'to?

"Nagawa niya 'to dahil Tita niya ang may-ari ng airlines." Bulong sakin ni Troy. Ano siya, mind-reader?

Napangiti na lang ako at tumingin kay Ash.

"Bakit mo ginagawa 'to?"

"Basta. Pakinggan mo ang kanta ko para sayo. Okay?" 

Ngumiti siya at nagsimulang kumanta.

[SONGTITLE: Hey Stephen -Taylor Swift]

PS: Akma yung name sa kanta noh? XD

The 7th ThingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon