The 7th Thing. [04 - You love me, then you like her]

75.7K 1.7K 161
                                    

4. You love me, then you like her


"Uy, Ash. Sagutin mo ako. Mahal mo ba ako?" 

TInignan ko lang siya. Kung sasabihin ko ba yung tunay kong nararamdaman, may mababago ba? Atsaka, sila na naman ni Angela, diba? Ayoko naman maging 3rd party. 

"Hindi kita mahal." 

Bigla siyang sumimangot. Tapos iniwas niya yung tingin niya sakin.

So, siya naman ang galit sakin? Bakit ba? Ano naman kung sabihin ko sa kanyang mahal ko siya? 

"Mahal mo ba si Ethan?" Nagulat naman ako sa tanong niya. Bakit si Ethan? "Friends lang naman kami nun."

Tumingin siya sakin. Tapos nagsmile. "So, may chance pa pala ako?"

Ano raw? Chance?

Processing...

Processing...

WHAT? Chance? 

"Bakit, may gusto ka ba sakin?" Iniwas niya yung tingin niya sakin at may kinuha sa bulsa. 

100 pesos. So, makakalaya na kami dito?

"Lika na." Tumayo kami pareho at nagbayad na sa Jail Booth. Pagkalabas namin, wala miski samin ang nagsalita.

"A-ah--" Di ko natuloy yung sasabihin ko dahil dumating si Angela. 

"Baby! Andito ka lang pala." Sabay kiss sa pisngi ni Stephen.

Bakit ganun? Parang singit lang ako sa moment nila? Nasasaktan ako bigla.

"Hey! Andito ka rin pala, Ash. Musta?" Plastic.

Napatingin naman ako kay Stephen nun. "Okay lang naman. Sige, maiwan ko na kayo."

Pagkaalis ko sa lugar na yun, biglang tumulo yung luha ko.

Ano ba kasing problema sakin? Bakit ako umiiyak? Oo. Gusto ko siya, pero, hanggang dun lang naman diba?

Hindi kaya, mahal ko na talaga si Stephen Yu?

Medyo nabigla ako nung may yumakap sakin. 

"Okay ka lang ba, Ash?" Si Ethan. Andito siya.

Bakit ganun? Si Ethan ang nakakakita sakin kapag umiiyak ako?

"Uwi na tayo."

"Hatid na kita." Um-oo na lang ako, nagpaalam na rin ako sa mga classmates ko at sa Adviser namin, ang dinahilan ko na lang, masama pakiramdam ko.

Pagkadating sa bahay. Ibinuhos ko ang luha ko sa unan. Ewan ko ba, hindi ko macontrol 'tong feelings ko. 

Bakit nga kasi sa lahat ng lalaki, isang Stephen Yu pa ang minamahal ko?

Kinuha ko ang diary ko at nagsimulang magsulat.

Bakit ba kasi SIYA pa?

1. Gwapo. 

2. Pasaway pero responsible.

3. Masaya kasama.

4. Smile niya.

5. Kasi, siya lang talaga ang nagpapatibok ng puso ko.

Huli na ba talaga ang lahat? Bakit parang, ambilis naman maging sila ni Angela? 

After 3 days, Sembreak na. Kaya lagi lang ako nasa bahay. Wala, nood lang ng Koreanovelas, tapos basa rin ng libro. Minsan, pumupunta rin si Ethan at si Trish sa bahay.

*tok tok* 

"Anak! May bisita ka." 

"Si Trish po ba o si Ethan?"

"Hindi sila. Iba. Bilisan mo nak." Bumaba naman ako at alam niyo ba kung sino ang bisita ko?

Sino pa ba, eh di yung lalaking nagpapatibok ng puso ko. 

"Stephen?"

"We need to talk, Ash." Lumabas naman kami nun at umupo sa may garden namin. Nung una, walang nagsalita. Ang awkward kasi. Ako na nga lang mauuna.

"Bakit ka andito?"

"Namimiss lang kita." Napatingin ako sa kanya, nakatingin pala siya sakin.

Ano ba talaga ang punto niya?

"Baka hinahanap ka na nung Angela mo."

Lumapit naman siya sakin. "Ash. Tumingin ka sakin."

Pagkatingin ko sa kanya, ang lapit ng mukha niya. Alam mo yung 1 inch na lang, mahahalikan ko na ang lips niya?

Lord, natetempt ako. 

Kaso, may girlfriend 'to.

Iniwas ko na lang yung tingin ko sa kanya at tumayo na. "Kung pumunta ka lang dito para maghanap ng katitigan, hindi ako pwede. Bye na." Palakad na ako nun ng bigla niyang hawakan yung kamay ko.

Dugdug. Dugdug.

Ano ba yan, Pusong tumitibok naman!

Huminga ako ng malalim at tumingin sa kanya. "Oh ano na ba?"

Bigla niya akong niyakap. Nagulat ako. 

"Stay with me like this for 5 minutes, Ash. I'll explain."

"O-kay." Ramdam ko ang init niya. Okay, wag kayong mag-iisip ng masama. Warm lang siya. Comfortable kayakap.

Kaso, alam ko namang, pagkatapos ng 5 minutes, bibitaw rin siya e.

Bibitaw rin siya sakin.

"Mahal kita. Ash." 

1, 2, 3....

MAHAL NIYA AKO?! Tama ba ang narinig ko? P-pero... bakit?

"Pero gusto ko si Angela. Kailangan ko siyang magustuhan."

Hindi ko na maiintindihan ang nangyayari. Mahal niya ako, pero may gusto rin siyang iba?

Ano ba naman 'tong pag-ibig na 'to. It's complicated.

The 7th ThingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon