The 7th Thing. [10 - Reminisce]

71.2K 1.5K 104
                                    

10. Reminisce

Sunday na sunday nagmumukmok ako sa kwarto ko. Kasi naman e! Alam niyo naman na huling-huli na ako sa kanya diba?! Mukha pa akong tanga kahapon.

Bakit kasi hindi ko sinabi yung nararamdaman ko sa kanya dati? 

*bzzt. bzzt*

Tinignan ko yung screen ng phone ko kung sino nagtext. Pagkabukas ko, si Ethan lang pala.

Fr: Ethan'tots

Pst. may ggwn ka? gala dw tau ng barkada.

Gagala? Baka naman kasama si Stephen. E ayoko muna kasama yun kasi nakakailang.

To: Ethan'tots

KASAMA SI HEWHOMUSTNOTBENAMED?

Fr: Ethan'tots

Hnd. kaya pumunta kna! 3pm sa Trino. sa may krispy kreme~

Nagreply ako ng sasama ako. Boring rin naman kasi sa bahay e. Atsaka, isa pa, hindi naman daw kasama si Stephen, diba? Kaya okay lang yun.

Mga 2:00 pa lang, nag-ayos na ako. Simple lang outfit ko. Shorts at t-shirt na Angry Birds. Hehe. Ang cute kaya nila! Tapos umalis na ako. 

Hindi ko inaasahang pagdating ko, andun si Stephen.

Akala ko ba hindi siya sasama?

Napatingin siya sakin bigla at ngumiti. "Nauna tayo." Um-oo ako at umupo sa tabi niya.

SPELL A-W-K-W-A-R-D.

"Akala ko hindi ka pupunta?"

"Akala ko rin ba hindi ka pupunta?"

Wait, ang weird lang. Niloloko ba kami ng mga kaibigan namin?

After 30 minutes, hindi pa rin sila dumadating. Anong trip nila?

"Tawagan mo nga." Tinawagan ko naman si Ethan, hindi sumasagot. 

"Busy sa kabilang linya."

"Sandali." May dinial siya sa cellphone niya.

"Try kong tawagan sila Evo."

"Hello? Asan na ba kayo? Whaaaaat?! Teka-- pare naman-- Ang awkward kaya-- Uy!" 

"May problema ba?" Tumawa lang siya.

"I think we've been set-up." Set-up?

"What do you mean?"

"Plano nilang tayo lang ang magmall ngayon. Parang, magdate daw tayo." Eh yun lang pala e. Ano raw?! 

YUNG MGA YUN TALAGA! ARGH!

"Ah. Hehe. Sige, bye na. Mauna na ako." Kaysa pahirapan ko siyang maging awkward sakin, ako na lang yung aalis.

Kaso, bigla niyang hinawakan yung kamay ko.

"Ash. Gumala na lang tayo. Tutal, sayang rin naman pagpunta mo dito kung hindi ka rin magmamall, diba?" Napatingin ako sa kanya at napa-oo.

"Saan tayo ngayon?"

"Arcade?"

"Game!"

Pumunta kaming dalawa sa Timezone. Nagload siya ng 1000 pesos sa card niya. Iba na talaga kapag mayaman oh. Naglaro lang kami ng iba't-ibang games dun, tuwang-tuwa ako sa Tekken e. Pero mas mukha siyang bata kumilos.

The 7th ThingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon