Chapter 6

434 21 0
                                    

Chapter 6

     Kinagabihan ay naghapunan ang mag-ama nang sabay sa unang pagkakataon.

Gordo: Dalawang araw na lang ay kaarawan mo na.

Adarna: Oo nga po.

Gordo: May mga plano ka na ba o gustong gawin sa espesyal na araw na iyon?

Aryana: Gusto ko lang pong makasamang muli si ina.

Gordo: Ganun din ako anak. Ganun din ako.

     Maagang natulog ang mag-ama sa unang gabi nila na magkasama sa iisang bahay. Sa silid ng dalaga ay mataimtim siyang nagdadasal at nananalangin para sa kanyang naiwang ina.

Adarna: Mahal na Bathala, alam ko pong nakikinig kayo. Maraming salamat po sa pagsagot niyo sa aking mga dasal. Isa na po rito ay aking ama. Hindi ko man po maintindihan ang lahat-lahat, alam ko po may magandang dahilan kung bakit nangyayari ang ma ito. Sa ngayon po, hinihingi ko pong protektahan niyo po ang aking ina at bantayan saan man po siya magpunta. Maraming salamat po ulit.

     Samantala, sa kwarto naman ni Gordo ay may kinuha siyang kahon sa ilalim ng kanyang higaan. Binuksan niya ito at biglang umilaw ang isang medalyon na nakahiga sa isang telang kulay pula.

Gordo: Ang itinakda ng propesiya ay malapit nang matupad. Iniaalay ko po ang lahat sa inyo, lalo na ang aking mag-ina. Kayo na po ang bahala Dakilang Bathala.

     Wika niya sa kanyang sarili.

     Mula sa labas ay kitang-kita ang ilaw sa bintana ni Gordo at sa hindi kalayuan ay may nilalang na nagmamasid lamang sa kanya. Agad na naramdaman ni Gordo ang kanyanag prisensya. Lumingon si Gordo sa labas ng kanyang bintana at napansin niya kaagad ang isang pegura. Dali-dali niyang sinara ang kahon at tumakbo palabas habang bitbit niya pa rin sa kanyang mga kamay ang lalagyan ng medalyon. Kumaripas naman sa pagtakbo ang nilalang. Lumabas ng bahay si Gordo at hinabol ang estranghero. Narinig naman ni Adarna ang mga yapak na nagagawa ng kanyang ama.

Adarna: Ama?

     Tumayo siya sa kanyang hinihigaan at agad na lumabas ng kanyang kwarto.

Adarna: Ama?!

    Naglakad siya papunta sa silid ni Gordo at inabutan niyang wala ang kanyang ama.

     Lumabas siya ng bahay at nagsisisigaw.

Adarna: Ama!

     Biglang lumakas ang hangin. Kumulog at kumidlat rin nang napakalakas na tila nakikiramay sa nararamdaman ng dalaga. Takot at pangamba.

Adarna ( Alamat, Hiwaga at Salamangka )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon