Chapter 26

235 8 4
                                    

Chapter 26

      Sa kalagitnaan ng kanilang pagbubunyi ay biglang tumahimik ang lahat nang tinanggal ni Prinsesa Adarna ang espada sa kanyang likuran na bitbit niya sa kanyang huling paglalakbay. Hindi niya ininda ang bigat, hirap at pagod na dala ng naturang sandata. Hindi na napigilan ng dalaga ang kanyang nararamdaman nang inabot niya ito sa kanyang ama. 

Haring Gordo: Alam kong masakit anak, pero alam ko na hindi kailan man pagsisisihan ni Dalgus ang pag-alay niya ng kanyang buhay alang-alang sa kaligtasan mo. Nasaan man siya ngayon ay alam kong masaya siya na malamang ligtas ka at buhay kang nakarating sa aming piling. 

     Hinarap ni Haring Gordo ang kanyang nasasakupan. 

Haring Gordo: Bilang pag-alaala sa kabayanihang pinamalas ng yumaong Punong-Kawal ng Kaharian ng Zafira na si Dalgus at bilang pasasalamat sa kanyang kadakilaan na buhay at ligtas na nakarating ang aking anak sa ating piling, ang ating tagapagligtas, tayo'y magbigay katahimikan at magbigay galang sa sandatang kanyang iniwan bilang kanyang ala-ala. 

     Lumuhod at yumuko si Haring Gordo habang hawak niya ang sandata ni Dalgus na kanyang pinatayo sa sahig. Sumunod naman ang lahat, sila rin ay lumuhod at yumuko bilang pagbibigay respeto sa bayaning kawal.

Reyna Aryana: Dahil sa pagpanaw ng ating dating Punong-Kawal na si Dalgus na hindi kailanman makakalimutan ang kanyang kabayanihan ay kailangan na nating pumili ng kanyang makakapalit. Sa araw mismo na nawala sa ating mundo si Dalgus ay nagpulong kaagad ang Kataas-taasang Konseho at napagdesisyunan namin na ang papalit sa kanya ay walang iba kundi ang matalik niyang kaibigan at kanang-kamay na si Ramad.

      Agad na lumapit ang matipunong binata na si Ramad sa hari at reyna. Lumuhod at yumuko sabay lagay ng kanyang kamay sa kanyang dibdib.

Ramad: Maraming salamat po kamahalan sa inyong pagpili sa akin bilang kapalit na punong-kawal ng kaharian. Isa pong karangalan ang mabigyan ng pagkakataon na makapaglingkod sa nakararami. Pinapangako ko po na buong lakas at loob ko pong proprotektahan ang buong kaharian at panatilihin ang kapayapaan sa abot ng aking makakaya. Hindi ko po sasayangin ang tiwalang inyong pinagkaloob. Kung kailangan ko pong ibigay ang aking buhay ay gagawin ko, saksi ang lahat ng nandito at maging ang Dakilang Bathala.

     Kinuha ni Haring Gordo ang kanyang sariling espada at ipinatong ang dulo nito sa kaliwang balikat, nilipat sa kaliwa at panghuli sa ibabaw ng ulo ng binata bilang basbas at tanda na si Ramad ay opisyal na na kapalit ni Dalgus bilang punong-kawal ng Kaharian ng Zafira.

     Sa pagtayo ni Ramad ay siya namang pagtanggal ng espada ng mga kawal at itinaas ito sa ere sabay sigaw ng:

     Mabuhay ang bagong Punong-Kawal!

     Mabuhay!

     Mabuhay ang ang hari at reyna!

     Mabuhay!

     Mabuhay ang Mahal na Prinsesa!

     Mabuhay!

     Mabuhay ang Kaharian ng Zafira!

    Mabuhay!

    Mabuhay ang Dakilang Bathala!

     Mabuhay!

      Pagkatapos ng basbas ay nilapitang muli ng Mahal na Hari si Ramad dala ang naiwang espada ng yumaong si Dalgus. 

Haring Gordo: Tanggapin mo ito bilang bagong tagapangalaga ng Mahiwagang Espada. 

     Buong pusong tinanggap ng binata ang naturang sandata.

Ramad: Maraming salamat po.

     Sa pag-atras ng hari ay agad na sinubukan ni Ramad ang espada. Binunot niya ito mula sa kanyang lalagyan pero laking gulat ng lahat nang hindi niya ito matanggal-tanggal. Ilang ulit niya itong sinubukan pero nanatili siyang bigo.

     Nilapitan niyang muli ang Mahal na Hari bitbit ang sandata sa kanyang mga kamay.

Ramad: Kamahalan, nirerespeto ko po ang desisyon ng espada.

     Buong puso naman itong tinanggap muli ni Haring Gordo. Kinuha ni Reyna Aryana ang espada mula sa kanyang asawa at nagproklama.

Reyna Aryana: Kung gayon, bilang reyna at sa ngalan ng buong Kaharian ng Zafira ay binibigay ko na ang kalayaan ng Mahiwagang Espada at nawa'y matagpuan niya ang kanyang bagong tagapangalaga na may busilak na puso at ang tanging hangad ay panatilihin ang kapayapaan saan man siya magpunta sa lalong madaling panahon. 

     Pagkatapos sabihin ng Mahal na Reyna ang mga katagang 'yun ay biglang lumiwanag ang espada na kulay berde at kinalaunan ay naging bilog ang liwanag. Palutang-lutang ang berdeng liwanag sa ibabaw ng palad ng Mahal na Reyna nang bigla itong lumipad sa malayo. 

Adarna ( Alamat, Hiwaga at Salamangka )Where stories live. Discover now