Chapter 42

462 16 5
                                    

Chapter 42

     Nagulat ang lahat sa nangyari.

     Biglang nagkagulo sa hindi maipaliwanag na pagbagsak ng Mahal na Prinsesa.

     Sa paglapit ng hari at reyna sa anak ay agad na pinakiramdaman ni Haring Gordo ang pulso ng anak.

Reyna Aryana: Gordo, kumusta ang anak natin?

     Pero pumikit lamang ang hari at tumulo ang kanyang luha.

     Noong araw ding 'yun, walang malaking piging ang naganap. Walang tawanan kang maririnig. Walang mga mamamayan kang makikita sa mga tahanan. Lahat ay nasa palasyo. Kahit na hindi na sila magkasya. Kahit na ang iba ay nasa labas na, lahat ay naghintay, lahat ay nagpuyat. Masilayan lamang nila ang kanilang tagapagligtas sa huling pagkakataon at damayan na rin ang hari at reyna sa kanilang pagluluksa.

Haring Gordo: Sa kabila ng tagumpay na ating nakamtan dahil sa ating pagkakaisa bilang isang kaharian ay isang nakakalungkot na pangyayari ang hindi natin inasahan. 

Reyna Aryana: Isang kaganapan na walang sino man ang makapagpapaliwanag kung ano ang dahilan ng nangyaring ito. 

Haring Gordo: Masakit, mabigat, nakakalungkot, pero wala na tayong magagawa pa kundi tanggapin ang nangyari. Baka may magandang dahilan kung bakit din ito kailangang dumating sa ating kasaysayan.

Reyna Aryana: Kaya naman ay ipagpapasalangit na lang natin ang lahat.

     Biglang binalot ng katahimikan ang buong kaharian. Nag-alay ang bawat isa ng panalangin para sa prinsesa at para na rin sa Zafira.

     Nang may isang malakas na ilaw na kasing liwanag ng sinag ng araw ang nagpakita sa lahat. Unti-unti itong bumaba sa sahig ng palasyo, unti-unting lumiit at unti-unting naging hugis tao.

     Isang napakagandang lalaki ang sa lahat ay lumantad. Suot niya ay gawa sa tela na kasing puti ng ulap at mga palamuti na gawa sa mga bituin. Ang tungkod niyang dala ay gawa sa salamin na kumikinang nang iba't ibang kulay sa tuwing natatamaan ng mga ilaw na nakakalat sa buong silid ng palasyo. 

     Nagsiluhod ang lahat maging ang hari at reyna. 

     Magsitayo kayong lahat.

     Wika ng lalaki.

Haring Gordo: Bathala.

Bathala: Nandito ako para punasan ang mga luha sa mga mata ninyo. Para pahilumin ang mga sugat sa mga puso ninyo. Para bigyang ngiti ang mga labi ninyo. 

     Ang sinabi ng Bathala ay nagbigay kapayapaan bigla sa bawat isa.

Bathala: Nandito rin ako para sagutin ang bumabagabag sa mga isipan ninyo. Kung bakit at paano nangyari ang biglaang pagpanaw ng prinsesa.

     Lahat ay naghihintay at nag-aabang sa sasabihin sa kanila ni Bathala.

Bathala: Isang malakas at maitim na sumpa ang nangyari. Hiniling ito ni Urga kay Detinos kapalit ng kanyang kaluluwa. Na sa kanyang pagpanaw ay siya namang pagkawala ng prinsesa. 

Reyna Aryana: May magagawa po ba kayo para maibalik sa amin ang aming tagapagligtas Mahal na Bathala?

Bathala: Pwede ko siyang buhaying muli pero hindi na siya makakabalik pa sa piling ninyo.

Haring Gordo: Ano ang ibig niyong sabihin Makapangyarihang Bathala?

Bathala: Bubuhayin ko siyang muli pero hindi bilang isang prinsesa.

     Lahat ay nagtinginan sa isa't isa at hindi maipinta ang mukha.

Reyna Aryana: Hindi po namin naiitindihan Kagalanggalang na Bathala.

Bathala: Hindi basta-basta ang sumpang naipataw sa kanya at hindi ko ito kayang baliktarin ng tuluyan agad-agad. Ang misyon ng prinsesa na makatulong sa iba ay hindi lang nagtatapos rito at hindi lang rin hanggang dito sa inyong mundo. Ang kanyang kakayahang makapangggamot sa pamamagitan ng pagkanta ang magiging susi sa kanyang muling pagbalik nang tuluyan sa kanyang dating buhay.

     Nilapitan ni Bathala ang katawan ng prinsesa at hinawakan niya ang nuo nito.

     Biglang binalot ng liwanag ang buong katawan ng dalaga at nagtagal ito ng sampung segundo. Nag-iba ang hugis ng liwanag at nang tuluyan itong nahawi ay isang napakagandang ibon ang nakita ng lahat. Kakaiba ito at wala pa silang nakitang kapareha ng nasa harapan nila sa buong buhay nila. 

     Purong puti lahat ng kanyang mga balahibo na mahahaba ang mga dulo tulad na lamang ng kanyang dalawang pakpak, buntot at korona. Sa bawat pagaspas rin ng kanyang mga pakpak ay may mga kumukinang na mga buhangin ang nagsisitalsikan na mahahalintulad sa purong pilak. 

    Kinuha ni Bathala ang ibon at kanya itong nilagay sa kanyang kanang balikat.

Bathala: Darating din ang panahon na may mangangailangan ng kanyang kakayahan. Ang makapagpagaling ng anumang karamdaman at tanging ang karapatdapat lamang na nilalang ang siyang makakakuha sa kanya upang magamit ang taglay niyang kapangyarihan. Ipagbigay alam ninyo sa lahat, mapadiwata man o hindi, na isang bundok sa gitnang bahagi na pumapagitan sa mundo ng mga tao at diwata ang sisibol mula sa lupa, at sa tuktok nito ay may isang puno ng mga dyamante na tatawaging Piedras Platas ang aking itatanim at dito matatagpuan ng lahat ang Ibong... Adarna.

     At naglahong bigla si Bathala sa muli niyang pagliwanag.

******************************************

    Isang libong taon na ang lumipas, sa mundo ng mga tao, sa Kaharian ng Berbanya ay nagkasakit ang kanilang Mahal na Hari.

     Lahat ng doktor, albularyo at salamangkero ay pinatawag para gamutin ang naghihingalong hari pero wala ni isa sa kanila ang kayang pagalingin ang kakaibang karamdaman ng kanilang pinuno.

     Nang biglang isang araw ay isang misteryosong matandang ermitanyo ang kumatok sa pintuan ng palasyo. Sa kanyang pagpasok sa palasyo at pagharap sa hari na katabi ang kanyang mga anak na sina Don Pedro, Don Diego at Don Juan maging ang mga tagapayo ng kaharian ay isang solusyon ang kanyang inihain.

Matandang Ermitanyo: Tanging isang nilalang lamang ang makapagpapagaling sa malubhang sakit ng Mahal na Hari.

     Nagtinginan ang lahat sa isa't isa at naghihintay sa idudugtong ng kanilang bisita.

Matandang Ermitanyo: Wala nang iba pa kundi ang awit ng Maalamat na Ibong... Adarna.

"WAKAS"

Adarna ( Alamat, Hiwaga at Salamangka )Where stories live. Discover now