Chapter 36

212 9 0
                                    

Chapter 36

     Kinaumagahan, ang araw na hinihintay ng lahat lalong-lalo na ni Reyna Urga.

     Sa sektretong silid sa tuktok ng tore kung saan nangyayari ang pagpupulong ng kataas-taasang konseho ay nag ipon silang muli kasama ang Prinsesa Adarna.

     Sa gitna ng naturang silid ay ang isang napakalaki at napakalapad na mesa na may mapa ng buong mundo

Haring Gordo: Oras na para matunton natin ang kinaroroonan ng Makapangyarihang Tungkod ni Prinsipe Uwal.

Reyna Aryana: Sa pamamagitan ng dugo ng tagapagligtas ay malalaman na rin natin ang eksaktong lokasyon ng naturang sandata na bigay mismo ng Bathala sa dating mga namumuno sa lupaing ito. Anak...

     Tawag ng reyna sa prinsesa.

     Lumapit naman kaagad si Prinsesa Adarna sa kanyang ina.

Reyna Aryana: Handa ka na ba?

Prinsesa Adarna: Opo ina, para sa buong Kaharian ng Zafira.

Reyna Aryana: Kung ganoon, akin na ang iyong kamay.

      Samantala, mula sa kagubatan ay nagmamasid at nag-aabang lamang ang grupo nina Reyna Urga. 

Reyna Urga: Tawagin ang mangkukulam.

     Utos ng reyna sa punong-kawal.

     Bumalik si Lathor kasama ang itim na mangkukulam.

Reyna Urga: Ngayon ipakita mo sa akin ang iyong kakayahan.

Buwena: Opo Mahal na Reyna.

     Isang engkantasyon ay pinakawalan ng mangkukulam.

     Dormi, voi toti dormi. Ye va preda vointa ta mi vocea. Dormi, voi toti dormi.

     Mula sa lupang kinatatayuan ni Buwena ay isang maliit na usok ang lumabas na hindi kita ng mga hubad na mga mata. Lumipad ito patungo sa kaharian. Agad itong nasinghot una ng mga nagbabantay ng mga kawal sa bukana ng kaharian. Kasunod ang mga mamamayan, una ang mga nasa labas pagkatapos ay ang mga nasa kanilang mga tahanan.

     Mabilis kumalat ang lason ng pampatulog at hindi nagtagal lahat ay nakaidlip kaagad maging ang mga nasa loob ng palasyo.

Buwena: Oras na Mahal na Reyna.

     Pagkatapos ibigay ng mangkukulam ang hudyat ay agad na lumabas ng gubat na kaharap lamang ng Kaharian ng Zafira si Reyna Urga. Habang siya ay naglalakad ay unti-unting nagbago ang kanyang anyo hanggang sa tuluyan siyang naging isang dragon.

     Lumipad siya nang napakataas at tahimik na lumipad patungo sa tore ng palasyo kung saan nagaganap ang pagpupulong.

     Samantala....

     Sa pag-abot ng prinsesa ng kanyang kamay sa kanyang ina ay nilabas naman ng Mahal na Reyna ang isang punyal na gawa sa ginto at mamahaling bato. Sa pamamagitan ng dulo ng maliit na espada ay sinugatan ng kaonti ng Mahal na Reyna ang hintuturo ng tagapagligtas. Lumabas mula rito ay ang dugo ng prinsesa at ang kaunting butil nito ay pumatak sa mapa na siyang paglapag naman ni Reyna Urga sa veranda ng naturang bahagi ng palasyo. Tahimik at mahinahon siyang nakababa at bumalik sa dati niyang anyo. 

     Isang binhi ang ibinigay sa kanya ng itim na mangkukulam at ito ay kanyang ipinasok sa loob sa pamamagitan ng espasyo sa paanan ng pintuan na siyang humihiwalay sa sahig. Mula sa labas ay maririnig na niya ang pag-uusap ng Kataas-taasang Konseho gamit ang isang dahon na may engkantasyon.

      Sa loob naman ay hinihintay lamang ng lahat kung saan ba talaga nakatago ang kanilang hinahanap. Mula sa katiting na dugo ng prinsesa na pumatak sa mapa ay bigla itong tumakbo na tila ginuguhit ang dadaanan ng naghahanap ng sandata. Lahat ay nakaabang. Halos lahat sila ay hindi na humihinga, hindi kumukurap ang mga mata at hindi maipinta ang mga mukha. 

     Hanggang sa... huminto ang pagtakbo ng pulang likido.

     Nagtinginan sila sa isa't isa....

Haring Gordo: Ang ating hinahanap ay matatagpuan lang pala sa Patay na Kweba ng Damortis.

     Sa kabila ng pag-uusap ng konseho ay may kung anong awra ang naramdaman ni Wail. Dahil nga sa eksperto siya pagdating sa mga halaman ay agad niyang nakilala ang bagay na nasa sahig na nasa likuran lamang ng mga Kamahalan.

Wail: Isang itim na tengang binhi. May espisya sa labas!

     Agad itong narinig ni Reyna Urga at dagli-dagli siyang naging anyong dragon muli. Nang nagkagulo na sa loob ng naturang silid ay biglang lumabas si Ravu ng kwarto at hindi naman nag-aksaya ng panahon si Haring Gordo, agad siyang lumabas sa veranda at mula sa kanyang kamay ay nilabas niya ang kanyang kapangyarihan na kulay pula at lumipad ito patungo kay Reyna Urga. 

     Agad namang naramdaman ng itim na reyna ang paparating na kapangyarihan kaya mula sa kanyang bibig ay nagpakawala rin siya ng bolang apoy. Nagkasalubong ang kanilang kapangyarihan at sa kasamaang palad ay ang kapangyarihan lamang ni Haring Gordo ang sumabog at nagpatuloy naman ang bolang apoy sa paglipad patungo sa tore ng palasyo. 

     Nang biglang....

     Sumalubong ang isang kapangyarihan na kulay lila naman na siyang tuluyang nagpawasak sa bolang apoy ni Reyna Urga. Lumingon si Haring Gordo sa kanyang kanang bahagi at nakita niya ang kanyang asawa na nakataas ang kamay sa ere.

     Samantala, sa baba naman ay kakatanggal lamang ni Muwena sa lason ng pampatulog sa buong kaharian.

Haring Gordo: Habulin niyo!

     Utos ng kamahalan sa kanyang mga kawal. Limampung kawal na nakasakay sa mga Pegasus ang nagsiliparan sa himpapawid, pilit na hinahabol ang reyna ng kadiliman.

      Nang nakarating na sa bukana ng kagubatan si Reyna Urga ay muli siyang bumalik sa kanyang dating anyo.

Reyna Urga: Ikaw na ang bahala sa kanila Buwena. Ngayon mo ipakita ang iyong katapatan.

     Wika ng reyna sa kanyang bagong tagasunod sabay sakay sa isang itim na kabayo.

Reyna Urga: Tayo na Lathor!

Lathor: Saan tayo papatungo Kamahalan.

Reyna Urga: Sa Patay na Kuweba ng Damortis. Hiya!

      Agad na tumakbo ang dalawang kabayo sakay sina Reyna Urga at Lathor habang naiwan namang mag-isa ang itim na mangkukulam.

    

Adarna ( Alamat, Hiwaga at Salamangka )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon