HM 6

18.6K 182 0
                                    

His Mistress

Purple_Raindrops

May 28, 2013

Chapter 6

Simula nung nalaman ko ang totoo, mas lalong tumindi ang pagbabago ni Oliver. Lumala. Hindi na sya minsan umuuwi na ipinagtataka ng anak namin. Magpaliwanag man ako, kasinungalingan naman yun. Naaawa na ako sa anak namin pero wala naman akong magawa. Ang higit na naapektuhan sa nangyayari sa amin ay ang anak namin.

" Oliver, kahit hindi na tayo magkaayos pero isipin mo naman ang kapakanan ng anak natin. Nag-uumpisa na syang magtanong. Sana naman kahit sya na lang ang isipin mo.. "

" Eh di sabihin mo ang totoo. Wag mong paasahin sa isang kasinungalingan ang bata, Klea. Wala ng pag-asang maaayos pa ang pagsasama natin. " ganun lang ba kadali ang mga sinasabi nya? Sa murang edad ng bata, makakaya nya ba yun tanggapin? Kahit ano pang paliwanag ang sasabihin ko, baka hindi nya rin yun maiintindihan. He's too young to suffer in this kind of situation.

" Oliver! " naging bingi sya sa pakiusap ko. Tinatalikuran nya ako kahit hindi pa kami tapos mag-usap. Ewan. Napakabastos na nya. Kung hindi nya ako kayang igalang bilang asawa nya, kahit bilang babae na lang sana. Kahit yun lang pero hindi nya magawa. Binago ng Cezia na yun ang pagkatao ni Oliver. Binago nya lahat.

" Mars, magpakatatag ka lang para sa anak mo. Kung ako ang nasa sitwasyon mo, nung nalaman ko agad ang kalokohan ng asawa ko.. Naku! Iniwan ko na yan! Hindi ako magtitiyagang makisama sa kanya sa iisang bahay noh. Pero ikaw, nagawa mo. Bilib talaga ako sa'yo, Klea. Hanggang kelan ka magtitiyaga sa ganyang ayos? Ikaw lang ang masasaktan habang ang asawa mo, nagpapakasasa sa piling ng kabit nya. "

" Hindi ko alam kung hanggang saan at kelan ko 'to kakayanin. Hanggat mahal ko pa si Oliver, ipaglalaban ko ang pagmamahal ko sa kanya at ang relasyon namin. Hindi ako basta susuko nang hindi sya ipinaglalaban. Alam ko, nabubulagan lang sya sa pagtingin nya kay Cezia. Someday, magigising din sya na mali ang ginawa nya sa amin. "

" Sana nga, tama ang paniniwala mo. Pa'no kung hindi? Eh di umasa ka pa? Klea, hindi ko 'to sinasabi para mawalan ka ng pag-asang magkaayos kayo ni Oliver pero wag ka namang umasa ng lubos dahil sa huli ikaw din ang masasaktan.. Iiyak ka lang at magiging kawawa sa huli. Sana maging bukas ang iyong isipan sa ganung bagay. Kaibigan mo ako kaya gusto ko ay mapabuti din ang kalagayan nyo ng inaanak ko. "

" Alam ko, hindi ko nakakalimutan yun pero di masamang umasa. At nagpapasalamat ako na naging kaibigan kita. Lahat ng mga sinabi mo ay nakakatulong sa akin ng sobra. " hinawakan nya ang kamay ko at pinisil eto.

" Wag na muna nating isipin ang problema mo, Mars. Lumabas tayo para maglibang hindi para um-emo. Order na tayo? Gutom na kasi ako e. " ngumiti na lang ako at tumango.

" Sige, ako na lang ang mag-oorder ng kakainin natin. " pagkatayo ko ng mesa, nagulat na lang ako dahil may natapon na inumin sa damit ko. Basang basa ang blusa ko.

" Oops, sorry. " nang tingnan ko kung sino ang taong nakatapon ng inumin, hindi ko inaasahang makikita ko ang babaeng kahuli hulihang gusto kong makita. " Tatanga ka kasi.. " sarkastikong dagdag na sabi nya.

Pinunasan ko ang basang damit ko gamit ang panyong nanggaling sa bag ko. Tinapunan ko sya ng masamang tingin habang todo ngiti si Cezia sa akin. Nakakainsulto ang ngiti nya sa akin. Kinuha ko ang baso ng tubig na nasa mesa namin at agad kong binuhos sa kanya sa ulo. Kaya naman, basang basa din sya gaya ko pero mas malala ang nasa kanya. " Oops. Sorry din ha? Nangangamoy ka kasi kaya binuhusan kita ng tubig bakasakaling mabawasan ang pangangamoy mo. "

" Damn! Ang kapal ng mukha mo para gawin yan! Hindi ko nakakalimutan ang ginawa mo nung nakaraang linggo sa akin. " isang sampal ang dumapo sa mukha ko galing sa kanya. " Wala kang karapatang buhusan ako ng tubig dahil binalik ko lamang ang ginawa mo sa akin ng araw na yun. Sinaktan mo ako. "

" Talaga? Eh nababagay lang naman sa'yo ang ginawa ko. Wala ka ring karapatang kumabit sa asawa ko. Malandi! Kabit! " nagsukatan kami ng tingin at walang balak na magpatalo. Pinagtitinginan na rin kami ng mga tao dahil sa pagtatalo naming dalawa. Kung may dapat na mahiya sa aming dalawa, sya dapat yun at hindi ako.. Kung meron nga syang kahihiyan sa katawan.

Itutuloy..

Part two ng tagpo na 'to ang next neto. Inaantok na kasi habang tinatype 'to. Enxa. :)

His Mistress (COMPLETED)Where stories live. Discover now