HM 20

18.9K 202 13
                                    

His Mistress

Purple_Raindrops

Aug. 28, 2013

Chapter 20

Nang maayos na ang lahat dito sa Pinas. Niyaya na ako ni Ully na sumama sa kanya sa states. Wala na akong pasubaling sumama sa kanya kasama ng anak ko. Alam kong sa kanya na ako sasaya ng tuluyan. Kay Ullyses na.. Siya na ang tinitibok ng puso ko.

Unti unti ko ring pinaintindi sa anak ko ang nangyari. Hindi pa nya lubusang maintindihan sa ngayon pero alam ko, sooner or later on maiintindihan din nya. Siguro kapag nagkaisip na siya at lumaki. At sana maunawaan nya ang naging desisyon ko. Mahirap din yun para sa akin pero alam ko, yun ang ikakabuti naming mag-ina. Ayaw ko ng maging martir at umasa na magiging maayos pa ang pagsasama namin lalo na at may kanya kanya na kaming minamahal.

Hanggang doon na lang talaga kami ni Oliver. Kung anuman ang pinagdesisyunan ko.. naming dalawa ng dating kong asawa yun ay hindi ko pagsisihan. Dahil alam ko, ginawa ko naman ang lahat lahat para maayos ang relasyon namin pero wala e. Hanggang doon na lang talaga ang pagsasama namin. Kung may isang mali lang na nangyari, yun ay ang pagsasama namin na sa umpisa palang pala ay kasinungalingan na at pakitang tao lang. Ikinakasama ko lang ng loob ay pinatagal pa nya ng ilang taon at pinaniwala akong mahal nya ako pero ayos lang.. Tapos na ang lahat at pinalaya na namin ang isa't isa. Na kay Cezia na siya. And i know, he was happy with her. Sila naman talaga ang nagmamahalan dati e. Ako daw lang ang panira. Well, tama na.. Totally moving on na ako.

Mag-iisang taon na ako sa Amerika kasama si Ully. Sa ngayon, kontento ako sa set up namin. Wala pa munang kasal kahit niyaya nya ako. Rason ko, maaga pa para doon saka kakahiwalay lang namin ni Oliver at hindi ako pumayag na ma-annul ang kasal namin ng dati kong asawa para lang magpakasal ulit. Ang sama tingnan. Makakapaghintay naman yan e. Pwede naman naming mahalin ang isa't isa kahit hindi naman kami kasal. Di ba?

" Klea, para sa'yo.. " napangiti na lang ako sa binigay nya sa akin. Isang bouquet ng roses.

" Salamat. Nag-abala ka pa.. " kimi kong sambit at inabot yun saka inamoy. Ang bango ng bulaklak at sariwa pa. Mukhang kakapitas lang.

" Hindi naman abala yun e. Para sa babaeng mahal ko ang bulaklak na yan kaya paanong abala yun.. Basta matuwa ka lang, ayos na sa akin yun. "

Natahimik na lang ako. Hindi kasi ako sanay ng ganun e kaya naninibago pa ako sa mga ginagawa ni Ully sa akin. Para ngang bumalik ako sa college life ko eh kahit may anak na 'ko. Akala ko, teenager lang ang nakakaramdam ng kilig. Mali pala ako. Kahit gaya ko, pwedeng makaramdam ng ganun.

" Salamat, Ully. Salamat kasi minahal mo pa rin ako sa kabila ng lahat. Thank you. " kulang pa ang pasasalamat sa mga ginawa nya sa akin.

" No, dapat ako nga ang magpasalamat eh. Kasi tinanggap mo ang pagmamahal ko sa'yo kahit sobra kang nasaktan sa ginawa ni Oliver sa'yo. Now, makikita na niya ang worth it mo ngayong wala ka na sa buhay nya. Hindi nya alam kung gaano kalaki ang nawala sa kanya. " napangiti na lang ako saka natahimik nang hinalikan nya ako sa labi. Smack lang yun pero nagpanginig sa akin. " I love you so much, Klea. " napayakap ako sa kanya ng mahigpit at isinubsob ang mukha ko sa dibdib nya. Dinig ko ang kabog ng kanyang puso. Ang lakas gaya ng pagkabog ng puso ko. At para bang tibok lang ng puso namin ang naririnig ko. Ganun di ba ang nararamdam nya? Maaring oo.

" Mahal din kita, Ullyses. Hindi ko pinagsisihang nangyari yun sa amin ni Oliver. Dahil alam ko, mas deserve kita. At ngayon, alam kong liligaya na ako ng tuluyan sa'yo. "

Nang araw ding yun, nakatanggap ako ng text mula sa isang unknown number at alam kong galing Pinas yun.

" Klea, kelangan ka ni Oliver. May sakit sya. May cancer sya. Stage 4. He needs you. Please, umuwi ka na rito sa Pilipinas. "

-Cezia

itutuloy..

His Mistress (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon