SiLENT CiTY // [ESCAPE 4]

2.4K 53 7
                                    

SILENT CITY (A Sci-Fi/Horror Story)

 

BY : Lance_Chrysostome

***

[ESCAPE 4]

Trixie's POV

*yawn* Hay nako! Ang dadrama naman ng mga tao dito oh? Dito pa nagdramahan. Letse!

Kanina pa ako naiinip. Bakit hindi na lang namin simulan maglibot para makauwi na kami?

"Guys, ano? Tututunganga na lang tayo dito? Wala man lang tayong gagawin?" iritadong tanong ko sa kanila.

"Oo nga. Kung dadamdamin natin ang mga nangyari, wala rin. Wala ring mangyayari. Ang mabuti pa, bumalik na lang tayo." -Harvey

"Pero paano sina Gab at Kyla, iiwan na lang natin?" -Rick

"Sino ba ang may kasalanan? Sino ba ang sangkot sa problemang 'yun? Diba sila?" sagot ko sabay turo kina Kylie at Ronan.

"So ganun na lang? Mang-iiwan kayo? Parang hindi tayo magkakatropa ah?" -Kylie

"Whatever! Basta ako, uuwi na lang. Tara na nga." sabay hablot ko kay Harvey. "Oh, sino pang gustong sumama?"

Lumapit naman sa amin sina Princess at Oxford. Apat kaming babalik. Tatlo silang maiiwan. Nakakaawa naman.

Sumakay na kami sa van at pinaandar na ito ni Harvey. Bago kami makaalis..

"So, paano ba 'yan? Maiwan na namin kayo" sabay ngiti ko pa sa kanila. Masyado talaga akong kontrabida. *laughs*

Pinihit na ni Harvey ang van pabalik sa dinaanan namin kanina. Mabuti't gumana pa ang van. Hindi naman masyadong malakas ang pagkakasalpok nito sa pader, kaya siguro umaandar pa.

Pero ang ipinagtataka ko talaga, bakit ganito ang paligid? Bakit may mga hamog? What's going on?

"HOLY SH*T"

Bigla namang nagpreno ang van. Nakabangga na naman ba kami?

SILENT CITY (A Sci-Fi/Mystery/Thriller Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon