SiLENT CiTY // [ESCAPE 10]

1.8K 39 12
                                    

SILENT CITY (A Sci-Fi/Horror Story)

BY : Lance_Chrysostome

***

[ESCAPE 10]


Kyla's POV


Hinahabol ako ng isang nakakatakot na nialalang. May suot itong malaking pyramid sa ulo niya, at may hawak na napakalaking kutsilyo. Ngayon lang ako nakakita ng ganung style ah? Takbo lang ako ng takbo, pero dahil sa isa akong dakilang lampa, nadapa ako at napasubsob ang aking tuhod sa lupa. Nagiiyak ako sa sakit. Hindi ko namalayan na nakalapit na pala ang halimaw sa akin at bumubwelo na para ako'y hatiin sa dalawa. Ihahataw nya na sa akin ang kutsilyo nang...


"HUWAAAAAAG!" Napabalikwas ako ng bangon dulot ng panaginip-or should I say bangungot na iyon. Shit! Muntikan na ako dun ah?


*toot toot*


Napalingon ako sa kaliwang bahagi ko at napagtanto kong nasa ospital ako. Ang tumutunog pala is 'yung heartbeat machine. May mga nakasaksak din sa aking dextrose at iba pang mga aparato. I also check if may mga sugat o galos akong natamo. Buti naman at wala.

"What happened?" My heart skipped a beat when someone entered the room. Isa syang nurse base sa suot nya.

"Ah-eh wala naman po. I just have had a bad nightmare." Saad ko dito. "Paano nga po pala ako napunta dito?"

"May nakakita kasi sa iyo sa may trash bin. Magtatapon sana siya ng mga used dextrose and syringes nang makita ka. Wala kang malay nung mga oras na iyon kaya dinala ka dito para icheck kung may mga minor injuries ka. Good thing, wala naman." Paliwanag nya naman. Tumango-tango na lamang ako.

Luminga-linga ako sa paligid. Napakaganda ng room na ito. Bukod sa tahimik at payapa, napakalinis at organized ng mga gamit dito. Napakacasual din ng style, mapafurniture and such. Siguro naman, ganun din kaganda sa ibang kwarto. At hindi rin nalalayo na mapabilang ito sa mga "Top Hospitals" sa Bansa.

Agad pumasok isip ko ang katanungang 'Nasan nga ba ako?' Marahil sa kuryosidad, naitanong ko ito sa nurse na nung mga sandaling iyon ay abala sa pag-aayos ng dextrose ko.

Pero imbis na sagutin ang tanong ko, tanging mga iling lang ang ginawa nya. Medyo nagtaka ako sa ginawa nya. Bakit ba ayaw nilang sabihin? Bakit kailangan pang ilihim? "Discover it by yourself."

Ilang saglit pa ay bigla siyang naistatwa sa kinatatayuan nya, at unti-unting nababalutan ng yelo. I also heard sounds as if my surrounding's empowered by ice. Hindi nga ako nagkamali. Unti-unti na palang nababalot ng yelo ang paligid. Ramdam ko ang unti-unting paglamig ng paligid. Maging ang hininga ko'y may usok na din. Shit! What the heck is happening?


***


THIRD PERSON'S POV

Hindi makagalaw sa kanyang pwesto si Kyla. Hindi nya lubos maintindihan ang nangyayari. Imbis na tumunganga, nagsimula na siyang lisanin ang kwartong iyon. Nakapaa lamang siya at nakasuot ng damit pang-pasyente. Sa pagbukas nya ng pinto ay kadiliman ang agad na sumalubong sa kanya.

Tuluyan na ngang wala siyang nakita nang marahan nyang inilapat ang pinto. Ginapangan siya ng takot ng makarinig ng kaluskos mula sa di kalayuan. Dagdag pa sa kanyang takot na hindi nya ito nakikita. Imbis na tumakbo palayo, hinintay nya na lang na masanay ang mata sa kadiliman. Baka sakaling maaninag nya ito kahit papaano.

SILENT CITY (A Sci-Fi/Mystery/Thriller Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon