SiLENT CiTY // [ESCAPE 18.1]

1.1K 26 8
                                    

SILENT CITY (A Sci-Fi/Horror Story)

BY : Lance_Chrysostome

***

[ESCAPE 18.1]

THIRD PERSON'S POV

Bigla na namang nag-iba ang lugar. Ang kaninang detention room ay naging playground. Pasikat pa lang ang araw, giving us a conclusion na umaga pa lang. Slides sa gawing kanan, swings at monkey bar sa bandang kaliwa, buhanging kalat sa palaruan, at sa paligid ay naroon ang mga batang tuwang-tuwang naglalaro. Agad na namang nanibago si Gab sa biglang pagshift ng lugar. Na para bang sa isang kisapmata ay agad na nagmamagic ang paligid, napupunta ka sa isang lugar na hindi ka pamilyar.

Napalingon siya ng biglang nagkaroon ng komosyon. Mas lalong umingay ang kanina ng maingay na paligid. 'Ano 'yun? May away?' Iyon agad ang pumasok sa isip ni Gab.

Tumayo siya mula sa kinauupuan nitong maliit na upuang bilog na pambata at sinilip kung anong meron. Dahil hamak na mas matangkad siya sa mga bata ay nagawa nya agad makita ang pangyayari.

"Ruffa! Ruffa! Ruffa!" Ang mga batang kaninang nagsisipaglaro ay panay naman ang sigawan ngayon. Chinicheer nila Ruffa sa ginagawa nito. Sa kabilang banda, nakaupo sa may buhangin ang umiiyak na si Alice. Takip-takip nito ang mukha at panay ang hikbi.

"Lampa! Tumayo ka nga dyan? Parang 'yun lang iiyak ka na?! Hoy! Ano! Tumayo ka dyan!" Hinihila-hila pa ni Ruffa ang kawawang bata sa braso at pilit pinapatayo. Ang iba namang mga bata ay sinasabuyan ng buhangin si Alice. Witch pa nga ang tawag ng mga ito sa kanya.

"Tigilan mo na 'yan, Ruffa!" Nagsitahimikan ang tao sa paligid. Lahat ay napalingon sa lalaking bigla na lamang pumasok sa eksena. 'Pamilyar ang lalaking ito ah? Oh, wait? Parang may mali. May nasesense akong kakaiba.' Sabi ni Gab sa sarili nito. Alam nyang ang lalaking ito ay kasama sa tropa nina Socrates at Ruffa, hindi nya lang alam ang pangalan.

"Tss. The Knight in Shining Armor. Pwe! Ang baduy mo Marthy!" Ismid ni Ruffa sa katropa. Marahas na inalis ni Ruffa ang kamay ni Alice sa mukha nito at madiing hinawakan ang baba ng babae. "E paano kung ayaw kong tumigil? Anong magagawa mo? Ha?" Dagdag pa nito. Rinig ang tawanan ng mga bata sa paligid dahil naexpose ang madungis na mukha ni Alice. Puro ungis at dumi galing sa buhangin. Imbis na tulungan ng mga bata ang kalunos-lunos na si Alice ay wala man lang umaksyon. Ang pangunahing dahilan: takot sila lahat na makabangga si Ruffa, maging sa buong tropa nito.

"Sinabi ng tumigil ka na e! Sumusobra ka na!" Sinugod nito si Ruffa at itinulak. Kitang-kita sa mukha nito ang galit. "Hindi purkit babae ka e hindi na kita papatulan!"

Gulat na gulat ang itsura ni Ruffa. Hindi nya marahil inexpect ang nangyari. Maging ang mga tao sa paligid ay nabigla rin sa nangyari. Ang iba'y napasinghap at nalaglag ang mga panga. Hindi kasi nila lubos akalain na may kayang lumaban sa babaeng kilalang bully sa eskwelahan nila, kahit na katropa pa nito.

"How dare you! How dare you, Marthy! F*ck you! Mamatay na kayo!" Gigil na gigil ito at nanlilisik ang mga mata habang sinasabi ang linyang iyon. Dinuduro pa nito ang dalawa. "Anong tinitingin-tingin nyo? Tabi! Pakamatay na rin kayo! Mga bwisit!" Nagmamadali itong nagwalk-out sa kumpulan ng mga tao. Padabog pa itong naglalakad, habang sinusundan siya ng tingin ng mga estudyante.

"Are you okay?" Marthy asked in a manner, offering his right hand kay Alice para makatayo mula sa pagkakasalampak sa buhangin. Literally, gumaan ang pakiramdam nya nung sandaling iligtas siya ng lalaki mula sa pang-aaway ni Ruffa. Bigla namang may nabuong statement sa isip nya, 'He'd saved me from an incoming danger. He'd protected me from Ruffa's vengeful hands. Hindi ba pwedeng iconsider na siya ang knight in shining armor ko?' Ewan nya ba kung ano 'yung bigla nyang naramdaman.

SILENT CITY (A Sci-Fi/Mystery/Thriller Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon