SILENT CITY // [ESCAPE 15]

1.5K 28 3
                                    

SILENT CITY (A Sci-Fi/Horror Story)

BY : Lance_Chrysostome

***

[ESCAPE 15]


THIRD PERSON's POV





Makaraang sabay na mawalan ng malay ang dalawa, hindi na nag-aksaya ng panahon pa ang mag-syota at sinamantala na ang pagkakataon. Nawalan ng malay si Ronan nang dahil sa pagod, samantalang ang butcher naman ay dahil sa bumagsak na chandelier. May kabigatan ito kaya natumba ito, dagdag pa ang panghihina dala ng sakit ng bumulwak na tiyan. Labis ang tuwa ng dalawa nang makita ang nangyari. Sa laki kasi ng butcher ay mapapaisip kang mahirap siyang patumbahin...






Nilapitan nila ang nakadapang butcher, at sa di kalayuan ay nakalapag ang kutsilyo nito---marahil ay tumalsik ng mabagsakan siya.





"Uggggh! Ang bigat naman nitong kutsilyo..." Reklamo ni Kylie habang hirap na hirap na binubuhat ang malaking kutsilyo. Sabay nila itong iniangat, at buong pwersang ihinampas sa katawan ng butcher. Wala ng patumpik-tumpik pa. Hindi man eksaktong-eksakto, nahati siya sa dalawa, at unti-unting nagiging abo ang katawan nito---ibig sabihin...."Sa wakas, napatay din natin siya. Tae! Pahirapan pa!" Kahit na nagtataka ang dalawa sa kinahitnan ng bangkay ng butcher, ipinasawalang-bahala na lang nila at nagdiwang sa kanilang isip dahil sa wakas, tapos na ang halimaw na nais sanang patayin sila? Pero......tapos na nga ba?





At sa isang iglap, agad ding bumalik sa dati ang lahat. Nawala na ang mga kalawang, bakal na sahig, and such, thus, back to the Silent City's usual scenery. Fogs, silence---terrible environment.





Sinubukan nilang gisingin ang nahimatay na kaibigan, ngunit bigo silang magawa iyon. Kaya ang ginawa nila, binuhat na lang nila ito at dinala sa kwartong inokupahan kanina. Hihintayin na lamang nila ang pagbalik ng malay ni Ronan. Nang marating ang kwarto, inilapag na nila ang kaibigan sa kama, at ang balak na paghintay sa paggising nito ay hindi na nila nagawa. Hindi nila namalayan na maging sila'y nakaidlip din pala dala ng pagod...





***





RONAN'S POV





"K-kuya....Tulong...." Parang nagising ang diwa ko ng marinig ko ang tinig ni....T-teka? Boses ni Gab 'yun ah? Ba't....ba't wala akong makita? "Kuya...Dalian nyo bago pa mahuli ang lahat..." Mula sa dilim ay sumulpot siya. Pagod na pagod ang hitsura nya. Nagsimula siyang tumakbo palapit sa akin, pero hindi pa man siya nakakalayo ay biglang may kumislap na pula sa likod nya at agad siyang sinunggaban pabalik sa kadiliman. "KUYAAAAAAAA!"





"GAAAAAAAB!" Napabalikwas ako ng bangon dahil sa lintik na bangungot na iyon. Pinunasan ko ang nagtatagasang pawis sa noo ko. Shit! Kailangan na naming mahanap at iligtas si Gab sa lalong madaling panahon. Kailangan na rin naming makaalis sa lugar na ito. Patagal kami ng patagal dito'y parang may nangyayari ng kakaiba. Hindi pala. Simula pa nga lang pala, kakaiba na talaga ang tumambad sa amin.





Tumayo na ako sa malambot na kamang hinihigaan ko at nilapitan ang dalawa. "Uy! Gumising na kayo!" Panggigising ko sa kanila.





Hindi rin naman sila nag-atubili at bumangon na din. Halata sa itsura nila ang puyat at pagod. Teka nga pala...




"Ano ng nangyari kanina? Nakatakas kayo? Napatay nyo siya?" I asked, sounded as if excited. Wala lang. Curious lang. Nawalan ako ng malay kaya wala akong alam sa nangyari.





SILENT CITY (A Sci-Fi/Mystery/Thriller Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon