Painful Past

450 23 2
                                    

CASSETT POV

Sabi ko na nga ba eh... pagkatapos ng nakakapangilabot naming experienced mula sa kaso ni Sir Uno ang soul eater na bumbiktima ng mga babae... heto nanaman kami, panibagong kababalaghan. Pero sa tingin ko mas makakabuti ito para sa multong si Dawn.

Nung uwian na... nagkakayayaan munang pumunta sa coffee shop nila best friend Ian. Pero hind na muna sumama sila Lacey, Ram at Dawn.

Habang naghihintay ng order...

"Hoy! ok. kalang?" sabay pitik sa noo ko ni Skyler.

Tumango lang ako. As my boyfriend... nag-aalala nanaman ito.

Napatitig din sakin si Moon.

"Moon?... anong ba talaga ang mangyayari kay Dawn, if ever na malaman niya ang nakaraan niya?" tanong ko.

Nagbuntong hininga muna ito...

"Depende... kung ano ang magiging reaction niya sa nakaraan niya...": simula nitong paliwanag.

Napataas kilay kaming lahat.

Biglang lumapit samin ang isang waiter at kinausap si Bestfriend Ian.

"Boss Russ... kasama niyo po ba ang wirdong... I mean... yun pong baaeng nasa labas?" tanong nito sabay turo sa may bintana ng cafe.

Paglingon namin. Napahawak si Karis kay Ian, at si Rukia kulang nalang magtago siya sa ilalim ng lamesa. Napakapit sakin si Skyler.

Anak ka ng bruha? eh mas malala naman ang gulo ng buhok ng babaeng yun kesa sakin.

Napilitang tumango si Ian...

Pagpasok ni Eve sa cafe... nagkapaso-paso na ang mga dila ng ibang umiinom ng kape... dahil sa pagmamadaling lumabas ng cafe.

"Can't you be... uhmmn, er.... look... normal?" tanong ni Ian sa kanya.

"O bakit? hindi ba normal yang si Cassett?" sabay ngiti sakin.

Aba? problema ng babaeng to? at umupo pa talaga sa tabi ko.

Napaatras pa si Skyler.

"Tao siya diba?... " tanong nito.

Natawa si Moon. "Don't worry pare... hindi nabuksan ang third eye mo... tao yang kaharap mo"

"So... ikaw pala si Skyler... " sabay lapit nitong mabuti.

"Ehem... oo siya si Skyler, ang boyfriend ko" singit ko.

Bigla nitong inilapit ang tenga niya sa dibdib ni Skyler. Na-shock kaming lahat.

"Ano gurl? sasabunutan ko na ba?" pagtataray ni Rukia.

Kahit... medyo napikon ako... pagkatitig namin ulit sa kanya, umiiyak nanaman ito.

"Tae na... mas wirdo pala sayo yan eh Cassett" singit ni Ray.

"Ang swerte mo... dahil ikaw ang nakatanggap ng puso ni Dawn" bulong nito. sabay ayos ulit ng upo.

"Ha? kilala mo pala ang multong si Dawn... uhmmn,oo ang swerte ko nga daw" sagot naman ni Skyler.

Pagkalapag ng mga order namin. aba! sinunggaban agad nito ang order kong chocolate mousse cake... napanganga nalang ako.

"Ikaw ba Eve... alam mo ang mangyayari sa kaibigan mo kapag nalaman niya ang totoong nangyari sa nakaraan niya?" tanong ni Moon sa kanya.

"Moon" My Guardian GhostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon