Chapter Thirty Three: Family Pride

762 33 5
                                    

CASSETT POV:

        Nakalabas na ako ng hospital. Nasa bahay ako ngayon at nagpapahinga padin. Naguguluhan ako sa pagtawag sakin ni Karis. Basta ang sabi nya hwag ko daw puntahan si Ram, pero... hindi naman nya sinabi ang dahilan. 

          Balak sana namin ni Sid, bukas ng umaga... pupuntahan at kakausapin ko si Ram pagkatapos ng klase nila. Hindi pa naman kasi ako pinapapasok ng school. 

          Hindi ako makatulog... tumayo ako at nagtungo sa terrace, napatingin ako sa bwan... 

         "Moon? I miss you..." bulong ko. "Sana nandito ka... para pag-umpugin mo sila Skyler at Ram, ang kukulit nila..." natawa akong mag-isa. 

      "Ate Cass?" galing sa likod ko.

       Nagulat ako. Luke?

        Paglingon ko... wala naman siya. 

       Haiyst... makatulog na nga. Humiga na ko sa kama. 

         Nakapikit lang ang mata ko, pero alam ko... hindi pa ko tulog. 

      "Ate Cass?" kaharap ko si Luke... nananaginip ba ako. 

      "Hello Ate?" kaway sakin ni...

      "Jhonlene?" panong nangyari...

        "Luke? J.L? bakit kayo magkasama... Luke?" hinawakan ko siya...niyakap... natakot ako... Patay na ba ang pinsan ko?

        Natawa ang dalawang bata. Magkasing-edad nga pala sila. Dahil namatay si Jhonlene sa edad na 13 years old. Infairness... bagay din sila ah? ay oo nga pala kay Sid na pala si J.L.

        "Ate Cass... relax kalang... buhay pa ko" ngiti ni Luke.

      "Kaluluwa siya ni Luke... natutulog ang katawan nya" paliwanag ni J.L.

      "Ang tawag dito... Astral Projection" sabi ni Luke.

      Ano daw? Astral... What! dictionary please...

      "Kaya kong maglakbay sa ibang dimension kapag natutulog ako... kayang maglakbay ng kaluluwa ko" paliwanag niya.

      "Parang yung nagyari kay Kuya Sky, nung na-coma siya, yun nga lang si Luke naco-control nya ang kakayahang ito" dagdag ni J.L. 

       "Pano kayo nagkakilala?" tanong ko. 

      Natawa lang sila.

       "Sa Astral dimension... pwedeng magkausap at magkita ang buhay at patay" sagot ni Luke. "Parang si Kuya C.K. nakakausap ko siya dati kapag natutulog ako" ngiti nya.

      "Ha? nasan ni si Moon... nakikita mo pa ba siya? nakakausap mo pa ba siya?" tanong ko. 

      Umiling siya.

       "Ate Cass? ikaw pala ang kapatid ni Kuya C.K... alam mo ang gwapo nga nya" kilala din pala niya si Moon.

      "Ate Cass... gusto ko talagang magpaalam na sayo..." bulong nya.

      "Ha? aalis ka naba?" tanong ko. 

      Tumango siya at ngumiti. 

       "Tulad ni Sid... napakalambing at cute ni Luke, madalas nya kong pinupuntahan sa puntod ko. Ang sayang kasama ng family nyo" ngiti nya. 

      "Ha? oo nga pala teka... magpapaalam sayo si Sid... gagawa kami ng paraan para makita kadin nya" paliwanag ko.

      Nagkatinginan sila Luke at J.L. 

"Moon" My Guardian GhostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon