Unforgivable

416 23 1
                                    

DAWN POV

Nakakapagtaka at bakit isinama pa nila Cassett dito wirdong babaeng ito. At bakit parang kilala niya ang step mom ni Ram?

Namumutla ang bruha... ewan ko ba, kahit nuong una ko palang siyang makita... lagi akong highblood sa matandang to... dahil narin siguro kahit sila Ram, Lacey at Liam... hindi siya kasundo. Pero ano to? anong connection ni Eve sa babaeng to?

"Eve?... why are you here?" tanong ni Taffy.

"Oh... hindi ka pa nasabihan? nakalabas na ko ng hospital..." sagot ni Eve. "TITA TAFFY!" pinagdiiinan niya ito.

"Wow... I mean... good to see you dear..." pilit na lambing ni Taffy.

"Excuse us... pero... magkakilala kayo?" taas kilay ni Ram.

"Of course... she was my... step mom too..." sagot ni Eve.

"What the F... " bulong ng magkakambal na sina Liam at Lacey.

"Well... almost... buti nalang nga hindi natuloy ang kasal nila Papa, dahil namatayan kami nun..." sagot ni Eve.

"hijja... I think you should go home... mukhang hindi ka pa ok eh... ayaw mo naman sigurong bumalik sa hospital hindi ba?" medyo pagtataray ni Taffy.

"Don't worry Tita... dahil kahit ibalik niyo pa ko sa hospital na yun... for this time I will make sure muna na mabibigyang linaw ang lahat" mataray ding sagot ni Eve.

"Don't listen to her... alam niyo mas ok. kung paalisin nyo na siya sa bahay na'to. She's crazy! infact sa mental hospital galing ang babaeng yan..." tarantang sagot ni Taffy.

"Pasalamat ka at ako lang ang nakikita mo...hmmn, mental hospital? grabe ka naman Tita Taffy, special facilities lang naman yun at ilang session para makausap ko ang psychiartrist ko dahil sa mga bagay na nakikita ko sa paligid na hindi noemal sa paningin ng iba, anyways, ano kayang magiging reaction mo kung si Dawn ang magpakita sayo... galing sa hukay!" gigil ni Eve.

Pinilit tumawa ng matandang si Taffy. "c'mon hija... don't start that bad joke"

"O bakit? talaga bang pagdidiinan mo padin, na may sira ang ulo ko at baliw lang ako kaya sinisisi kita sa pagkamatay ni Dawn... ang best friend ko... ang kapatid ko... ang kakambal ko!" sagot ni Eve.

Bigla akong hindi nakagalaw... hindi agad ma process sa utak o ang mga sinabi niya. Pati ang mga kasama namin... napatitig saming dalawa.

"Kakambal mo si Dawn?" tanong ni Moon.

"Yes... Evening and Dawn... we are not identical twin, not like you Lacey, Liam, Moon and Cassett... kaya hindi kami makamukha, pero... yes she's my big sister..." naiyak ito.

Kapatid ko si Eve? Damn! bakit hindi ko matandaan? bakit nga ba wala akong matandaan sa nakaraang buhay ko...

"Our family is also in elite class... we are living in high society... we can have everything and anything we wants... exept... " napayuko ito "both us are so weak, specially your body Dawn... Namatay si mommy nung ipinanganak tayo, so that is also the reason kung bakit hindi tayo masyadong close kay Papa... " nilapitan niya ko. "we lived and stayed in provincial area dahil mas makakabuti ito sa kalusugan mo... everything was so peaceful... wala na tayong mahihiling pa"

Tapos bigla namang nanlisik ang mga mata niya kay Taffy.

"until Papa met this lady... si tita taffy... at first she was a good mother to us, atleast she tried... but then, unti-unti nakilala natin ang totoong intension niya kay Papa, dahil naging ambisyosa siyang sa kanya ipapamana ni Papa ang lahat ng properties ng family kapag namatay na si Papa. She started to poison our father... and we caught her" tuloy-tuloy lang ang paliwanag ni Eve.

"Didn't you tried to tell that to your dad?" singit ni Liam.

"Of couse we did... but then again, unfortunately hindi niya kami pinaniniwalaan... because he was hypnotized by this wicked witch, bukod pa dun... bata palang kami ni Dawn, wirdo o baliw na ang tingin sakin dahil nakakakita ako ng mga kaluluwa sa paligid, ang kakambal ko lang ang naniniwala sakin"

She stared at me... with those mysterious but sweet look.

"This bitch! always tortured my poor sister para lang hindi makapagsumbong... she even threaten Dawn that she will kill me, kapag nagsumbong siya..." kitang kita ang galit sa mga mata nito kay Taffy.

I'm starting to remember everything.... masakit sa puso... kahit kaluluwa nalang ako... parang umiikot ang paligid... habang nagpapaliwanag si Eve, naaalala ko na ang lahat.

"My family decided na dalhin na ko sa isang specialize hospital, dahil nag-aalala sila sa mga nakikita at mga nasasabi ko sa kanila, I'm sure alam mo ang pakiramdam na yun... Cassett?" sabay tingin ni Eve kay Cassett.

Napatango si Cassett.

Nilapitan ko si Eve... niyakap...

"I'm sorry... kung wala akong nagawa para tulungan ka nun" unti-unti... umiiyak na ko.

"No... I'm sorry Eve, dahil kailangan mong protektahan si Papa mag-isa" iyak din nito.

"I'm out of here..." sigaw ni Taffy... "Mga baliw! sinong kausap nyo! Baliw kayong lahat!" sigaw nito sa amin.

Pinigilan siya nila Ram at Liam.

"Every morning... pinagtitimpla ng hot tea ni Tita Taffy si Papa... kung saan lagi niya itong nilalagyan ng lason... ang lason na eepekto lang kapag araw-araw itong pinapainom sa biktima. Hindi alam ng babaeng yan, every morning na sumasabay akong mag-almusal kay Papa, pinagpapalit ko ang inumin namin, pero kailangan kong inumin ito dahil nakabantay siya lagi" ako na ang nagtuloy ng kwento, tuloy lang ang pag-iyak ko.

"Hanggang sa bumigay na ang katawan mo..." malungkot na bulong ni Ram. "how could you!" sigaw nito kay Taffy.

"Gosh! don't tell me... yun din ang ginagawa mo kay Tito" sigaw din ni Lacey kay Taffy.

"What the hell are you talking about!" sigaw naman ni Taffy.

"Unforgivable..." bulong ni Liam.

"Alam ko naman ang magiging consequences nun... alam ko naman na ikamamatay ko yun, pero ang totoo... mas gusto kong mamatay para sa pamilya ko. Bata palang ako, tinaningan nadin naman ako ng doctor na hanggang 20 years old lang ako tatagal, marami narin akong pinagdaanang hirap at sakit dahil sa karamdaman ko, at dinagdagan pa ng bruhang yan!" galit ko. "atleast... mamamatay man ako ng maaga, magiging ok. naman ang kapatid ko at si papa"

Alam kong hindi ako naririnig ni Taffy. I started to feel mad.

May kung ano sa pakiramdam ko na gustong kumawala... bumalik ang lahat ng sakit, lungkot at galit na naramdaman ko nuon.

Hanggang sa naririnig ko nalang ang sigaw nilang lahat...


"Moon" My Guardian GhostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon