xiv. t a n g a y

855 39 8
                                    

S h a t t e r e d   M e m o r i e s
Kyrian18

T A N G A Y

"MARIANNE! LET'S GO home!" Matigas ang pagkakasabi ni Williard nang makalabas sa kulay pula nitong kotse.

Napahinto si Elliott kasama si Xinderia sa unang papasukang kanto ng Bayanan upang makarating sa main highway ng Muntinlupa, nang humarang sa kanila ang kotse ng nobyo ng kasama niya.

Madilim pa rin sa parte ng lugar na ito.  At walang mga taong dumadaan.

Palipat-lipat ang tingin nito kay Elliott at sa nobyang naglayas. Hindi maipinta ang mukha ng bagong dating.

"W-Will, pa-paano mo nalaman na nandito ako?" tarantang tanong ni Xinderia na namumutla na sa kaniyang tabi.

Damang-dama ni Elliott ang panginginig ng mga kamay nito at nangangatog na rin ang mga tuhod.

"I said-- " Matalas ang mga tingin na pinukaw ni Williard sa kaniya nang makahulugan, bago nito muling tiningnan si Xinderia "--come here."

Unang hakbang pa lamang ni Marianne ay pinigilan na ni Elliott. Lalo na at natameme na naman ito sa harapan ni Williard. Hindi niya hahayaang magbabalik pa si Xinderia sa mga bisig ng ibang lalaki.

Hinawakan niya ito sa kaliwang braso, na siyang dahilan upang mapahinto ito. Nanlaki ang mga mata ni Xinderia na pabalik-balik ang tingin sa pagitan nina Elliott at sa lalaking sinusundo na siya ngayon.

Mas tumindi ang tensiyon sa pagitan nilang tatlo.

"Elliott, ano'ng ginagawa mo?" taranta nitong tanong.

Nagpupumiglas si Xinderia subalit walang balak si Elliott na bitiwan niya ito. Hindi ngayon. 

At lalong hinding-hindi na.

Nagsalubong ang dalawang kilay ni Williard na pinataw kay Elliott at walang pasabing sinugod siya nito.

Mabilis niyang hinablot ang braso ni Xinderia upang kabigin sa kaniyang dibdib sabay tinalikuran ang nagwawalang lalaki.

"Let go of my woman! Akin na ang girlfriend ko!"

Hahablutin na sana nito si Xinderia sa kaniya subalit naging mas mahigpit pa ang pagkayakap niya sa babaeng pinag-aagawan nilang dalawa at lumundag paatras. Limang metro ang agwat ng lundag na 'yon, na siyang ikinabigla ng mga ito nang husto.

"Hinding-hindi mo na siya makukuha sa akin," paninigurado ni Elliott.

"Elliott, right?" nanlilisik na ang mga mata ni Williard na nakatingin sa kaniya. "Huwag kang papasok sa buhay nang may buhay. 'Di mo ba alam kung ano 'yang babae na 'yan sa 'kin? She is already taken!"

"Mas lalong hindi mo siya kilala at huwag mong gawing bagay ang pusong hindi mo pagmamay-ari."

"Marianne!" sigaw nito. "Umuwi na tayo!  What on earth are you doing? Sumasama ka nang basta-basta sa hindi mo kakilala! Tara na!"

Hindi pa rin binibitiwan ni Elliott si Xinderia. Yumuko siya.

"Kailangan ko nang umuwi Elliott."

"Shhhh . . . Maging kalmado ka lamang," ika niya, na halos ay pabulong na lamang. "Kung gusto mong lumaya, lumipad, at maging ikaw sa sarili mong pagkatao, sa akin ka sasama. Sa akin ka magtiwala."

"Kamahalan!" biglang tawag sa kaniya ni Xenia. "Tama na iyan! Umalis na tayo. Natunton na nila tayo!"

Hindi pa nga nag-iinit ang kanilang alitan, may panibago na namang problema na kailangang haharapin. Pakiwari niya'y nais niyang mag-amok.

ADK VI: Shattered Memories ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon