xxxi. s i m b o l o

93 9 0
                                    

A/N: Ako ay labis na nagpapasalamat sa mga nagbasa ng nobelang ito. Pinilit kong tapusin at ayusin ang outline/chapters sa loob lamang ng isang buwan. At ito ay may 50k words, more or less. Proud ako sa sarili ko. Masaya akong makatapos ng isang nobela. Nawa'y tangkilikin niyo rin ang bago kong istorya.

See you sa ibang story naman. 🖤

PS: This is just my first draft. Let me finish this novel first. 🖤

Salamat. 🥰

- Ate Ky 🖤

S h a t t e r e d   M e m o r i e s
Kyrian18

S I M B O L O
(Huling Kabanata)

MAARING ITO NA marahil ang kauna-unahang pagkakataon na magkakaroon ng digmaan sa pagitan ng dalawang kaharian na matagal nang pinagbuklod ng kapayapaan.

Isidur laban sa Uyero.

Prinsipe Yino laban kay Prinsipe Rufino.

At si Elliott ay pinagmamasdan pa rin ni Marianne na punong-puno ng pag-aalala, na lumalaban sa ipinagkait nitong kapalaran.

Nakatayo siya kasama ng mga Isidurian habang nasa harapan naman nila ang iilang mandirigmang Uyerian, na siyang pumuprotekta sa kanila upang hindi sila mapapahamak sa nagaganap na digmaan.

Dahil sa itim na talukbong, ang kaniyang mukha ay malayang nakatago. Pinatungan din ang suot-suot niyang traje de boja ng makapal na kapa na kulay kape na si Prinsipe Yino mismo ang nagbigay. Hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala si Marianne na ang prinsipe ng Uyero ang tumulong sa kaniya upang makatakas sa tore.

Ngayon lamang din niya napagtanto na ang tunay na magkakampi ay sina Prinsipe Yino at Elliott, at hindi si Prinsipe Rufino.

Matagal ang lihim na mga ito na ngayon lamang naihayag sa nakararami. Mahabang plano. Mahabang pasensiya. Mahabang paghihintay. At ngayon ang lahat ay wari'y mga bomba na pinapasabog ang bawat lihim at katotohanan.

At mas nakatuon ang pokus ni Marianne sa gawi ng tunay na tagapagmana ng Isidur.

Ang sumpa ay lalong lumulubha at anuman oras ay tuluyan nang manghihina ang katawan ni Elliott.

Natatakot siya na hindi kakayanin ng taong kaniyang iniirog ang pagnakaw ng enerhiya ng Isidur sa katawan nito.

Nangako si Yino na matatapos ang labanan na ayon sa kanilang plano nang sa gayun ay maisasalba pa ang buhay ni Elliott. Nais niya itong panghawakan.

Espasa sa espada ang labanan ng dalawang prinsipe. Magulo. Maingay. Ang kalampang ng espada at ingay ng kani-kaniyang kalasag ay umaalingawngaw sa kabuuan ng lugar.

Habang abala ang madla at nakapokus sa dalawang prinsipeng nagtatagisan ng lakas at galing sa pakikidigma, nanlaki ang mga mata ni Marianne nang mapansin ang pagbagsak ni Elliott sa marmol na sahig.

Dali-dali siyang kumilos upang lapitan ito. Naiipit man sa labis na dikit-dikit ng mga katawan ng mga bisita, nagawang lusutan ni Marianne ang mga nagbantay sa harapan at walang lingunang tumakbo papunta sa gawi ng katawan ni Elliott na humandusay doon.

Nababatid niyang pati sina Pronsipe Yino at Prinsipe Rufino ay napansin din ang pagbagsak ni Elliott.

Niyakap niya si Elliott nang sobrang higpit. Marahan niyang hinawakan ang malamig nitong kamay.

"Kapit ka lamang," pangiti niyang sambit.  "Malayo na ang iyong inilaban, Elliott. Lumaban ka pa. Kaunti na lang. Huwag kang bibitiw."

Pinisil ni Elliott ang kaniyang kanang kamay, na siyang nagpalakas din ng kaniyang loob.

ADK VI: Shattered Memories ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon