xxx. p a t i b o n g

84 9 0
                                    


A/N: This is just my first draft. Pipilitin ko munang tapusin hanggang Epilogue saka mag-polish, mag-proofread, at mag-revise. Let me finish first the whole story, okay? :)

- Ate Ky 🖤

S h a t t e r e d  M e m o r i e s
Kyrian18

P A T I B O N G

MAITATAMA BA NG anak ang pagkakamaling nagawa ng ama?

Hindi iyon masagot ni Elliott. Ang tanong na ito'y paulit-ulit na pumapasok sa kaniyang isipan habang nakatungtong ang kaniyang mga paa sa teritoryo ng Isidur.

Sa karami-raming pagkukulang ng hari sa kaniya bilang anak, wala siya ni isang magandang rason upang ituwid ang bawat pagkakamali.

Unang-una, hindi nito ipinagtanggol ang kaniyang sariling anak laban sa pangalawang asawa nito. Ang kaniyang pagkakilanlan bilang tagapagmana ng kaharian ay kahangalang ibinigay sa anak-anakan ng kaniyang ama.

Pangalawa, hinayaan lamang ng hari na patawan siya ng sumpa sa huwad niyang kapatid sa sarili nitong palasyo. Ang kaniyang kalayaan, pagkakilanlan, at ari-arian ay tuluyan nang ninakaw nang harap-harapan sa kaniya.

At pangatlo, bakit hinayaan nitong ilihim ang sarili niyang pagkatao? Bakit hinayaan ng kaniyang ama na lapastanganin siya ng ganito?

Walang natira sa kaniya . . .

Ang puso niyang kumikirot sa pinaghalong kalungkutan ay nababalot din ng apaw-apaw na katanungan para sa kaniyang sarili.

Napaupo siya sa bato habang nag-iisip nang labis.

Naiwan si Elliott sa hardin pagkatapos nilang pag-usapan ni Yino ang kanilang mga plano. Hihintayin niya ang hudyat ng pagsalakay sa utos ng kaniyang mapagkakatiwalaang espiya.

"Mapapatawad mo ba ako, Anak?" tanong ng hari kay Elliott, bigla na lamang sumulpot sa kung saan.

Nanatiling matigas ang awra niya. Hindi nagpatinag si Elliott sa presensiya ng kaniyang ama habang magkaharap sila ng hari.

Hindi pa niya kayang sagutin ito. Hindi ganoon kadali. Hindi ganoon kabilis.

"Hindi ako nagpakita sa iyong palasyo Kamahalan upang ungkatin ang mga ganiyang bagay. Ako'y naparito lamang upang iligtas si Xinderia."

Sa kauna-unahang pagkakataon, pagkatapos nitong masawi ay ngayon lamang niya nakita at nakausap ang galang kaluluwa ng hari. Hanggang wala pang hihirangin na bagong hari at reyna sa kaharian ng Isidur, mananatiling nakakulong ang kaluluwa ng kaniyang ama sa palasyo.

"Ang ina ni Rufino ay may marka rin ng katulad ng kay Binibining Xinderia kaya siya ang pinili kong pakasalan, Anak."

Bakit pa ba ito nagpapaliwanag?

Hindi naman siya nagtatanong.

"Kung si Binibining Xinderia ba ay walang marka at hindi siya ang itinakdang reyna na iyong pakakasalan, susundin mo ba ang itinitibok ng puso iyong puso o ang kaligtasan ng buong mamamayan ng Isidur?"

Kaya ba nito hindi kaagad pinakasalan ang kaniyang ina? Kaya ba nagawa nitong maatim na itakwil siya ng reyna nito?

"Wala akong panahon upang manumbat sa mga bagay na matagal ng nangyari."

ADK VI: Shattered Memories ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon