Chapter 39

435K 12.7K 1.6K
                                    

Chapter 39


[Timi's POV]

Nanlalambot ako. Ni-hindi ko magawang pulutin ang phone ko. Nandoon lang ako, nakatayo at naninikip ang dibdib.

Si Ice yun. Malinaw na malinaw. He's with Erin.

He's sleeping with Erin. Fuck. How dare he act so innocent kung ginagawa niya naman pala ang bagay na yun kay Erin?!

Huminga ako nang malalim. Ayokong mag assume. Ayokong mag hinala agad. Ayoko. I need to ask Ice. I need to talk to him.

Baka mamaya old photo na 'to? Baka edited. Baka hindi naman ito tulad ng iniisip ko.

Sana. Sana talaga.

"Timi?"

Halos mapatalon ako sa gulat nang makita ko si Ice na papalapit sa akin. Agad kong pinulot ang phone ko at sinilid 'to sa bulsa ko.

"Timi tulungan na kita dito," nakangiti niyang sabi habang kinukuha ang mga ice cream.

Tumango lang ako without looking at him.

"Hey, something's wrong?" tanong niya habang pilit na sinisilip yung mukha ko.

I look at him. Gusto ko siyang tanungin, gusto kong sabihin ang text ni Erin, pero para akong nawawalan ng boses.

Naninikip ang dibdib ko.

Natatakot ako sa sasabihin niya.

I tried my best to smile, "w-wala. May nabasa lang akong depressing news sa facebook kanina."

"Oh..really? Ano yun?"

"M-may namatay...na aso," palusot ko.

"Oh... t-that's sad."

I gave him a sad smile.

He place his arm around my shoulder and he pulled me near him. He kissed the top of my head.

Napapikit na lang ako.

Naiinis ako sa sarili ko. Isang tanong lang yun pero hindi ko magawang sabihin kay Ice. Gusto ko malaman ang totoo but at the same time natatakot ako. Naduduwag ako.

Paano kung niloloko ulit niya ako? Paano kung lahat nang ito eh pagpapanggap lang?

Ayokong malaman. Ayoko. It will break me.

Sabay na kaming bumalik ni Ice sa porch kung saan nandoon sina daddy. Lahat masaya, lahat nagtatawanan at nagbibiruan. Si daddy walang humpay ang pangaasar sa amin. Ang lakas naman maki-ride on nung iba.

Lahat sila botong boto kay Ice.

Nakikitawa ako, nakikipagbiruan.

Pero parang sasabog na sa bigat itong dibdib ko. Parang gusto kong umakyat sa kwarto ko, magkulong at umiyak.

Hindi ko kaya komprontahin si Ice ngayon. Inaamin ko ang duwag ko.

Pero masisis mo ba ako? Minsan na akong naloko at nasaktan ng taong 'to. Ngayon na ibinigay ko na ulit ng buo ang tiwala ko, bigla akong may makikita na ganito.

And I'm afraid that he's going to break my heart again. I'm afraid na matulad na naman ng dati.

Kasi ikamamatay ko na.

Game Over (EndMira: Ice -- book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon