Tip No. 4 - Brag About Her To Your Friends

1.7K 54 18
                                    

I've decided to call her Yumi and I wanted the nickname to catch on. 'Mayumi' sounded like 'My Yumi' to me and my inner caveman would just hate it if some undeserving fuckers think they could stake their claim on her through her name, kahit ba pabiro lang.

Hindi naman sa pagmamayabang pero may mga babae na gumagawa pa ng iba't-ibang mga gimik para lang mapansin ko sila. Hindi kasi madaling makuha ang attention ko pero, in Yumi's case, she got me eyefucking her the moment I first saw her up close.

At, ngayon nga na she had caught my attention, she's mine. She might not know it yet and there's a slight chance she would protest but she and everyone else no longer have any say on the matter. It's her fault, she gave me the finger. Kung hindi ko nakita na may spunk siya na tinatago underneath all that beauty, I wouldn't be taking action.

I honestly thought na, dahil may pagkakahawig sila ni Sam, pareho na rin sila ng ugali. Mali pala ang akala ko dahil malaki ang pagkakaiba nila.

Sam was all about keeping the peace and avoiding confrontations samantalang mukhang palaban naman itong si Yumi. Mukha rin siyang hindi madaling makuha kaya lalo akong ginaganahan dahil I love a good challenge.

The rest of the day at school kind of sucked, though. Hindi ko kasi kaklase si Yumi sa sumunod kong subjects pero nakita ko naman siya by chance once or twice sa corridor habang papunta siya sa next class niya.

Okay, that wasn't entirely accurate. I saw her three times and they weren't accidents. Sinadya ko talaga na hindi pumasok agad sa mga sumunod kong klase at lumabas agad ng classroom pagkatapos ng lectures just so I could catch a glimpse of her.

Sinubukan ko rin siyang hanapin sa Facebook, Twitter at Instagram using my phone pero, sa dami ng Mayumi Gonzales na lumabas, wala siya doon. I even searched for her name sa Google, baka sakali kasing may blog siya o may article na na-publish tungkol sa kanya, pero hindi ko pa rin siya nakita.

I was seriously turning into a goddamn stalker. Hindi ko mapigilan ang sarili ko dahil I couldn't get enough of her. Siguro kung malalaman ng mga kaibigan ko ang tungkol dito, especially ni Jay, pagtatawanan lang nila ako. Nag-reverse kasi bigla ang sitwasyon at ako na ang nang-ii-stalk ngayon.

Nakakairita nga lang dahil hindi na ako nag-iisa. His name was Jake Sanchez, I think, at nahuli ko siyang nakatitig kay Yumi habang nagtuturo ang prof sa Philosophy kanina. At, ngayon nga, nag-resort na rin siya sa pag-aabang kay Yumi na dumaan sa corridor.

Well, I couldn't really blame him for having good taste. My girl was not only beautiful, she was also sexually attractive. Mukha nga lang walang idea si Yumi sa effect niya sa mga lalake pero that just made her even more desirable.

Dahil doon, I was on edge. Nakikita ko rin kasi ang mga nakasunod na mata sa kanya kapag dumadaan siya at may ilan na parang gusto nang pumorma. Hindi ko naman hahayaan na mangyari yun dahil, like I said, she's mine.

Alam kong nagiging irrational na ako pagdating kay Yumi samantalang kaka-meet pa lang namin at hindi ko pa siya ganon kakilala pero she had casted a spell on me at hindi ako makawala mula doon. Hindi ko rin sigurado kung gusto ko nga bang makawala but, I guess, that's just the spell talking.

Besides, makikilala ko rin siya nang husto soon. I would definitely make it happen.

Hindi naman tumigil si Yumi sa pagtakbo sa isip ko kahit nandito na ako sa studio. Malapit na ang concert series ng HNZ sa apat na countries sa Asia pero hindi ako makapag-focus sa pag-rehearse at sa paggawa ng set list. I've been looking forward to those gigs before pero ngayon, sa totoo lang, mas naaatat ako na umuwi at itanong sa guard na naka-station sa lobby ng Bonne View kung anong unit nag-se-stay si Yumi.

"Yo, Nate. Get your head in the game, bro," sabi ni Ben nang natapos kami sa pagtugtog ng isang kanta. "It's like we can see you but you're not really here."

"Next thing you know, pati dead people, nakikita na rin ni Ben," pabirong sinabi ni Jay.

Hindi naman natuwa si Ben sa banat na iyon ni Jay kaya tinaas niya ang isa niyang middle finger sa kaibigan namin na mapang-asar. Naalala ko na naman tuloy ang ginawa ni Yumi at bigla na lang akong natawa. Tumigil naman agad ang mga kabanda ko sa paglolokohan at binigyan nila ako ng curious na tingin.

"Seriously, Nate, what's up with you? You've been acting weird since you got here," tanong ni Jay.

Sinandal ko na muna ang gitara ko sa kalapit na pader at umupo sa tabi nito bago ko sinimulan ang pagkwento sa kanila tungkol sa babaeng sumisira ng utak ko.

"Did she really flip you off?" patawa-tawang tanong ni Ken nang natapos na ako.

"Akalain mo yun, may kahawig si Sam and she even gave you the finger," banat naman ni Jay sa tabi ko na obvious ang amusement sa mukha. "I would've paid good money to see that."

"Dang it. I should've taken Philosophy this semester para makilala ko rin siya," sabi naman ng disappointed na si Ben na nakaupo sa harap ko. "Well, we do have most of our classes together. It would be awesome kung kaklase rin natin siya sa subjects na 'yon."

Napangiti ako sa possibility na makikita ko si Yumi nang mas matagal sa school. "Yeah, it would."

"So, is she hot?" tanong ni Jay.

If I had to be objective about it, I would say I've seen girls who are prettier and sexier than Yumi. Pero, sa mga mata ko, mas angat siya sa kanilang lahat.

"Yeah, she's hot. She's incredibly gorgeous, actually."

Tinignan ko naman isa-isa ang mga kaibigan ko para mag-issue ng warning. I trust them with my life and I know they would never betray me pero kailangan ko pa rin sabihin ang mga sumunod na salitang lumabas sa bibig ko.

"Paalala lang, she's mine."

Nilagay naman ni Jay ang isa niyang kamay sa balikat ko. "Nate, no one in this room would ever pull a Dave on you, don't worry."

"Are you gonna be okay, dude?" tanong ni Ken na mukhang nag-aalala. "You said she looked like Sam..."

Hindi na tinuloy ni Ken ang sasabihin pero hindi na rin naman kailangan. Halata na wala pa rin sa amin ang nakakalimot sa mga nangyari noon.

It's weird, though. Dati, kapag naiisip ko si Sam, I could feel stabbing pain in my chest, lalo na tuwing binabalikan ko yung moment na nalaman kong wala na siya. I could still feel some pain ngayon na naaalala ko siya pero hindi sila ganon ka-intense. I couldn't tell if it was because the wounds she inflicted had finally healed o dahil masyado lang preoccupied ang utak ko kay Yumi para intindihin ang ibang bagay. Ano man ang dahilan, I'm relieved to know that I'm finally starting to move on.

"I'll be okay. Yumi doesn't look like Sam that much and, even if she does, they're completely different people," sabi ko sa kanila.

Tumayo na ako at sinabit na ang strap ng gitara sa balikat ko bago ko sila hinarap ulit.

"I won't get confused or whatever. Besides, it's not like I'd get serious with her."

A Rock Star's Guide To Getting The Promdi (A Girl's Guidebook #1.5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon