Tip No. 7 - Get To Know Her Better

1.5K 56 12
                                    

"We'll be home around noon tomorrow. Sunduin na lang namin kayo sa school then lunch muna tayo bago mag-Cavite. My treat," ang sabi ko kay Yumi sa kabilang linya habang nilalagay ang mga gamit ko sa duffel bag.

While my bandmates were out exploring the streets of Bangkok pagkatapos ng huling concert namin sa tour na ito, nagkulong na lang ako sa hotel room para mag-impake. Masyado pang maaga para gawin ito at marami pa naman akong time bukas, eight nang gabi pa lang ngayon at nine nang umaga pa ang flight namin, pero I was getting really agitated at ito lang ang paraan para mabawasan iyon kahit paano.

"Nagugutom tuloy ako, nasabi mo kasi ang lunch," sabi niya na may kasamang mahinang paghikab.

Sleepy Yumi was adorable pero kumunot ang noo ko sa narinig. "Hindi ka pa kumakain?"

"Umm... Kumain na yata. Pero parang hindi."

Natahimik siya nang ilang seconds, para siguro alalahanin kung alin doon ang tama, bago siya nagsalita na ulit nang may hint ng amusement sa tono niya.

"Hindi ko na maalala."

Pinapainit ng babaeng ito ang ulo ko pero, at the same time, she was making me smile like a freaking mad man. If she were here with me, hindi ko malalaman kung gugustuhin ko ba siyang kurutin o halikan. I would probably do both kung hindi siya titigil sa pagiging crazy cute.

"Bakit hindi ka sigurado?" tanong ko sa kanya. "Kung hindi mo maalala, ibig sabihin hindi pa. Mag-dinner ka na."

"Hindi na, bukas na lang. Nakahiga na 'ko sa kama eh."

Mabilis na pumasok ang ilang naughty ideas sa isip ko dahil sa huli niyang sinabi at naramdaman ko na lang ang biglang pagsikip ng pantalon ko. Tumigil ako sandali sa pagsiksik ng mga damit ko sa bag at naupo na muna sa kama.

"Hey, Yumi. What are you wearing right now?"

There was another short pause bago niya ako sinagot. "T-shirt at shorts. Bakit?"

Because I want to have a clearer picture of you in my head right now, that's why. Maybe if you could tell me kung anong type and color ng suot mong undies ngayon, that is, if you're wearing any, it would be awesome as fuck.

That was what I wanted to say pero nag-settle na lang ako sa isang safe at hindi perverted na sagot.

"It's nothing. Don't catch a cold, okay?" ang sabi ko na lang sabay pakawala ng isang buntong-hininga.

It's been two weeks since I last saw Yumi and I'm missing her terribly. I miss staring at her pretty face and I miss salivating over her kissable lips and her rocking body.

Hindi pa rin siya gumagawa ng account sa Facebook, Instagram o Twitter kaya wala akong picture niya kahit isa. Nagtitiis na lang ako sa paghugot sa memory ko ng itsura niya kahit alam kong hindi ito nabibigyan ng justice dahil she was way hotter in person.

Sana talaga, nag-start na kami sa History project bago ako umalis so I could, at least, have one photo of her kaso lang hindi na kinaya ng schedule at bukas pa, pagdating namin nina Ben, iyon masisimulan.

Well, at least, makikita ko na ulit siya at narinig ko nang madalas ang maganda niyang boses habang wala ako sa Pilipinas. Buti na lang talaga, tinanggap niya at ginagamit ang phone na binigay ko dahil mas nakilala ko siya nang husto ngayon dahil doon.

Yumi and I have been texting since that project meeting at the cafe two weeks ago at halos araw-araw ko siya tinatawagan nang nagsimula na ang Asian tour ng HNZ.

Noong una, madalas niyang maiwan ang phone niya sa condo dahil hindi pa siya sanay dito at ayaw niya itong mawala. Pero, matapos ko siyang sabihan at paalalahanan, dinadala na niya ito sa school at natatawagan ko na siya tuwing breaks.

A Rock Star's Guide To Getting The Promdi (A Girl's Guidebook #1.5)Where stories live. Discover now