CHAPTER 8

26.3K 760 8
                                    

Pagkatapos ng pictorial ay mga paper works naman ng Cassie ang trinabaho ko.

Maghahating gabi na ng makauwi kami ni Jaycee magkatabi lang naman ang unit ng condo namin kaya magkasabay kami laging umaalis at umuuwi.

Pagod na pagod na ako na halos nakatulog na ako sa sasakyan kaya ginising na lamang ako ni Jace ng makarating na kami sa condo.

" I think ako na munang bahala sa Cassie... mag focus ka na lang muna sa MGC, para naman makapagpahinga ka kahit papano." sabi ni nya.

Natuwa ako ng sinabi nyang yun, yun din kasi sana ang gusto ko kaya lang nahihiya akong iaasa ang lahat sa kanya.

" okey lang sayo...?"

" Baka sayo hindi okey kasi ipagkakatiwala mo sa akin ng tuluyan ang Cassie..."

" Nonsense.... kung pwede nga lang ang MGC ang gusto kong ibigay sayo kaya lang baka lalong dumami ang kalaban ko sa board, mahirap na madamay ka pa."

Ang nasa isip ko habang sinasabi yun ay si Kieser Gozon the most intimidating beast i ever known.

" Sigurado yun... so pano maghihiwalay muna tayo... kaya mo ba si Gozon...?"

" Dont worry kayang kaya ko ang terror na yun alam ko kung pano sya patitiklopin... dahil sigurado ako na hindi nya kayang iresist ang kagandahan ko..." At ngumiti ako ng mapangakit.

" Lovely Cassidy Lopez Mendrez... i' m warning you, don't play games with that man... hes to dangerous... i don't want to spent my lifetime in jail.... pangarap ko rin pong magkaroon ng sariling pamilya kaya wag mo akong gagawing kriminal parang awa mo na, coz i swear papatayin ko talaga sya oras na may ginawa syang hindi maganda sayo.."

" Don't worry jace magpapakabait ako para sayo."

Kinaumagahan ay maaga akong inihatid ni jace sa MGC... pagdating ko sa opisina ay naramdaman ko agad ang tensiyon sa mga empleyado.

Lahat naman ay binati ako ng good morning pero hindi ko maramdan na maganda nga ang umaga nila.

Malayo pa ako ay dinig ko na ang boses ni Kieser may kinagagalitan ito.

" I fired you already... why is it that your still here ?..." Sabi nito kay carol.

Ang kawawang babae naman ay halos sumayad na ang mukha sa mesa dahil sa pagkakayuko, at tila nanginginig pa ito.

Nagmamadali akong lumapit sa kanila...

" Stop that.... " galit na sabi ko.

" So there you are..." sa akin naman humarap ang parang leon na lalaki.

" yes i'm here... at ano sa palagay mo ang ginagawa mo ha...?"

" Ikaw ang dapat tanongin ko nyan, ano bang ginagawa mo ha... bakit hinahayaan mong magtsismisan ang mga empleyado mo sa oras ng trabaho... at ito tinanggal ko na sya kahapon bakit naririto pa rin sya..." nanlilisik ang mga mata nito.

" Mr Gozon ikaw na rin ang may sabi mga empleyado ko.... ibig sabihin ako ang boss nila kaya ako ang magdedesisyon kung sino ang tatanggalin at hindi ikaw.

" are you trying to tell me na inaalisan mo ako ng karapatan na magdesesyon sa kompanyang ito, baka nakakalimutan mo stockholder ako rito, kaya kailangan mo ring igalang ang mga desisyon ko."

" okey fine gusto mong tanggalin si Miss Carol.... go basta ikaw ang gagawa ng mga trabaho nya, ang that includes making coffee for me, running an errand for me and making things much easier for me..."

" no way... "

"Mr Gozon just to remind you also ako ang CEO at ang nagmamay ari ng 50% shares sa kompanyang ito and you being my assistan susundin mo kung anong ipinaguutos ko.... so iinsist mo pa rin ba ang pagtanggal sa kanya."

Napakuyom ito ng kamao.

" You're an evil woman..."

" at ikaw ano anghel...? kung ganun bakit ginagawa mong impyerno ang buhay ko at ng mga empleyado ko... kung gusto mong magkasundo tayo igalang ang posisyon ko at igagalang ko rin ang karapatan mo sa kompanyang ito... kung hindi mo kayang gawin yun... just name your price at ibibigay ko sayo." at tinalikuran ko na ito.

Hinanghina ako ng makapasok ako sa opisina ko, pakiramdam ko ay lumaban ako sa gyera na wala katiyakan ang panalo.

KIESER'S POV

Halos mawasak ang pinto ng opisina ko dahil sa lakas ng pagkakabagsak ko.... galit na galit ako, pakiramdam ko ay napahiya ako sa mga empleyado ng kompanya, for the first time naramdaman kong mapahiya.

Sinasagad talaga ako ng babaing yun... pero sa totoo lang hindi naman talaga ako sa kanya nagagalit kundi sa sitwasyon namin at sa sarili ko... hindi ko kasi matanggap na sa kaunaunahang pagkakataon ay may isang babaing kayang kayang idemoralize ako, kayang kayang gulohin ang sistema ko sa isang simpleng sulyap nya lang at higit sa lahat sa kaunaunahang pagkakataon ay may isang babaing hindi man lang natitinag sa presensya ko na kahit simpleng atraksyon ay wala man lang maramdaman sa akin.

Masanay kasi akong lahat ng babae ay nagkakandarapa sa akin na isang tingin ko lang ay kaya ko na silang pasunurin sa kagustohan ko, na kahit hindi ako magsalita ay kayang kaya ko na silang maikama.

Ang dami dami ng babaing nagdaan sa buhay ko pero ni isa sa kanila ay walang bumuhay sa pagnanasa ko tulad ng ginagawa sa akin ni Lovely Cassidy, maamoy ko lang ang pabango nya napapapikit na ako at ang mga labi nya ay parang druga na nakaka addict everytime na makikita ko sya gustong gusto ko syang ikulong sa mga bisig ko at halikan ng ubod tAgal hanggang sa kapwa na kami mangapos ng hininga.

Naisuntok ko ang mga kamao ko sa dingding.

Ano bang nangyayari sa akin para na akong mababaliw. Sa mga sandaling ito ay kaya ko yatang gawin o itaya ang kahit ano mapasa akin lang lang si Lovely Cassidy.

Makalipas ang ilang oras ay bumalik na sa katinuan ang sistema ko.... isang plano ang nabuo sa isipan ko... kung hindi ko sya kayang makuha sa tagisan ng tapang kakainin ko na lang lahat ng pride ko makikipagkasundo ako sa kanya magpapakabait ako, hanggang sa makuha ko ang gusto ko sa kanya.

Inayos ko ang sarili ko, at inipon ang lahat ng lakas ng loob na meron ako, tinungo ko ang opisina nya, kumatok ako, ng walang sumagot ay pumasok na ako.

Hindi ko inaasahan ang nakita ko hindi ang isang matapang na babae ang sumalubong sa akin kundi ang isang tulog na tulog na CEO.

Nakaunan ito sa mga braso nya na nakapatong sa mesa may hawak itong ballpen at nagkalat sa mesa ang mga papel na puro mga transaction ng MGC na kailangan nyang ireview at pirmahan, umupo ako sa upuan sa harap ng mesa nya at pinagmasdan sya habang natutulog.

Mukha syang anghel kapag natutulog, parang napakabait at hindi makabasag pinggan, kabaliktaran kapag gising sya, na daig pa ang isang bomba na nakahandang sumabog oras na masaling mo.

Ilang minuto ko na syang pinagmamasdan ng kumilos sya akala ko ay magigising na pero hindi ininat nya lang ang braso nya na mukhang nangangalay na dahil sa nauunanan nya, noon ko naalala ang silid sa loob ng opisinang iyun.

May silid doon si tito luiz na ginagamit nyang pahingahan sa tuwing napapagod ito.

Tumayo ako at binuksan ang pinto sa kaliwang bahagi ng opisina nakita kong malinis ang silid at ang kama.

Linapitan ko si lovely para sana gisingin at palipatin sa kama pero tulog na tulog ito kaya binuhat ko na lamang ito, bigla itong yumakap sa akin, biglang nag alburoto ang sistem ko lalo na ng malanghap ko ang napakabangong amoy niya.

" Hi jace... thanks your here... " Nakapikit sya habang nagsasalita.

Napagkamalan nya akong ang boyfriend nya, parang gusto ko syang bitiwan at ibagsak, pinigilan ko lang ang sarili ko, ng maihiga lo sya sa kama ay umayos sya ng pagkakahiga.

" Ikaw na munang bahala sa trabaho ko please idlip lang ako...napagod kasi ako sa pakikipagaway sa leon." sabi nito na nakapikit pa rin, at bumalik na muli sa pagtulog.

Napagod daw sya sa pakikipagaway sa leon, kung ganun yun pala ang tingin nito sa akin, hindi ko napigilang matawa, ganun ba ako katapang para ikumpara nya sa isang leon, kung leon ako sya naman tigress beautiful but dangerous.

WANTED PERFECT FATHERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon