CHAPTER 23

24.4K 700 3
                                    

Ng makauwi kami ng condo ay ipinagpatuloy ko ang pagtingin sa mga design ni kylee, nakasalampak ako sa sofa nakaupo ng parang buddah. Tumabi sa akin ang bagong ligong si kieser, nauna na ako sa kanyang maligo kaya nakabihis na ako ng damit pantulog, isang manipis na spagheti strap na napakaikli na night dress ang suot ko. Nagsimulang maglambing si kieser, he planted a sweet butterfy kisses on top of my shoulder.

" babes.... tulog na tayo.." sabi nito.

" sandali na lang babes...'

Mula sa balikat ay gumapang ang mga labi nya patungo sa batok ko.

" sky... ano bang ginagawa mo.?"

" sige lang ipagpatuloy mo lang yang ginagawa mo wag mo lang akong papansinin at may gaGawin din ako dito."

Mula sa batok ay paibaba naman ngayon sa likod ko, tinanggal niya ang pagkakatli ng strap ng damit ko kaya unti unti iyong nalaglag sa may beywang ko wala na akong suot na bra kay nalantad ang dibdib ko.

" sky babes ano ba nasa sala tayo." sabi ko.

" pinalitan mo na naman siguro ang password ng pinto, di ba...

" oo naman."

" so...pwede kahit saan."

Muli nya akong hinalikan sa likod, habang ang isang kamay nya ay nasa isang dibdib ko, napapikit ako sa kakaibang sensayong hatid ng ginagawa ni kieser ng napatigil siya naramdaman kong may sinasalat sya sa gitna ng likod ko."

" whats this ?" tanong nyA.

Tila ay bigla akong binuhusan ng malamig na tubig, natigilan ako.

" napaso ng plaNtsa noong bata pa ako." sabi ko.

" ang laki nito ah...anong nangyari,?"

" aksidente... wag na nating pagusapan..." at iniaayos ko ang damit ko para matakpan ang pelat sa likod ko.

Niyakap ako ni kieser.

" I'm sorry... okey wag na nating pagusapan naitanong ko lang naman kasi meron din ako nyan... mas malaki pa dyan sa tigh ko siguro naman nakita mo na yun at hindi ko makakalimutan kung gaano kasakit yun... tapos itong sayo hindi ko maimagine kung gaano kasakit to."

" walang wala sa kalingkingan ng sakit kung papano ko nakuha yan." tumayo ako at parang dvd player na pinindot yung rewind ay muling nagbalik sa alaala ko kung papano ko nakuha ang pelat na yun.

" hindi kita maintindihan..." sabi ni kieser.

" nakuha ko to noong ten years old pa lang ako, noong araw na mamatay ang mommy ko."

Humarap ako kay kieser at pilit na kinalma ang sarili ko.

"Ng umagang iyun nagising akong nagaaway na naman sina mommy at daddy tulad ng madalas mangyari, kaya nagtakip na lang ako ng unan sa tainga, ilang sandali lang may narinig akong putok hindi ko alam kung ano yun, tapos narinig kong sumigaw si daddy, tumakbo ako papunta sa kwarto nila tapos...." unti unti ng nababasag ang tinig ko kasabay ng panginginig ng katawan ko.

" tapos nakita ko si mommy duguan habang kalong ni dad tapos nakita ko si daddy may hawak na baril, " tuloyan ng tumulo ang mga luha ko, agad akong niyakap ni kieser.

" takot na takot ako noon kaya tumakbo ako ng tumakbo patungo sa kwarto ng yaya ko na namamalantsa sa sobrang bilis ng takbo ko nabungo ako sa patungan ng plantsa natumba iyon at nahulog ang plantsa sa likod ko..."

" tama na babes... tama na..."

Napahagolgol na ako.

" Ang sabi nila aksisente ang nangyari hindi sinasadyang mabaril mi daddy si mommy... pero sa mata ng isang 10 years old na bata sa palagay mo kaya katanghap tanggap ang paliwanag na yun alam ko kung ano ang nakita ko kies... aksidente man o hindi pinatay nya pa rin ang mommy ko... pinatay nya kies... pinatay nya..." halos nagecho sa buong silid ang pagiyak ko. Panay ang haplos no kieser sa likod ko.

" tama na please... tama na..."

Ang mainit na yakap ni kieser ang unti unting nagpakalma sa akin, panay ang hagod at halik nito sa ulo ko, hanggang sa tuluyan na akong kumalma.

" sorry about that..." sabi ko.

" sorry din dapat kasi hindi na lang ako nagtanong."

" its okey kahit papano gumaan ang pakiramdam ko kasi wala na akong sekreto sayo, alam mo na ngayon kung bakit hindi kami close ni lord."

" yah..."

Humarap ako kay kieser tiningnan ko siya sa mata.

" kieser ayaw kong mangyari sa akin ang nangyari sa mommy ko, kung ayaw mo na sa pagsasama natin sabihin mo lang and i will let you go... hindi kita pipigilan tulad ng ginawa ni mommy kay dad, lagi Ko silang naririnig nagaaway gusto ng makipaghiwalay ni daddy kay mommy pero hindi pumapayag si mommy kaya ayun... hinding hindi ko yun gagawin sayo... your free to go kahit anong oras..."

Hinawakan ako ni kieser sa mukha.

" what if i dont want to go... what if i want to be with you for the rest of my life... ipagtatabuyan mo ba ako."

" kung pareho ba tayo ng gusto bakit ko gagawin yun.... pero bakit mo naman yun gugustohin alam naman nating pareho na ako lang ang may mapapakinabang sa kasalang ito."

" papano kung sabihin ko sayong gusto kong magsama tayo habang buhay..."

" bakit...?" tanong ko.

" dahil mahal kita."

Parang nakarinig ako ng libulibung anghel na nagaawitan

mula sa langit, pero sinabi ko sa sarili ko imposible.

" ayaw ko ng ganyang biro kieser Gozon."

" hindi ako nagbibiro Mrs Gozon. Mahal kita mula pa lang noong unang araw na nakita kita sa studio 5."

" kieser..." hindi ako makapaniwala sa sinabi nya.

" Sa palagay mo bakit ako nasa LA ng araw na yun.?"

" busseness trip sabi mo."

" Hindi.... dahil yun sa sinabi sa akin ni jaycee ang plano mo.... noong una inutusan nila ako na sundan ka sa LA sabi ni jaycee kapag inalok mo raw ako ng kasal o kaya one night stand or sex wag daw kitang tatangihan, hindi ako pumayag kahit yun na yun ang gusto kong mang yari gusto kong pakasalan ka na mapasa akin pero gusto ko in proper way yung liligawan kita, magiging girlfriend saka tayo magpapakasal, then sabi ni jaycee pumayag lang ako sa gusto nilang mangyari ibibigay sa akin ng daddy mo ang kalahati ng kanyang kayamanan... " bigla akong kInabahan sa sinabi ni kieser.

WANTED PERFECT FATHERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon