CHAPTER38

16.6K 456 3
                                    

Ang sumunod na linggo ay naging napaka busy para sa amin ni cassie, lalo na sa kanya, inilabas na kasi sa mga magazines at dyaryo ang mga damit na irarampa ng mga modelo nya sa darating na international fashion show sa paris at kasabay nitong bumandera sa publiko ang mukha at katawan ko kaya naman ang dami kong natatanggap na tawag at text pati social media account ko ay napuno na rin ng post, may mga nagtatanong kung ako ba talaga yun, may nagkocongratulate, may mga humahanga at meron din namang nangaasar, tulad na lang ng kausap ko ngayon sa cp na si carl.

" Hanip tol... tulo laway ang mga kababaihan at kabaklaan sayo...shit! pati kami napanganga...." alam kong may kaunod pa ang sinasabi ni carl kaya hindi muna ako nagsalita.

" sa ka partner mo." thats it sinasabi ko na nga ba.

" asawa ko na yun tol kaya wag nyo ng pagnasaan okey..." sabi ko, nasabi ko na rin kasi sa kanila ang tungkol sa kasal namin ni cassie.

" putik ka talaga tol ang bilis mo... alam mong marami kang kaagaw sa kanya no."

" mahirap na maunahan ng iba... kumusta na nga pala ang mga bar natin ilang araw na rin akong hindi nakakapagikot busy kasi nagiisa akong ngpapatakbo ng mgc ngayon busy kasi ang asawa ko sa cassie."

" mabuti at naitanong mo yan tol, laging punoan ang mga bar natin mula ng ipakilalang modelo ng cassie si KG ang daming nagrerequest na magperform ang banda natin willing silang magbayad ng mataas na entrance fee para lang mapanood tayo.

" not now tol... busy pa kasi talaga baka sa weekend kapag nakaluwagluwag kami sa trabaho ni cassie."

" aasahan namin yan.. at syanga pala may mga lumalapit na rin sa aming mga producer ng show at concert ang taas ng offer nila tol... at meron pang recording company... hindi na lang tayo aa youtube sikat ngayon lahat na yata ng uri ng media ay pinaguusapan na ang banda natin, lalo na ikaw, sumasabay na sa kasikatan ni lovely lopez ang pangalan mo."

" wala na akong panahon para sa mga iyan tol, masyado na akong busy sa mga negosyo ko at may asawa na rin ako na mas nangangailangan ng panahon ko."

" ibang level ka na talaga tol... parang gusto ko na rin tuloy sumunod sayo, para kasing ang sarap pakinggan nung salitang asawa ko."

" bago mo gawin yan tumino ka muna... sya sige na ang dami ko pang trabaho... ikaw na.munang bahala sa bar ha... babawi na lang ako."

Pagkababa ko ng telepono ay sya namang pagbukas ng pinto ng upesina ko, at ang babaing pinaguusapan namin ni carl ay nasa harap ko ngayon, she look so beautiful, so sexy and so hot..wow... at aaminin ko hanggang ngayon mahigit isang buwan na kaming magasawa pero kumakabog pa rin ang dibdib ko sa tuwing makikita ko ang babaing ito.

" hi... babes...bakit ganyan ka makatingin ha.?" sabi ni cassie.

" what a beautifulsight to behold."

" alam kong maganda ako kaya wag mo na akong bolahin." lumapit ito sa akin at umupo sa kandungan ko, at binigyan ako ng isang mainit na halik.

" so..what brings you here.?" tanong ko sa kanya matapos bumalik sa normal ang paghinga ko.

" babes may presscon kami ni jace mamaya, nag rerequest ang press na pumunta ka rin."

" no..."

" babes ang dami nilang gustong itanong sayo, specialy yung tungkol sa totoong relasyon natin, ang gusto ko sana ikaw ang sumagot sa personal na issue tungkol sa atin."

" why me... bakit hindi na lang ikaw.?"

" sky...ang dami dami ng lumabas na isyu tungkol sa akin, ang iba roon ay hindi magaganda, at hindi totoo, alam ko na kapag ako ang nagsalita ng tungkol sa atin, iisipin ng iba na nagmamalinis ako, na gusto ko lang linisin ang image ko na sinira ng gagong hanz na yun."

" i dont get the point.?"

Tumayo si cassi mula sa kandungan ko ay umopo sya sa mesa paharap sa akin.

May lumalabas ng isyu tungkol sa tunay na may ari ng cassie at MGC.... thats me... at ang mga lumabas na balita tungkol sa akin this fast few weeks ay hindi maganda sinasabi nila na nakipagrelasyon ako sa dalawang lalaki ng sabay thats hanz and you ang mga netizine ay sinasabing malandi ako, social climber manggamit at kung anoano pa... actually wala naman talaga akong pkialam kung anoman ang sabihin nila tungkol sa akin hindi naman sila nakakasagabal sa paghinga ko ang kaso kakabit ng pangalan ko ang dalawang kompanya at hindi maganda ang magiging epekto nito para sa cassie at mgc."

" okey i get it... i do it... actually noon ko pa talaga to gustong gawin kaya lang akala ko ayaw mong makialam ako sa isyung to."

" dahil ayaw kong madamay ka sa gulo ng mundo na meron si Lovely Lopez."

" baka nakakalimutan mo na yang Lovely Lopez na yan ay asawa ko kaya damay ako sa ayaw at sa gusto mo..."

" hay naku parang gusto ko na tuloy maglaho si Lovely Lopez."

" eh di ilabas natin si Lovely Cassidy Mendrez Gozon." sabi ko.

Tumingin sa akin si cassie.

" okey lang sayo...?" tanong nito.

" ako pa talaga ang tinanong mo nyan, alam mo bang noon ko pa gustong ipagsigawan yan sa buong mundo."

" pero maapektohan ang social life mo, mababawasan ang mga fans mong babae dahil malalaman nilang may asawa ka na, "

" eh di mas maganda para sayong sayo na lang ako."

" so pano sino ang haharap sa press mamaya si KG or si kieser.?"

" both."

CASSIE'S POV

Nauna kami ni jaycee na dumating sa hotel na pagdaraosan ng press conference, pagaari ng MGC ang hotel kaya well accomadated ang lahat.

Maraming camerang nakatotok sa amin ni jace, nakahawak ako sa siko ni jace, suot ko ang isa sa mga creation ko na long dress, panay ang flash ng mga camera, wala pa si kieser, pero tumawag sya sa akin papunta na raw sya.

" okey ka lang..?" bulong sa akin ni jace.

" oo naman...nenerbiyos ako para kay kieser... first time nya itong haharap sa media na hindi tungkol sa negosyo ang paguusapan."

" magtiwala ka sa asawa mong yun magaling yun sa lahat ng bagay."

Naupo na kami ni jaycee sa upuan na nakalaan para sa amin sa mesa ay nakapatong ang maraming microphone.

Biglang nagkagulo sa loob ng silid lahat ng camera ay nakatotok sa may pinto, ng mahawi ang mga media may isang napakagwapong nilalang na papalapit sa amin.

" sara mo yang bibig mo baka makunan ng camera nakakahiya." bulong sa akin ni jace.

" asawa ko ba talaga yan bakit ang gwapo naman yata nyan.." ganting bulong ko kay jaycee.

" wag ka ng magtaka kung paglabas natin dito pinagaagawan na yan ng mga babae."

" i swear jace mangangalbo ako ng babae para sa lalaking yan."

Biglang natawa si jaycee sa sinabi ko. Nagkamay si jayce at si kieser, tumayo rin ako para makipagbeso kay kies pero sa halip na sa pisngi ay sa lips ko ito humalik dampi lang naman pero napa oh... ang mga media.

WANTED PERFECT FATHERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon