CHAPTER 16

25.9K 768 11
                                    

CASSIE POV

Habang naghihintay ng flight namin ay hindi mawala sa akin ang labis na pagaalala... kahit sabihin pang galit ako kay lord... daddy ko pa rin yun... at ayaw ko pa rin namang mawala sya sa akin.

Kahit hindi naman kami niyon magkasundo ay hindi nya naman ako pinabayaan, gamit ang pera nya... pero pinatay nya si mommy... napasandal ako sa sandalan ng upuan ko, ipinikit ko ang mga mata ko, nabubuhay na naman ang galit sa puso ko.

" Lovely.... i know its you." sabi ng isang boses ng lalaki, pagdilat ko nakita ko ang isang pamilyar na mukha hindi pala isang sikat na mukha pala, lagi ko kasing nakikita ang mukha nya sa TV, dyaryo, magazines at mga billboard, si Hanz Arevalo ang ex-boyfrend kong gago, dating model at ngayon sikat na artista.

Tiningnan ko lang sya, hindi ako nagsalita, wala si Kieser bumili ng pagkain namin, dahil hindi na kami nakakain dahil sa pagmamadali.

" Hey that hurts.... your acting as if you dont know me, para naman tayong walang pinagsamahan." sabi nito na umupo sa tabi ko.

" Get lost Hanz..." sabi ko.

" Hey... bakit ba ganyan ka.. dont tell me bitter ka pa rin sa nangyari sa atin love... dalawang taon na ang nakakalipas... pero kung hindi ka pa rin maka get over bakit hindi natin balikan." sabi nito na unti unting inilalapit ang mukha sa akin, ako naman ay pilit na inilalayo ang mukha ko sa kanya.

" I still love you.. lovely at nagsisi ako kung bakit nagawa ko yun sayo."

" pak!" isang malakas na sampal ang pinakawalan ko na dumapo sa pisngi ni Hanz.

Bigla itong tumayo at akmang hahablotin ako ng may biglang humawak sa kamay niya at pinilipit iyun... si Kieser.

" Touch her and your dead ." galit na sabi ni Kieser.

" Bitiwan mo ako ano ba... sino ka ba bakit ka nakikialam...? hindi mo ba ako kilala, .?"

" Hindi talaga.... tulad kung paanong hindi mo rin ako kilala so dont mess up with my woman kung ayaw mong pulutin sa kangkongan."

Nakita kong halos mamutla si Hanz, pano ba naman nakapilipit pa rin ang kamay nya.

" let him go sky... isa lang yang walang kwentang tao na lumaki ng husto ang ulo." sabi ko.

Binitiwan ito ni Kieser.

Tiningnan ako ni Hanz.

" Hindi pa tayo tapos lovely... magiging akin ka uli." sabi nito.

" In your dream asshole." sabi ko.

Umalis na si Hanz.

Umupo sa tabi ko si Kieser na nakangiti, iniabot nito sa akin ang binili nyang pagkain at kape.

" Para kang hindi CEO ha."

" Nakakapag init ng ulo ang gagong yun eh..." sabi ko.

" psshh.... wag kang mag mura hindi bagay sayo."

" sorry...."

" sino ba kasi yun..?"

" di nga hindi mo talaga kilala yun...?"

" literaly yes... paborito kasi yun ng kapatid ko pero sayo... sino ba sya.?"

" ex ko lang naman ang gagong yun."

" psshh... ayan ka na naman."

" sorry naman... hindi ko talaga mapigilang magmura kapag pinaguusapan yun."

" bakit ano bang ginawa nya sayo at galit na galit ka.?"

" pinadalhan nya lang naman ako ng sex video nila ng another gf nya dahil hindi ako pumayag na makipag sex sa kanya."

" asshole nga.... sana sinabi mo sa akin kanina pa para hindi lang kamay nya ang pinilipit ko kundi pati leeg nya."

" see eh di pati ikaw napamura."

" akala nya kasi sya na ang pinaka gwapong tao sa mundo eh walang wala naman sya sa kalingkingan mo."

" oh.... sinasabi mo bang gwapo ako...." naka ngiting sabi ni kieser.

" sinabi ko ba yun.?"

" narinig kita sabi mo walang wala sa kalingkingan ko ang lalaking yun.... wag mong ideny"

" fine... kaya nga ikaw ang napili kong maging tatay ng magiging anak ko diba."

" brilliant choice ." muli itong ngumiti at niyakap ako.

" hoy bawal ang PDA baka may makakita sa atin." sabi ko, pero ang totoo gustong gusto kong makulong sa mga bisig nya.

Sa eroplano ay pinagusapan namin ni kieser ang magiging set up namin pagdating sa pilipinas, since walang dapat makaalam na mag asawa na kami ay kailangan naming magkunwari.

Gabi na ng makarating kami sa NAIA sinundo kami ng company car at deretso na kami sa hospital, nasa private room na si lord naabotan namin doon si jaycee agad kaming nagyakap.

" how is he..? "

" okey na sya masyado lang daw nagalala kaya inatake..." sabi ni jace.

" thanks ha... pati ikaw naabala pa." sabi ko.

" wala yun... "

Bumukas ang pinto at pumasok si kieser naiwan kasi ito sa labas dahil may kinailangang sagutin na tawag.

Tiningnan ito ng masama no jace.

" dito ka lang... maguusap lang kami nito." sabi ni jaycee na itinuro si kieser.

" jace..." sabi ko.

" wag kang magalala, wala akong gagawin sa kanya... kakausapin ko lang... bantayan mo muna yang si lord may iniutos lang ako sa personal nurse nya, pero babalik na rin yun."

At naiwan nga ako kasama si lord, matama kong pinagmasdan ang matandang nakaratay sa kama... mukhang napakahina nya hindi ko inaasahan na makikita syang ganito, kilala ko kasi sya sa pagiging matapang, strikto at firm. kahit paulit ulit ko mang sabihin sa sarili lo ay hindi ko maitatanging sya ang ama ko na kahit kaylan na kahit kaylan ay hindi ko naranasang maging ama sa akin.

KIESER POV

"Anong nangyari sa pinagagawa namin sayo..?'

" hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin sayo kasi kasama to sa agreement na pinirmahan namin.... pero sige dahil karapatan mo ring malaman ang tungkol dito, hindi mo naman siguro sasabihin sa kanya na sinabi ko sayo."

" kung sasabihin mo sa akin patas na tayo, may alam ka na hindi mo dapat sabihin sa kanya at may alam din ako na hindi nya dapat malaman."

Ipinakita ko sa kanya ang singsing na nasa kwentas ko.

" we just got married."

" thats better at least makakahinga na ako ngayon ng maluwag.... pero hindi ko sinasabing gusto na kita para sa kanya.... i still watching your back GoZon... wag na wag mo syang sasaktan at paiiyakin dahil kaya kong pumatay para sa kanya." may pagbabantang sabi ni jaycee.

" nakahanda akong mamatay para sa kanya..." sabi ko naman.

" patunayan mo."

" pero hindi kaya nagiging unfair tayo sa kanya... ang dami nating inililihim sa kanya."

" i know... pero isipin na lang natin na ginagawa natin to para sa kanya... so panong setup nyo, saan sya titira...?"

" sa condo pa rin nya... not unless okey lang sayong sa bahay ko sya titira."

" hindi.... may pangalan at reputasyon sya na kailangang pangalagaan. hanggat gusto nyong ilihim ang tungkol sa kasal nyo hindi kayo pweding magsama."

" this is so hard for me..." sabi ko.

" mag tiis ka nagpakasal ka sa babaing ang daming issues sa buhay."

WANTED PERFECT FATHERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon