Chapter 5

4.3K 168 3
                                    

Cassie's POV

What to do? Baka makita niya ako at magtaka yun kasama ko pa naman si baby... Duh isang nerd at mukhang mahirap kuno nagdadrive ng ganitong klaseng bike? huhu lalong magtaka yun.

Pero kung hindi na ako makikialam siguro wala ng problema hehe. Maraming beses ko naman siyang natulungan eh siguro sapat na yun. Uuwi na nga lang ako...

Sakto naman nung sumakay uli ako ky baby biglang sumigaw si Miss Althea.

"Stay away from me bastards!!!" sigaw ni Miss Althea habang humahakbang paatras.

May tatlong lalaking adik siguro ang nakapalibot ngayon kay Miss.

"Naku Miss byutipol sumama ka na samin nakakalungkot dito oh" Kadiring sabi nung kalbo.

Mukhang wala akong choice kundi tulungan si Miss Althea. Sinuot ko helmet ko tas pinaharurot papunta kina Miss Althea...

Althea's POV

Walangyang lalaki yun!! Siya na nga ang nanloko sakin may gana pa siyang iwan ako ! Ugh!!

Earlier in the car...

"How dare you?!! You jerk!!" galit na galit na sabi ko sa wlangya na 'to habang pinaghahampas pa.

"Althea! Stop it!!! I'm driving!!! Maaksidente pa tayo!"

"I'm breaking up with you!!! Wala kang kwenta!!!"

"Ok fine!!!" aba nakakainis na talaga tong lalaki to. Sarap sakalin ughh!!!

Pinark niya yung kotse sa katabing kalsada. Lumabas na ako kasi baka mapatay ko pa ang hayop na yun.

Lumabas rin pala ang gago.

"Athea look you know na I love you so much..."

"YOU love me?! Mahal mo ako sa lagay na yan?! You cheated on me!!!"

"Masisisi mo ba ako?! Kung binigay mo lng sana ang sarili m--- " PAK!!! hindi ko na ipinagpatuloy ang sasabihin ng walang kwenta.

"So katawan ko lng pala habol mo?!" hindi ko napigilan sarili ko pinaghahampas at pinagsasampal ko siya.

"YOU'RE IMPOSSIBLE! Dyan ka na nga!!" aba tong gago na to aa iiwanan pa ako.

"OK FINE! I DON'T CARE YOU JERK!"

At ayun na umalis na siya at iniwanan akong nag iisa. Tsk. Pano ko ba minahal yun?

Naiwan pa phone ko at wallet lintik ugh! pano na ako makakauwi neto? Nanghihina na ako ng dahil sa bwisit na lalaki yun! umiinit talaga dugo ko ugh!!!

Wala na akong magagawa kundi umupo na lng at mag emote...
.
.
Ilang saglit pa may lumapit na tatlong nakakadiring lalaki. Mga adik to malamang.

Tumayo na ako atsaka magpapakalayo na dito. Hindi maganda ang pakay nila.

Nilapitan pa rin ako nung kalbo.
"Naku Miss byutipol sumama ka na samin nakakalungkot dito oh"

Ang manyak pang tumingin ng mga kasama niya.

Akmang hahawakan niya ako nung sumigaw ako "Stay away from me bastards!!!"

"Uy imported tong isa na to aa" sabi ng isa na naninigarilyo.

Humahakbang ako papalayo sa kanila pero pinalibutan nila ako. Mejo madilim pa sa street na pinag iwanan ako.

Sana man lng inihatid niya muna ako sa bahay. Tsk. Napakawalang kwenta walang modo.

Malapit na sila ng may nakakasilaw na ilaw ang dumating. Mejo napaatras ako tas yung mga lalaki naman parang nabulag. Mukhang sa dilim lng sila sanay sabagay mga adik adik.

Biglang huminto na isang ducati sa harapan ko.

"Sakay na!!!" sigaw nung rider na nakahelmet.

"H-huh?" takang tanong ko. Hindi ko kilala to.

"Now!" nataranta naman ako kasi yung mga lalaki kanina ay mabilis na papalapit.

Wala akong choice kundi sumakay. Bahala na si Spiderman.

Ayokong may makakuha ng first ko kahit nga sa boy-- este ex ko. Mas ok ng mamatay ng virgin.

Nang nakasakay na ako pinaharurot agad nung rider ang big bike. Napakapit ko wala sa oras sa kanyang bewang. Pakiramdam ko parang lilipad na kami sa bilis magpatakbo ng rider na to.

Katapusan ko na siguro sabi ko sa isip ko.

Pero pansin ko lang, base kasi sa pagkakahawak ko sa bewang ng rider na to masasabi kong babae siya. Babae ang hubog ng katawan eh.

Ilang saglit pa huminto na kami. Medyo matao na at may mga buildings na dito sa hinintuan namin.

Bumaba na ako kasi nakakatakot siyang magdrive. Ayaw ko ng umulit huhu.

"Who are you?" tanong ko dito.

"Wala mn lng thank you?" sagot niya na nakahelmet pa pero alam kong boses babae.

"tsk did I tell you to help me?" Sabi ko naman dito.

"Sabi ko nga eh... oh eto pera umuwi ka na" Binigyan niya ako 1000 peso bill.

Napataas naman kilay ko. "You think wala akong pera?! Kinaaawaan mo ba ako?" kahit totoo niyan wala talaga akong pera. Ayaw ko lng talaga na kinaaawaan.

"Uhm Yes and No? tinutulungan lng naman kita Miss. Kung ayaw mo edi wa- -" bago niya pa matapos sentence niya kinuha ko na agad ito. Bahala na basta makauwi lng ako.

"Don't worry I'll pay you back thrice of its amount. Tsk"

"Wala mn lng talagang kahit konting 'Thank you'? ok lng na hindi mo na ako bayaran hehe" tinignan ko lng siya.

"Hehe oo nga sabi ko eh hindi ka naman humingi ng tulong..." 

Aalis na siya ng pinigilan ko. "What's your name? Pano kita mababayaran?" tanong ko dito.

"Hindi na kailangan Miss" itinaas niya yung salamin ng helmet niya tas kita yung mga mata niya. Kulay forest green ang mga mata niya...

Nagagandahan ako sa mga mata niya kaya napatitig ako dito.

"See you in the future again Miss" tas kumindat pa ito.

Bigla na lng ako napahawak sa dibdib ko... Ano ba 'to? Ba't k-kakaiba yung feeling?...

"See you in the future again Miss"

"See you in the future again Miss"

"See you in the future again Miss"

Parang echo lng yung sinabi nia sa akin...Paulit ulit nagrereplay sa utak ko.

Sana nga green-eyed hero.

__________________

Nakauwi na ako ng maayos. Pagdating ko sa bahay agad akong nagtungo sa silid ko at nagshower.

Ano naman maaasahan ko dito? Na may sasalubong sakin na magulang? Tsk. Mas mahal pa nila ang business kesa sa sariling anak nila.

But still I miss them...

Cassie's POV

Niligtas ko na naman muli si Miss Althea. Sana naman maging maayos na siya at mag iingat siya sa pag uwi.

Pagkauwi ko naghahanda na ako para magshower...

Habang nagshoshower tinatanong ko sarili ko,

"Bakit ko ba siya nililigtas? Maybe I'm just concered...Yun lang"





______________
A/n: 

Patayin niyo na ako guys xD :P


The Secret HeirWhere stories live. Discover now