Chapter 16

5.4K 200 65
                                    

Cassie's POV

One week had passed since that party. One week na ding hindi ko ginagamit ang baby ko dahil mahirap ng masundan na naman nina Althea.

Pinark ko muna ito sa likuran ng bahay at siyempre itinago ko ito para walang makapansin dito.

Pagpasok ko ng school, sorry ako ng sorry kay Rose nang makita ko sya dahil bigla na lang akong nawala nung gabing iyon. Buti naman pinatawad niya ako pero mahabang sermon naman ang natanggap ko sakanya.

Nung mga nagdaang araw din magkakasama kaming lima sa paglulunch dun sa garden. Mas prefer daw nila na kami ang makasama kaysa ang kumain dun sa cafeteria.

Nagiging close na din kaming lima at ang dami rin nilang tanong tungkol sa akin.

Well technically, ang kambal talaga ang nagtatanong ng marami at nakikisali na lang din si Rose pero si Althea tahimik lang na nakikinig sa amin.

They're really persistent to really know the real me pero magaling akong umiwas at magtago ng katotohanan.

****

Weekend na naman so I decided to visit my grandma this afternoon since tinanghali ako ng gising. Inimbitahan akong gumala nina Rose but I politely declined.

"Hi baby, namiss kita. Ako ba namiss mo 'ko?" Para akong timang na kinakausap ang big bike habang kinukuha sa pagkakatago nito.

Sinuot ko na ang aking helmet at saka ko naman pinaandar ang baby ko. Excited na ulit akong gamitin ito kaya naman medyo napabilis ang takbo ko.

Luckily, wala naman masyadong sasakyan sa dinaanan ko papunta kina grammy.

Nang malapit na ako sa gate ng bahay ni grammy, itinaas ko ang aking helmet at tumingin sa security camera. Walang masyadong guard but matindi ang technical security ng buong bahay.

Bumukas naman ang gate automatically at nagdrive na ako papasok. Pinark ko ang baby ko at excited na pumasok bitbit ang helmet ko.

Grineet naman ako ng mga kasama ni grammy sa bahay nang makapasok ako.

"Young lady, buti naman nakadalaw kayo rito. Siguradong matutuwa ang lola niyo pag nakita kayo." Saad ni Heidi na Secretary/Personal Assistant ni grammy.

Pinasundo ako ni grammy sakanya so sinusundan ko sya dahil ihahatid niya ako kung nasaan si grammy.

I heard she's in her late twenties at kapag makita mo siya, her aura is very intimidating. Palagi na lang kasi siyang seryoso and uptight kapag nakikita ko ito.

"Kamusta naman si grammy Ate Heidi?" I glanced at her and she's kinda shocked na tinawag ko itong ate but composed herself quickly.

"Okay naman po siya Young Lady, bukod sa namimiss niya daw ang kanyang paboritong apo."

"Si grammy talaga, ako lang naman ang apo niya eh." We chuckled.

Nakarating na kami kung saan si grammy. Nakaupo ito sa paborito niyang pwesto sa gilid ng pool at parang may kausap ito sa phone.

"Well, thank you for doing your job..." I heard her say bago niya ito pinatay.

Grammy saw me so she stands up and gestures me to hug her. Inakap ko naman kaagad ito.

"Namiss kita apo, kamusta naman ang pagstay mo dito sa Philippines?"

"Namiss din kita grammy. It's quite eventful actually, andami kong nakilala na iba't ibang personality..." umupo kami ni grammy at nagkwentuhan lang buong maghapon.

****

"Why don't you stay here for a night? O di kaya every weekend dito ka matulog sakin?" Offer ni grammy sakin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 25, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Secret HeirWhere stories live. Discover now