Chapter 14

2.6K 121 3
                                    

Cassie's POV

"Cass! Kanina ka pa ba nanjan? Sabi sayo susunduin na kita sa bahay niyo eh." Sabi ni Rose pagkababa niya kaagad sa sasakyan niyang mini cooper. She looks so cute in her pink cocktail dress habang ako naman nasa usual black skinny jeans and white tee na pinatungan ng denim jacket.

Nandito ako ngayon sa labas ng school nag aantay kanina na dumating si Rose kasi sabay kaming pupunta sa party. Hindi ako pumayag nung alukin niya akong susunduin sa bahay ko. Hindi niya dapat malaman pati na rin kung sinuman kung saan ako nakatira.

"Nah hindi naman. Mga ilang minuto lang naman akong nag antay atsaka malapit lang ang bahay namin dito sa school." Paliwanag ko dito.

"Talaga? Buti naman. So let's go? But by the way, you look great" nagwink pa ito pagkasabi niya. Pumasok na kami sa sasakyan.

"Ikaw nga to ang ganda eh, I actually feel underdressed right now" bulong ko but I think she heard cause she blushed. 

"Sus ano ka ba, maliit na bagay. Pero Cass wala ka bang dress? Mas maganda pag yun ang isinuot mo." Namula ang pisngi ko kasi hindi ko naman alam na hindi pala puwede ang ganitong suot.

"Ah eh wala ako niyan eh kasi hindi naman ako mahilig sa mga ganun. Hindi ba puwede ang ganitong suot? Huwag na lang kaya tayo tumuloy." Nahihiyang tugon ko dito.

"No! Actually bagay nga sayo at sabi naman ni Inness it's not a formal party so wear whatever you want. Papunta na tayo dun and ineexpect ka, I mean tayo ni Inness kaya hindi na pupwedeng magback out. Tsaka nagpromise ka na sasamahan mo ako diba?" Nagpout pa talaga ito.

I sighed then nodded kasi wala naman akong magagawa kundi sumunod na lang.

"Yey! Thank you Cass. Chance na nating makipagsocialize sa iba and gain friends." Excited na sabi neto.

I groaned internally. Socialize. Yuck. Sana pumunta na lang ako kina grammy kahit na wala sya dun. Makakapag isa pa ako together with books and movies.

"Malapit na tayo Cass sa Xavier Manor" announce ni Rose after like an hour of driving away from school. 

Nagdrive na kami papasok through an open huge metal gate then bumungad sa amin ang isang napakaganda at nakakamamangha na french colonial mansion.

Bumaba kami ni Rose sa sasakyan since may valet naman to park the car. Pinagbuksan kami ng pinto tapos bumungad sa amin si Inness na nakashort shorts and a white top. Buti naman hindi lang ako ang nag iisang hindi nakadress.

"You came! Akala ko hindi na kayo makakapunta. Tara pasok sa loob, 'wag kayong mag aalala hindi naman buong school ang inimbitahan namin. It was only just us and a few close friends." She led us from where the party is. Rinig na rinig ang music habang papalapit ng papalapit sa venue.

Hindi nga buong school ngunit andami naman nilang close friends. Halos mapuno ang kwarto and there's a dj na nagpapatugtog ng playlist niya in the background.

Medyo malakas ang music at may nagsasayawan sa gitna ng room. Mayroong buffet sa gilid kung saan dinala kami kaagad ni Inness.

"Kumain muna kayo then there's a bar that serves different kinds of drinks you wish to drink." My mouth watered at the sight of the buffet. There's different kinds of cuisine like French, Italian, Japanese and even Filipino foods.

"Thanks Inness for inviting us here." I sincerely said.

"No worries. By the way babatiin ko lang yung mga bagong dating. Kuha lang kayo jan wag kayong mahihiya, maiwan ko muna kayo ha? Excuse me" pagpapaalam ni Inness sa amin.

"Woah Cass andaming varieties, eto tikman mo ito masarap 'to." Nilagay niya sa plate ko ang maki sushi. I smiled thankfully at her tas sinubo ang binigay niya sakin. Sa totoo lang this kind of food is not new to me. Mas thrilled akong kumain ng Filipino foods kesa sa ibang cuisine.

The Secret HeirWhere stories live. Discover now