Chapter 40

436K 11.9K 1.8K
                                    


Chapter 40

[Ice's POV]

"What's with the frowny face? Nag-away kayo ni Timi?" tanong sa akin ni Erin habang papalapit siya sa bar stool kung saan ako nakaupo.

Halos kauuwi ko lang from Timi's house. Okay naman kaming dalawa ni Timi kahit na muntikan na namin gawin ang bagay na yun. Pero halata ko na matamlay siya. Hindi niya magawang makatingin sa mata ko. Para bang naiilang siya.

Ang tanga tanga ko naman kasi eh. Bakit ba hindi ko na-control ang sarili ko kagabi? We almost did "it". Hindi ko napansin na uncomfortable na si Timi. Na-blangko isip ko. That time, ang laman lang ng isip ko ay kung gaano siya kaganda at kung gaano ko siya kamahal.

Okay na sana but I screw it up. Ngayon paano ako babawi kay Timi? Paano ko magagawa na mawala ang pagka-ilang niya sa akin?

"Ice, tulala ka," sabi ni Erin.

Napa-angat ang tingin ko sa kanya. Hindi ko napansin na naglalapag na siya ng tasa ng kape sa harapan ko.

"Ah... may iniisip lang."

"Ang girlfriend mo?"

Tumango ako.

"Bakit? Sinabi mo ba kay Timi ang about sa akin?"

Napalingon ako kay Erin. Kita ko ang pagaalala sa mata niya.

"Hindi ko sinabi kay Timi."

Napabuntong hininga si Erin.

"Pero gusto ko na magusap na kayo," duktong ko.

"Ice.."

"She needs to know."

"Well, I am so excited to finally tell her kung gaano siya kawalang-kwentang kaibigan!"

"Wala rin akong kwentang kapatid?"

"Matagal ka nang naka-bawi sa akin Ice."

Napabuntong hininga ako.

"You should stop blaming Timi. It's not her fault at wala siyang alam sa nangyari. Kung may dapat sisishin sa nangyari, ako yun. Ako ang nagmamaneho ng araw na yun. Ako ang nagpumilit umalis kahit alam kong ang lakas ng ulan..."

"And Timi is so busy throwing a tantrum that time na pareho tayong nanginginig na sundin siya," pag putol niya sa akin. "Ni-hindi niya pinakinggan ang explanation ko nun. She's a selfish spoiled brat na walang paki kundi ang sarili niya."

Napa-hinga ako ng malalim.

"Pero hindi mo sinabi sa kanya ang nangyari."

"Because after that incident, I stop treating her as my friend."

"I want you to talk to her Erin."

Hindi umimik si Erin.

Kinuha ko ang kamay niya at hinawakan ko ito ng mahigpit.

"Erin, it's been years. It's time to move on. At magagawa mo lang yun kung kakausapin mo si Timi. It's not entirely her fault. Pagbali-baliktarin man natin ang sitwasyon, aksidente ang nangyari. Mas makasalan ko pa nga eh pero nagawa mo akong patawarin. Please Erin."

Game Over (EndMira: Ice -- book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon