Chapter 6.5 - The Fire

180 1 0
                                    

CHAPTER 6.5

KATH'S POV

"Akalain mo yun. 15 years na tayong magkakilala. 15 years na tayong magbestfriend." Sabi sakin ni Daniel.

"Yeah. I never thought the day I first met you would be my favorite day every year."

"Ang lungkot mo pa nun. Nung nakita kita sa hospital." Natawa kami pareho. Oo, malungkot nga ako nung mga panahong yun.

At nagreminisce kami...

***FLASHBACK 15 YEARS AGO...

Third Person's POV

Masayang masaya ang batang si Kathryn dahil sya ngayon ay nasa isang zoo kasama ang buong pamilya nya -- ang Mommy at Daddy nya pati na din ang kanyang kakambal na si Liza.

"Mom, Dad! I want to see the chickens. Can I go? Please?"

Pakiusap ng batang si Kathryn.

"Anak, let's just rest for a while, okay? Kain na muna tayo." sabi ng Daddy nya.

"And besides, Kath, wala kang kasama."

"But Mommy..."

"I'll go with her Mommy. Para may kasama si Kath." sabi ng kakambal ni Kathryn.

"Liza..."

"Hon, hayaan na natin sila mag-enjoy. Bata yang mga yan eh kaya sabik." sabi ng Daddy nila.

Simula bata pa lang ang kambal ay kakampi na nila ang Daddy nila. Lalong lalo na si Kath. Si Liza kasi mas close sa Mommy nila.

"Okay. But be careful. Ha?" sa wakas ay napapayag na nila amg Mommy nila.

"Thanks, Mom! We'll be careful. Ako bahala kay ate." sabi ng batang si Kathryn sabay akbay sa kakambal nya. Ang totoo nyan, hindi talaga nya tinatawag na ate si Liza dahil ilang minuto lang naman ang tanda nito sa kanya at dahil ayaw din naman ni Liza na magpatawag na ate. Tinatawag nya lamang itong ate sa harap ng mama nya kapag may gusto sya at naglalambing.

Masayang nagtitingin tingin ang magkambal sa mga manok. Aliw na aliw sila sa panonood. At dahil doon ay hindi nila namalayan na nakakagulo na ang mga tao sa paligid nila. May nasusunog na palang kung ano at nagsimula na itong kumalat sa buong zoo.

"Liza! Anong nagyayari? Bakit nagtatakbuhan ang mga tao? Bat sila nagkakagulo?" tanong ni Kathryn kay Liza. Naguguluhan sya samga nangyayari.

"Hindi ko din alam, Kath. Tara bumalik na tayo kila Mommy!"

Tumakbo ang magkapatid pabalik sa mga magulang nila. Pero salungat ang daan nila sa mga nagtatakbuhan kaya nahihirapan sila.

"Kath! Wag kang bibitaw sa kamay ko!" sigaw ni Liza dahil malakas na rin ang mga sigaw ng mga tao sa paligid nila.

Patuloy silang tumatakbo. At patuloy din ang pagsikip ng dinadaanan nila.

"Teka lang, Liza. Dumudulas na yung kamay ko."

"Basta huwag kang bibitaw Kath. Kelangan nating makabalik kila Mommy!"

Pero sa pagtakbo nila ay nakabitaw sila sa kamay ng isa't isa. Hindi nila alam kung saan napunta ang isa.

Patuloy na hinahanap ni Kath ang kakambal nya ngunit hindi nya ito makita dahil sa sobrang dami ng tao.

"Liza!! Nasan ka na ba?!" sigaw ni Kathryn pero hindi pa rin sya nakakatanggap ng sagot mula sa kay Liza.

"Lizaaaaa!!!!!!"

Wala pa ring sagot. Sa kakatakbo ni Kathryn ay di nya namalayan na narating na nya ang labas ng zoo kung saan naroon ang mga taong namamasyal nung araw na iyon. Ang mga taong nakaligtas mula sa sunog.

"Kathryn!! Anak!"

"Daddy!!"

Tumakbo si Kathryn palapit sa kanyang ama nang umiiyak.

"Kathryn! Nasaan ang kapatid mo? Nasaan si Liza?!" bungad sa kanya ng kanyang ina.

"Mommy... huhuhu." tanging iyak na lang ang nasagot nya dahil maging sya ay hindi nya alam kung nasaan ang kakambal nya.

"Stop crying! Where is Liza?!" tanong ulit ng Mommy nya na parang galit na dahil nawawala ang kanyang anak.

"Huhuhuhu..."

"Min! Hindi makakatulong yang paghyhysterical mo. Huminahon ka naman." sambit ni Teddy na hanggang ngayon ay pinatatahan pa din ang umiiyak na batang si Kathryn.

"How can I calm down if my daughter is not here?!"

"Mommy... huk.. sorry. I'm sorry Mom..."

Hindi na natapos ni Kathryn ang sasabihin nya dahil bigla na lamang syang nahimatay.

“Kathryn! Hey, baby. Wake up!” sinubukan syang gisingin ng kanyang ama.

“Min! We have to bring her to the hospital. Now!” sabi nya sa asawa.

“But Liza is not yet here. We have to wait for her, Ted.”

“I’m sure kung wala sya dito, nadala na sya sa ospital, Min. Kaya let’s go. We should not waste time.” Pilit pa ni Ted sa kanyang asawa.

At sa wakas ay napapayag na din nya ito. Agad silang nagpunta sa ospital.

*Pagkalipas ng ilang mga minuto…

“Doc, how’s my daughter?” Nag-aalalang salubong ni Teddy sa doctor nang makalabas ito sa kwarto ni Kathryn.

“Are you her parents?” tanong naman nito sa mag-asawa.

“Yes, doc.”

“Well, the patient’s fine. Nahimatay lang sya dahil nakalanghap sya ng usok mula sa sunog kanina. But she will be fine. Magigising na din sya maya-maya lang. Excuse me.”

Nakahinga na nang maluwag si Teddy dahil sa sinabi ng doctor. Pero may isa pang tinik sa kanilang dibdib.

“Teddy. Hanggang ngayon wala pa ding balita kung ano ang nangyari kay Liza..” naiiyak na sabi ni Min sa asawa nya.

“Magiging ayos din ang lahat, Min. Mahahanap din si Liza.”

Hindi na alam ni Teddy kung ano ang sasabihin nya sa asawa dahil maging sya ay hindi alam kung ano ang mangyayari. Nawawala ang isa pa nyang anak. Alam nya ang naramdaman ng asawa nya. Nahihirapan na rin sya sa kanilang sitwasyon. Pero ayaw nya itong ipakita dahil kailangan nyang maging matatag para sa pamilya nya.

KATH’S POV

Dumilat na ako. Puro puti ang nakikita ko. Tumingin tingin ako sa paligid. Nasa may sofa si Daddy.

“Daddy?”

“Baby? Are you alright? May masakit ba?”

Pero di ko pinansin ang tanong nya. Isa lang ang gusto kong malaman.

“Daddy, si Liza po? Asan na sya? Nakita na po ba sya?” tanong ko sa kanya.

Umiling lang si Daddy. Ang lungkot ng mukha nya.

“Dad, hanapin natin si Liza. Baka wala syang kasama. Kawawa naman po sya.”

“I know, baby. Hinahanap na sya. Kausap na ng Mommy mo ang mga taong maghahanap sa kapatid mo. Kailangan na lang nating maghintay. Okay?”

Tumango ako.

Buong araw kaming naghintay ng balita tungkolsa kakambal ko pero walang dumating. Dumating na ang bukas pero wala pa rin.

The Casanova's Bestfriend (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon