Chapter 6.7 - August 16, 1997

173 2 0
                                    

CHAPTER 6.7

KATH’S POV

Simula kahapon naghihintay na kami ng update kung anon a ang nangyari sa kakambal kong si Liza. Pero hanggang ngayon ay bigo kami.

Si Daddy nandito sya kanina pero umalis na din. May kailangan daw asikasuhin. Si Mommy naman hindi ko pa nakikita simula nung nagising ako. Naiisip ko tuloy kung nag-aalala ba talaga sya sakin. L

Naiinip na din ako sa loob ng kwarto ko kakahintay. Kaya minabuti ko na lumabas at magpahangin. Pumunta ako sa may rooftop kasama ang nurse na kinuha nila Daddy na magbabantay sakin.

“Ang ganda naman dito.” bigla na lang lumabas sa bibig ko ang mga salitang yun. Maybe because it really is beautiful here. Yung view kasi, makikita mo yung buong city sa baba. Ang taas pala ng ospital na to. ^____^

Nakakalungkot lang kasi hindi ko kasama si Liza na Makita ‘to ngayon. Haaayy, Liza nasan ka na ba? L

“O, ba’t ang lungkot ng mukha mo? Ang ganda kaya ng view oh.”

Tiningnan ko kung sino yung nagsalita. Isang batang lalaki. Nakasuot din sya ng hospital gown tulad ko. Gwapo sya, pero di ko pinansin. Di ko kasi sya kilala eh. Umiwas na ko ng tingin.

“Nandito ka din ba dahil sa sunog kahapon sa zoo?” tanong pa nya.  Pero di ko pa din sya kinakausap.

“Huy..” kinalbit nya ko sa may balikat ko.

Wala pa din. Di ko pa din sya pinansin.

“Huy, batang masungit..” sabi nya sabay tusok sa may tagiliran ko.

Agad naman akong nagreact. Malakas kasi ang kiliti ko eh.

“Ano ka ba?!” pasigaw kong sagot sa kanya tsaka ako tumingin sa kanya. Pero nung Makita ko yung mukha nya…

“HAHAHAHAHAHAHA!!”

For the first time ata mula nung naadmit ako dito sa ospital natawa ako. Yung totoong natawa talaga.

Sobrang natawa ako. Kasi naman eh. Epic po kaya yung itsura nya. Nanlaki kasi yung mga mata nya. Ganito oh.. O_____O

“Ano bay an. Ayusin mo nga yang mukha mo. Para kang nakakita ng multo eh. Hahaha” sabi ko habang tumatawa dun sa batang lalaki.

Mukha naman syang natauhan kasi inayos na nya yung itsura nya.

“Hoy! Ang sama naman ng ugali mo. Nakikipag-usap na nga ako sa’yo sinigawan mo pa ako” sabi nya na parang nagtatampo pa. Sus! XD

“Eh kasi sabi samin ng parents ko wag daw makipag-usap sa mga hindi naming kakilala” sagot ko sa kanya.

“Paano ka magkakaroon ng kaibigan kung hindi ka makikipag-usap sa hindi mo pa kakilala?”

Napaisip naman ako sa tanong nya. Tama naman kasi sya eh.

“Pero sige, makikipagkilala na ko. Para naman kausapin mo na ko,” sabi nya. Tapos nilahad nya yung kamay nya. Yung parang makikipagshake hands. “My name is Daniel Padilla. Ano pangalan mo?”

Inabot ko yung kamay nya sabay sabing, “I’m Kathryn Chandria Bernardo. ^___^”

“Friends na tayo ha?” tanong pa nya.

“Hmm..” tinagalan ko yung pagsagot sa kanya, kunwari nag-iisip pa ko. Hahaha. Bata pa lang talaga ako maloko na ko. ^___^v

“Sige na. Wala pa kasi akong kaibigan dito eh. Kakauwi lang kasi naming from U.S. Tapos nangyari pa yung sa zoo kahapon. Kaya, please?”

The Casanova's Bestfriend (KathNiel)Where stories live. Discover now