Game 12

1.8K 40 17
                                    

Kinabukasan matapos ang deal ko with Vice and Billy. 

Maayos na natapos ang morning classes ko, like yesterday, katabi ko sila Anne at Georgina sa English class. Kwentuhan at kulitan, syempre pasimple din akong kumukuha ng information na pedeng makatulong kila Vice at Billy. Boy, it ain't gonna be easy for them. Why? First off, the girls want a guy who can pull off a conversation smoothly at etong boys ko, gosh kung gaano sila kahusay sa basketball eh kabaligtaran naman when it comes to talking to girls so kelangan ko magfocus sa aspect na yun. 2nd, dahil nga sa nangyari kay Anne eh naging super cautious na sila ni Georgina sa pagpili ng lalaki, jocks being at the top of their "NO-DATING-LIST" and obviously, both Vice and Billy can be classified as "jocks".

As always, nagkita-kita kami ng boys sa usual table namin sa canteen. Andoon na sila when I arrived at halatang inaantay ako. Nakijoin nako sa kanila matapos kong umorder ng food. Sakto namang kakapasok lang din nila Anne kasama si Vhong, binati nila ko bago sila pumila para umorder.

"Hey brothers!" I greeted them as I put my food tray down.

Billy: Ugh..how I wish kasing confident kita around girls, Khalil.

Vice: Oo nga. *sighs*

"At dyan tayo magfofocus, sa confidence." I said.

Jhong: Wow, anong namiss ko? 

Billy: Nothing much, bro. Nagpapatulong lang kami sa expert. 

Jhong: Nakz, ayos yan. Goodluck mga pre.

"Ikaw ba, Jhong. Wala kang prospect?" I asked.

Pareho namang natawa sila Vice at Billy.

Vice: Haha nako yang si Jhong isa lang ang gusto nyan.

Billy: Oo nga, till now di pa rin nakakamove on.

Jhong: Tigilan niyo nga ako! Nakamove on nako noh.

"Ohh, so sino naman tong girl na nagbreak ng heart mo? Share naman." I teased him.

Jhong: Wala na yun.

Vice: Wala daw, ayun oh. 

Ngumuso si Vice sa bandang likuran ko. Sa girl na kasalukuyang nakapila sa may counter.

Kumunot ang noo ko. "Si Alex? Alex Gonzaga?" I asked.

----------

Kakalabas ko lamang from my History class, huling klase ko for today. Pababa na sana ako ng building ng tinawag ako ni Principal Klein.

Principal: Tatlonghari. So, how's school so far?

"G-great, so far so good. Thanks for asking." I replied.

Principal: That's good. Anyway, may importante ka bang gagawin?

"Wala naman po. Why?"

Principal: Maaari ka bang pumunta sa detention room, tell Mrs. Daisy to see me sa office.

"Sure thing." 

Principal: Thanks. Now, go!

"Roger!" Agad akong naglakad palayo sa kanya at paakyat sa 4th floor kung asan andun ang detention room.

Principal: And Tatlonghari, keep it clean, ok! Always remember that abstinence is key!

I winced upon hearing his words. Ewww. Binilisan ko pa ang paglalakad hanggang sa makarating nako sa labas ng detention room.

Sumilip ako pero Mrs. Daisy is nowhere to be found..instead, may isang tao akong di inaasahan ang nakita ko sa loob. Tumalikod nako para umalis ng bigla nya kong tawagin..

Alex: Hey you!

Caught. "Alex." I smiled at her.

Alex: Anong offense mo at andito ka?

"Um wala naman. Pinapunta ko dito ng Principal para ipatawag si Mrs. Daisy. Asan pala sya?" I said.

Alex: Malay ko sa matandang yun, iwan daw ba ko dito mag-isa hmph!

"Di mo ata kasama sister mo?" I asked.

Alex: Di mo ba napansin na absent sya sa English class kanina? Kaya malamang di ko talaga sya kasama ngayon. Duh! Umalis ka na nga. Shoo! 

She rolled her eyes and then mumbled something to herself. Argh, what a----! Bakit pa kasi ako nagtanong pch!

Patulan mo na yan. Sumosobra na yang babaeng yan eh.

No, hindi ko sya pedeng patulan kahit gustuhin ko man. Okay Karylle..relax, don't mind her. I inhaled then exhaled.

Aalis na sana ako ng makita kong pumatong sya sa upuan at parang may inaabot na something sa tuktok ng cabinet.

"Teka, yung ch----" Bago ko pa man matapos ang sinasabi ko ay napatakbo nako papunta sa kanya.

*BLAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAG!*

Just like that, nasa sahig na kami. She's on top of me. Ako naman ay napapikit dahil sa sobrang sakit na nadarama ko ngayon. Oh God, please kill me now... I can't breathe... Ipit na nga tong coconuts ko dahil sa bandage tapos ngayon nadaganan pa ng 40kg something na babae. Babaeng kanina lamang eh tinatarayan ako, bakit ba kasi ako nagpakahero eh? I wouldn't be surpised if one day tubuan na lang ako ng breast tumor. Ugh!

Teka, bakit parang ang tahimik? Don't tell me nagpass out tong si Alex. I opened my mouth to gasp for air. Ng medyo nakakahinga nako ulit ng maayos eh dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko.

Kumabog ng malakas ang dibdib ko dahil sa gulat, hindi nagpass out si Alex, bagkus ay nakatitig lang sya sakin..para syang iiyak na at namumutla na di ko maintindihan. 

"A-are you okay?" I asked, concerned.

Tumango lang sya at doon ko naramdaman ang panginginig nya. Gawa na din siguro ng takot at kaba.

"Uh..baka gusto mo ng tuma---" Bago ko pa man matapos ang sasabihin ko eh may sumigaw na mula sa may pintuan.

Toni: Hoy! Anong ginagawa mo sa kapatid ko?!

Kasunod nya ang isa pang babae na bakas din ang pagkagulat sa mukha.

Anne: Khalil?

Great! Just great... v_v

To be continued...........................................................

--> A/N: Parang panget ng chappy na to, pasensya na. Di kasi ako makapagconcentrate eh gawa ang ingay dito sa bahay..haiz. Anyway, sana maenjoy niyo pa din kahit papano. =) <--

GameplayWhere stories live. Discover now