11th Dose

5K 55 1
                                    



Calix POV

"Bae bilisan mo naman, ang tagal talaga mo eh" ewan ko ba kung pano ako napapayag nitong si Zarah na sumama sa kanyan sa Enchanted Kingdom, alam ko namang takot ako sa heights pero hindi ako makahindi sa kanya.


"Ano ba Calix, unting bilis naman" sigaw nya habang nasa tapat ng parang barko na gumagalaw pataas pababa


"Halika na" di pa sya nakahalata at hinila talaga ako sa pila


"Calix, bakit ba ang tagala mong maglakad, takot ka ba?" gusto ko sanang sabihing OO kaso mas pinili kong mag tapang tapangan


"Hindi ako takot ah, natatawa nga ako sayo eh! Mukha kang batang excited na excited sumakay sa rides" mayabang na kung mayabang pero dapat hindi ako maging katawa tawa sa harapan ni Zarah


"OO na first time ko kasi sumakay sa mga ganito eh" nahihiyang sabi nya!


"O kung ayaw mo! Umuwi na lang tayo" sana pumayag sya na umuwi na lang kami kaso nabigo ako


"Ano k aba Calix, saying ang pera natin! Saka pangarap ko toh! Kung mamamatay na ako gusto ko sanang ma try ang mga kinatatakutan ko"


"Mamamatay talaga? Tandaan mo Zarah hindi ka pwedeng mawala hanggat di ko sinasabi! Naiintindihan mo" ewan ko pero bigla akong kinabahan sa idea na mawawala si Zarah na mamatay sya kasi hindi ko talaga kakayanin yun


"Oo naman! Hindi ako mawawala hanggat hindi mo sinasabi promise yan"


"Hindi mo ako iiwan"


"Hinding hindi kita iiwan Calix hanggat hindi mo sinasabi"


"Tama yan hinding hindi ka pwedeng mamatay hanggat hindi ko sinasabi naiintindihan mo"


"OO kung mangyari man yun! Lalaban ako para sayo"


"Lalaban tayong dalawa, walang susuko ha!"


"Lalaban tayo! Kaya tara na sakay na" hayyy akala ko makaka takas na ako hindi pa din pala! Pero para kay Zarah kakayanin ko



Zarah POV

Hindi ako matapos sa kakatawa, hindi ko maiwasang isipin yung nangyari kanina sa EK, sobrang takot na takot si Calix sa mga rides nagmukha akong yaya nya na taga punas ng suka, taga alalay at taga bigay ng tubig.


"Grabe Calix, nakakahiya ka kanina para akong may kasamang bata! Hahahahahhaha tapos sa Vikings grabe tinatawag mo pa pangalan ng nanay mo... hahahah.. nakakahiya ka talaga"


"OO na!" yung mukha ni Calix namumula hindi ko alam kung sa hiya ba yan o sa hilo pa din

Story of a Virgin (SPG)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt