15th Dose

3.9K 44 0
                                    

Parang pinag lalaruan ako ng tadhana kasi sa dami dami ng pwede kong mapuntahan sa ward pa ng mga batang may cancer. Sakin inassign ang isang room at walo silang pasyente ko simula ngayon.


Kasama ko si Mam A, nag rereview ako ng mga chart isa isa kong inaalam ang mga sakit nila. Apat sa kanila may leukemia, dalawang heart disease. At dalawa na sakit din sa dugo.


"Zarah puntahan mo na sila magbigay ka na ng gamot tapos check ka ng vital signs"


"Sige po Mam A"


Pagpasok ko dun agad napunta sakin ang atensyon ng mga pasyente. Nahagip ng mata ko si Anton kasi may dalawang batang nandon sa kama  nya. Mukha silang nag lalaro. Dahilan para mapangiti ako.


"Hello kids! Ako si nurse Zarah! Ako mag aalaga sa inyo" masayang sabi ko


Hindi nila ako pinansin. Pero buti may dalawang cute na batang lumapit sakin. Ang kambal na si Heather at Heaven.


"Hi! Sino si Heather at sino si Heaven?"


"Kilala mo po kami" sabay na sabi nila ang cucute talaga


"Oo naman kilala ko kayo! Ako si nurse Zarah"


"Yehey! Ako po si Heaven! Sya po si Heather" umupo aq para magpantay kaming tatlo


"Basta po pag nay nunal sa pisngi si Heather un! Wag po kaung malilito ah" agad kong nakita ang nunal ni Heather, ang cucute talaga nila


"Ok hinding hindi ako malilito! Inom kayo ng gamot ah" agad napangiwi ang dalawa


"Hindi naman masarap yan eh" sabay takip sa bibig


"Gusto nyo mag kwento ako about princess and prince!" Agad silang tumango


"Pero after iinom kayo ng gamot" nagtinginan ang dalawa sabay tumango.


Napangiti ako kasi gumana ang technique ko. Agad silang pumunta sa bed nila na kulay pink ang bed sheet ang daming laruan at mga pink balloons.


"Yehey! Yehey! Mag story si nurse Zarah" pumapalakpak ang kambal


"Rayven, Carvin dito kayo dali mag story si nurse Zarah. Kami ang princess kau ang prince dali" hinihila ni Heaven ang dalawang batang nasa kama ni Anton. Five years old ang kambal parehang 6 years old naman si rayven at carvin.


Walang nagawa ang dalawa kasi sadyang makulit si Heaven, ang kambal nyang si Heather tahimik lang.


"Sama din kami" narining ko ang boses nila Carlo at Maxine parehas silang may sakit sa dugo at parehas na 9 years old.

Story of a Virgin (SPG)Where stories live. Discover now