13th dose

4.5K 52 4
                                    

Isa sa advantage ng pagiging nurse ay nasasaksihan mo ang bagong silang at paglisan ng isang tao sa mundo. Womb to tomb ika nga! Isa kami sa masusuwerteng taong nasasaksihan ang ang biyaya ng buhay. Kaya naman ginagawa namin lahat para alagaan ang buhay ng isang tao.


Pero kung ang pasyente bastos at walang galang kagaya ng pasyente ko nakoooowww makakalimutan ko na siguro ang sinumpaan kong tungkulin


"Hi! Check ko lang bp mo" masayang bati ko. Ngunit ang bastos kong pasyente pumikit lang at di ako pinansin. Kaya nilagay ko na lang sa braso nya ung bp cuff


"100/60 ok naman" walang ganang sabi ko.


"Bakit ba kasi check ka ng check ng bp ko. Eh di naman nagbabago" abat nagsasalita pala sya


"Wala lang!" Tamad na sagot ko wala ako sa mood kausapin sya


"Alam mo sa lahat ng nurse ikaw ang  pinaka masungit. Eh student ka palang naman pano pa kaya pag naging nurse ka na"


"Mas magiging masungit" papaalis na sana ako ng mapansin kong namumutla ang labi nya


"Ok ka lang?" Nag aalalang tanong ko habang nilalagay sa daliri nya ang pulse oximeter


"Wala kang paki" abat sumasagot pa talaga. Agad kong hinook ang oxygen dahil 93 lang ang oxygen saturation nya ibig sabihin kulang ang oxygen sa katawan nya.


"Dyan ka lang tatawagin ko ung doctor" pero agad nyang hinigit ang kamay ko


"Wag na ok na aq. Mamaya aayos din pakiramdam ko"


"Tseeee. Basta tatawag ako ng doctor"


Agad kong tinawag ang doctor nya at agad namang syang chineck. Kahit masungit sya sakin iniintindi ko na lang may leukemia kasi sya 17 years old saka magisa lang sya lagi. Ung magulang nya nasa states minsan lang sya binibisita puro mga kaibigan at kasambahay nya ang lagi lang dumadalaw.


Hindi ba nila alam na mamamatay na sya. Oo hard na kung hard pero sa edad nyang yan malabong magtagal ang mga taong may leukemia. Sa bata pwede pa pero sa edad na 17 malabo.


"O sya sige. Inumin mo ang mga gamot mo ha! May chemo tayo bukas" sabi ng doctor nya at umalis na


Aalis na sana ako ng tawagin nya ako. "Ah nurse zarah wait lang" ng lingunin ko sya nakangisi sya


"Ano nanaman?"


"Ahhhh salamat" parang nabingi ako sa sinabi nya kasi dba masungit sya sakin


"Ano ulit yun?"


"Ano ba yan ang bingi mo naman! Ayaw ko ng ulitin bala ka sa buhay mo matutulog na aq" at ang bastos pumikit na

Story of a Virgin (SPG)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα