Chapter1.1 Noir

981 34 5
                                    

==========================

==========================

Wala na sa sarili si Amara. Dinala siya ng kanyang mga paa sa isang highway. Gabi na noon. Wala na rin siyang pakialam kung mabunggo man siya o masagasaan. Iisa lang ang alam niya. Wala ng silbi ang buhay niya ngayong wala na ang kanyang ina at kapatid. At mismong ang ama pa nito ang pumatay sa ina.

"Papa,bakit nagawa mo to sa pamilya natin." patuloy na panaghoy niya.

Nasa gitna na siya ng kalsada ng biglang may paparating na isang sasakyan.

"Nakakasilaw ang liwanag. Mama,Kuya hintayin niyo ako diyan." huling usal niya bago mawalan ng malay.

Huminto ang sasakyan bago man mabunggo nito ang dalaga. Dagling lumabas ang isang lalaki at babae mula sa itim na sasakyan.

"Leon! Leon! Nabangga ata natin siya. Magmadali ka dalhin natin siya sa hospital." histerikal na wika ng isang babaeng nasa edad 35.

"Eunice huminahon ka. Hindi natin siya nabangga. Nawalan lang ito ng malay tao. Buksan mo ang pinto ng sasakyan dadalhin natin siya sa mansyon." saad naman ni Leon.

Tumalima naman si Eunice sa utos ni Leon. Makaraan ang ilang oras ay nakarating na sila sa mansyon.

Their mansion is located at the deep side of Terum forest. Bago ka makapasok doon ay matinding security check muna ang dadaanan mo. Kung ikaw ay naligaw sa kagubatang ito. Hwag mo nang asahang makakalabas ka pa ditong buhay sapagkat nag kalat ang mga patibong dito. These are personalized traps for intruders.

Binuhat ni Leon ang wala pa ring malay na si Amara papunta sa loob ng mansyon,naka agapay lamang si Eunice sa kanila. Sinalubong sila ni Gregory ang katiwala ng mansyon.

"Magandang gabi po Don Leon at Senyora Eunice." Magalang na bati nito. Napatingin si Gregory sa dalagang buhat ng Don. Nagtatanong ang mga mata nito.

"Nakita namin siyang walang malay. Tawagin mo agad si Frances at Ihanda mo ang bakanteng kwarto." utos ng don.

"Ngunit mahal na don,baka isa lamang itong espiya ng ating kalaban." pag aalangan ng katiwala.

"Sundin mo na lamang ang utos ng aking asawa Gregory. Kung sakali mang isa siyang kaaway. Ako mismo ang papatay sa kanya." may bahid ng awtoridad ang boses ng maybahay. Miminsan lamang nitong gamitin ang ganitong tono kaya agad na tumalima ang katiwala.

Kasalukuyang ginagamot ni Frances ang mga sugat na natamo ng dalaga. Nasa may pintuan lamang sina Gregory,Leon at Eunice.

"Nakakaawa naman ang batang ito. Mukhang matinding pag durusa ang naramdaman nito." himig pag alala ni Eunice.

Niyakap lamang siya ng kanyang asawa.

"Maaring biktima siya ng white slavery. Malalaman din natin ito pag nagising na siya." saad naman ng don.

"Boss,nagamot ko na po ang mga sugat niya. Maaring mamya ay magkamalay tao na siya. Itinurok ko sa kanya ang bago kong tuklas na gamot na magpapadali sa paghilom ng sugat niya."

Ipinakita nito ang kulay asul na likido mula sa test tube.

"Ano to?" tanong ng don.

"That's my creation called Athena. It's still under my observation meaning dun lang sa babae na yun ko pa lang naiturok yun. But dont worry boss bukod sa itchiness wala itong side effects. But if the drug

takes effect mapapadali ang paghilom nito." mahabang paliwanag ni Frances.

"Great masterpiece kung ganun. Keep working on that medicine Abbysinian." -Leon

BCR: Series 1: Amara: The Tigress -[ONHOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon