Move on

13.7K 220 30
                                    

Anim na letra dalawang salita,
Na halos diko kayang magawa,
Dahil diko matanggap na wala kana,
Oo wala kana, Diko alam bakit moko iniwan basta basta,
Sa gabi ng iyong paglisan iyak lamang ang aking nagawa
Sa aking pagtulog dinadalangin kong panaginip lamang at pag-gising ko'y nandiyan kapa
Sa pag-gising ko hinahanap kita,
Hanggang sa magising ulit ako sa katotohanang wala ka na pala,

Mahal? Ganun nlg ba kasandaling itapon ang lahat ng pinagsamahan?
Mahal? Ganun ganun nlg ba kasandaling mawala ang iyong nararamdaman?
Napakadaming tanong na bumabagabag sa aking isipan,
Na alam ko man ang kasagutan ay diko matanggap dahil diko inisip kahit minsan na ika'y lilisan ng ganun ganun na lamang,

Move on! Move on! Move on!
Mga katagang umiikot sa aking ulo,
Diko nga alam kung paano uumpisahan ito,
Ang hirap isipin na nasanay ako,
Na nasa piling mo,
Pero isang araw sinabi mo,
Mahal diko na kaya, Patawad ngunit tapos na tayo,
Nagpintig ang mga tenga ko,
Nagdilim ang aking mundo,
Paano ko tatanggapin na ang kaisa-isang taong minahal ko ng ganito,
Parang wala lng sakanya na iwan ako,

Move on, Move on, Move on!
Kalimutan mo na siya,
Napakadaling sabihin para sa iba,
Oo! Kung ako'y inyong tatanungin mas pipiliin kong kalimutan na siya,
Pero sa bawat pagkakataon,
Na maamoy ko ang pabango niya,
Sa bawat pagkakataong marinig ko ang paborito nyang kanta,
Ang puso ko'y pumipintig at sasabihing, Dimo kaya kase mahal na mahal mo pa siya,

Doon ay babalik ang ilang katanungan sa isip ko,
Mahal? Nasaan ang iyong mga pangako?
Mahal? Nasaan na ang mga katagang binaggit mo, Noong naguumpisa plg tayo,
Mahal, Mahal, Mahal,
Diko na alam kung akoy maluluha o matatawa,
Dahil sa iyong paglisan ay parang ako'y nabaliw na,
Mahal kung maririnig mo man ito,
Nais kong itanong ang limang katagang ito,
Mahal, Ako ba talaga'y minahal mo?

- - - - - - - -

Nakarelate at nagustuhan mo ba?
Click the vote button. ☺

Mga Tulang May HugotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon