Baka Sakali

10.4K 127 6
                                    

Halos ilang buwan na ang nakaraan,
Pero eto pa rin ako't nagmumumok sa likod ng pintuan,
Ayaw ipakita sa iba ang sakit na nararamdaman,
Sa pag-ibig ganyan,
Paaasahin ka at Iiwan kang luhaan,

Ang aking pagbabaka-sakali ay ang naging dahilan,
Para matapos lahat ng pinagsamahan,
Minahal kita pero ang nararamdaman mo pala ay kabaligtaran,
Dahil ako sayo ay kaibigan lamang,

Kasalanan ko ba kung magbaka-sakali ako?
Kung sa bawat galaw mo ay pinaparamdam mo na mahal mo din ako?
Kasalanan ko ba kung magbaka-sakali ako?
Kung sa bawat magkasama tayo ay pinaparamdam mong napakaespesyal ko sa buhay mo?

Kaibigan, Kaibigan, Kaibigan!.
Wala ba talagang pag-asa na tayo'y magkai-bigan?
Kaibigan, Kaibigan, Kaibigan!
Ako ba'y matutuwa dahil may parte ako sa buhay mo?
O malulungkot dahil kaibigan mo lang ako?

Nagbakasakali ngayo'y sising-sisi na,
Pagka't dina tayo maaaring pang bumalik at magumpisa pa,
Nagbakasakali ngayo'y sising na
Pagka't ako'y umasa sa iyong ipinapakita,
Ngayon pala'y wala namang nadarama,

Aking kaibigan. Haha! Oo kaibigan,
Eto ang iyong tandaan,
Ako'y naghinhintay pa rin dito sa nakaraan,
Naghihintay na muli mo akong balikan,
At alukin muli na maging iyong kaibigan,
At kung ang panahong yon ay mangyari man,
Ay sisiguraduhin ko na ako'y dina kailanman man magbabakasakali,
Ng mga bagay na mas higit pa sa ating pagkakaibigan,
Pagka't ako'y kontento na na may lugar ako dyan sa puso mo,
At di na masasaktan kung dina maging tayo,
Kase alam ko na ang totoo na kaibigan mo lang ako at kahit masakit kailangang tanggapin ito.

- - - - - - - -

Nakarelate at nagustuhan mo ba?
Click the vote button.

Mga Tulang May HugotTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang